Finale

3K 67 13
                                    


Unedited...

One week nang nakapanganak ni Venella at normal vaginal spontaneous delivery pa. Gusto nga ng pamilya na ipa-CS pero ayaw niya. Hindi raw niya maramdaman ang tunay na pagiging ina kung hindi niya mailuwa ang bata. Normal naman ang lahat pero ang takot sa mga Villafuerte ay sobra-sobra. Pero dahil mas takot siyang hiwaan sa tiyan at gusto niyang maramdaman ang sakit, pinilit niyang mag-normal delivery.

Hindi talaga siya nagpa-CS at sa awa ng Panginoon, ligtas naman silang mag-ina.

"Okay ka lang? Baka gusto mong magpahinga," tanong ni Silver matapos ilapag ang dalang pagkain sa asawa.

"I'm fine," sagot ni Venella habang nagpapadede sa isang anak. Kakatapos lang niyang sabay na padedehin ang dalawa kaya sabay rin na nakatulog ang mga ito. Isa na lang at matutulog na rin siya.

"May tinolang manok si Nanay, humigop ka ng sabaw para madagdagan ang gatas mo," sabi niya at naupo sa tabi ng asawa. Proud siya rito. Sa buong pagbubuntis, naging matapang si Venella. Emotionally, spiritually at higit sa lahat, physically. Sa sobrang tapang nito, bugbog sarado siya.

"Mamaya na," sagot nito at dahan-dahang hinila ang anak sa dede dahil nakatulog na.

"Akin na, magpahinga ka naman," sabi ni Silver at kinuha ang sanggol sa maingat na inilapag sa kuna katabi ang dalawa pang anak. "Ang cute talaga ng babies natin."

"Mana sa akin," proud na sabi ni Venella.

"Sabi mo eh," wika ni Silver. Kay Venella kasi nagmana ang hugis ng mukha pero marami ang nagsasabing siya raw ang kamukha ng triplets. Hindi lang siya sure kasi sa ilong, sa kaniya naman nagmana.

Tumayo si Venella at naupo.

"Gusto kong kumain sa labas," nakalabing sabi niya. Nakakapagod na nakakapuyat pero masaya.

"Sige, mauna ka na. Doon na lang tayo kakain," pagpayag ni Silver at kinuha ang tray para ilipat sa balcon nila. Gawa na ang dream house ni Venella. Kagaya ng inaasahan, malaki ito. Okay na rin naman sa kaniya dahil dumadami sila at kailangan din nila ng matibay na pundasyon para sa kalamidad.

"Kyah! Gusto ko ang manok natin galing kay Kuya Blue," sabi niya na aliw na aliw sa manok na inaalagaan. Pang export nila. Parang mga bibe kasi ang hitsura nila dahil makapal ang balahibo.

(ccto: Gingamit ko na picture mo nga gintakaw mo lang sa parenti mo. Promote na kung tagpila baligya ya ne. Hahaha)

"Alaga mo eh," sabi ni Silver habang kumakain sila.

"Hindi pa ba ako puwedeng maligo?" naka-pout na tanong ni Venella. Kating-kati na siya pero bawal pa raw.

"Nine days yun, 'di ba?" tanong ng binata.

Iyon kasi ang maniniwala nila sa probinsya. Bawal muna maligo ng ilang days at kapag maligo na, kailan may mga dahon-dahon sa pinapaligo ng kakapanganak lang..

"Ang baho-baho ko na."

"Mabango ka kaya," nakangiting sabi ni Silver. Totoo naman. Kahit na ilang araw nang walang ligo, sobrang bango nito. Puring-puri nga ang mga taga barrio sa kaniya kasi maliban sa maganda at mayaman, sobrang bango pa raw ng asawa niya.

Sobrang linis sa katawan talaga si Venella.

"Umiiyak na baby natin," sabi ni Venella at tinulak sa balikat ang asawa. "Kunin mo na dahil baka magising silang tatlo."

Agad na tumayo si Silver at pinuntahan ang umiiyak na anak. Kahapon, sabay na umiyak ang mga iyo kaya nahirapan silang mag-asawa. Buti na lang dahil pinuntahan sila ni Nanay Nene.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon