10

1K 36 0
                                    



Chapter 10

Unedited...

SILVER POV

Malapit na ako sa beach resort nang biglang may humarang sa daanan ko.

"Shit!" sambit ko na biglang napapreno. Muntik ko nang mabangga ang mamahaling kotse ng nasa unahan.

Hinintay ko na siya ang maunang bumaba dahil baka holdupper ito. Inihanda ko ang baril na nakatago sa compartment ng kotse ko para kapag magbarilan, may panlaban ako.

Sabay na bumaba ang dalawang babae sa magkabilang pinto ng kotse kaya napakunot ang noo ko. Ang isa ay naka-stilleto shoes pa at ang isa ay nakapantalon lang at plain black shirt na nakabunghay ang kulot na buhok.

"Mandy?" usal ko nang mamukhaan ang isa. "Damn!"

Bumaba ako at hinarap sila.

"Bakit kayo humarang?" tanong ko at napasulyap sa katabi niyang tumigil na rin sa paglalakad.

"Bakit? Bawal ba?" mataray na sagot niya.

"May pupuntahan ako," ani ko.

"Wala akong pakialam," sagot ni Mandy na nakatulis ang nguso. "Iiwan mo si Venella na may lagnat?"

"Magaling na siya," depensa ko. Pustahan, tinext ni Venella ang mga ito.

"Hindi pa siya magaling!" giit ni Mandy.

"May mahalaga akong pupuntahan kaya puwede bang padaan?" mahinahong pakiusap ko. Ang katabi niya ay sinusuri pa rin ako mula ulo hanggang paa kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"No way!" tanggi ni Mandy.

"Fine!" napipikong wika ko at naglakad para lagpasan sila. Walking distance na lang din naman ang resort kaya maglalakad na lang ako. Anniversary namin ngayon ni Luna kaya hindi puwedeng hindi ako makarating dahil may surprise pa ako sa kaniya.

"Sabing hindi ka puwedeng tumuloy e!" pasigaw na sabi ni Mandy.

"Hindi ninyo ako mapipigilan!" madiing sabi ko. Kung mga lalaki lang ang mga ito, kanina pa ako nakipagsuntukan.

"Tigil sabi!" mahina pero may pagkautos na sabi ng kasama nito kaya napatigil ako sa paglalakad. There's something sa boses niya; power, maybe?

"Kayo na lang muna ang mag-alaga kay Venella," walang ganang sabi ko at ipinagpatuloy ang paglalakad pero nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang kasama nito. Ang ganda niya.

"Kapag sinabi naming hindi mo iiwan si Venella, hindi mo iiwan!" madiing sabi nito.

"Wala akong panahong makipagtalo kaya--aw!" hiyaw ko at napaluhod nang sipain niya ang kanang tuhod ko. Ang sakit! Parang bakal yata ang humampas sa tuhod ko.

"Huwag mo akong piliting saktan ka, lalaki!"

Dahan-dahan akong tumayo pero bago pa man ako tuluyang makatayo nang matuwid, may tumama na sa balikat ko at bago pa ako nakapag-isip, nawalan na ako ng malay.

Gusto kong bumangon pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Ano ba ang ginawa mo sa kaniya?" narinig ko ang boses ni Venella kaya sinikap kong alalahanin ang nangyari kanina. Shit! Nawalan ako ng malay nang ginalit ko ang kasama ni Ate Mandy.

"Pinatulog," parang batang sagot ng boses babae.

"Bakit ayaw magising?" bulalas ni Venella.

"Chill, masyado kang affected. Asawa lang?" pabalang na sagot nito.

"Matagal pa ba 'yan? Uuwi na ako," naiinip na tanong ni Mandy. Gusto kong dumilat at bumangon pero wala akong lakas. Ano ba ang nangyari?

"Ewan ko kay Ate Anndy," sagot ni Venella. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon