36

1.6K 46 0
                                    


chapter 36

Unedited...

"Gusto mong pang kumain ng sushi? Kuhaan kita," tanong ni Venella nang mapansing naubos ni Silver ang pagkain.

"Ven," pagpigil ni Silver at hinawakan ang kanang kamay. "Ayaw ko na."

"Sige. Mamasyal tayo mamaya, ha," masiglang sabi ni Venella. Kakarating lang nila sa bahay dahil sinundo ng piloto para magpa-check-up sa OB nila. Iyon ang usapan, weekly silang babalik sa Maynila para magpa-checkup.

Napabuntonghininga si Silver. Kailan kaya siya maunawaan ni Venella na hindi niya kaya ang demand nito? Wala siyang pera. Hindi pa kasi puwedeng anihin ang palay at mais na itinanim nila.

"Ikaw na lang," sabi niya. Bukas pa sila uuwi. Ngayon lang siya nakapasok sa bahay ng mga Villafuerte at sala pa lang ay nalulula na siya. Sanay naman siya sa mayayaman niyang kaibigan at Luna pero iba pa rin pala ang bahay ng Villafuerte lalo na ang kuwarto ni Venella na princess ang tema. Pati kama nito, pang-prinsesa talaga at sobrang daming damit at bags. Lahat branded pa.

Tumayo si Venella at niyakap si Silver saka tiningala.

"Ayaw mo ba rito?" malungkot na tanong niya. "Gusto mo umuwi na tayo?"

"Hindi naman. Magpahinga ka na, Ven, baka mapano pa kayo ni Baby," sabi ni Silver at yumuko saka hinalikan sa mga labi si Venella. "Alam kong pagod ka na."

"Matulog na lang ako," sabi ni Venella at nahiga. "Tabi tayo."

"Kakausapin pa kasi ako ng daddy mo," sabi ni Silver pero nahiga na rin sa tabi ng dalaga. Niyakap niya si Venella at hinaplos ang tiyan.

"Ano kaya 'to?" tanong ni Venella. "Babae o lalaki?"

"Kahit ano," ani Silver.

"Ikaw gha? Anong gusto mo? Girl o boy?"

"Kahit ano basta healthy," sagot ni Silver. Hindi naman big deal sa kaniya kung ano ang magiging anak nila.

"Gusto ko boy para kuya. Parang ako, marami akong kuya na lalaki. Pero cute naman kapag girl para fashion fashion kami."

Napangiti si Silver. Parang na-imagine na niya si Venella na  nag-aalaga ng babaeng anak nila at inaayusan nito ang buhok kagaya ng ginagawa nito sa buhok ng mais sa probinsya.

Iniunan ng dalaga ang ulo sa braso ni Silver at ipinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog siya.

-------------------

"Sumusuka ka pa ba?" tanong ni Mandy.

Paggising ni Venella, wala na si Silver sa tabi niya. Kausap pa raw ito ng ama niya kaya bumaba siya sa sala at nadatnan niya sina Richard at Anndy na niyaya siyang kumain sa restaurant.

Kapag masinsinan ang usapan, alam niyang hindi niya maistorbo ang ama kaya ibinilin na lang niya sa katulong na ipaalam kay Silver na kakain lang sila sa labas at uuwi rin kaagad.

"Hindi na po. Naka-survive na po ako. Kaya nga kain na ako nang kain e," sagot ni Venella. Isinusumpa talaga niya ang pagduduwal niya noon. Buti na lang dahil nandiyan parati si Silver sa tabi niya para umalalay.

"Ganun talaga kapag buntis. Mabuti naman at nakayanan mo sa bukid," sabi ni Anndy habang kumakain. Na-miss din naman niya ang mga pinsan kaya madalas silang nagbo-bonding kapag tumungo siya sa Maynila.

"Opo. Maganda roon. May tanim kami ni Silver na mais at saging. May hardin na rin ako at may alagang manok. Fresh air pa," sagot ni Venella habang nakangiti.

"True. Ako rin, nag-enjoy sa dagat," pagsang-ayon ni Anndy na mas pinili rin ang isla kaysa Maynila para lang makasama si Zero.

" Anong maganda roon? E puwede ka namang magpakasyon. Kita mo kami ni Aron ko, bakasyon bakasyon lang sa inyo," ani Mandy na wala talagang balak manirahan sa probinsya.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon