27

1.5K 64 1
                                    


Chapter 27

Hello mga palangga,

Ayieee. Salamat sa pagbasa at patuloy na pagsuporta kahit na sobrang tagal na neto. Kapag tumigil ako sa pag-update, doesn't mean na ayaw ko na sa story. Nagkataon lang talaga na wala akong mapiga na eksena para sa update. Kapag hindi ako maka-update sa kahit isang story sa mahigit dalawang araw, ibig sabihin, sooooobrang busy ako. As in busy na busy.

Everyday talaga ako nag-aupdate. Everyday talaga ako may naiisip na eksena pero may mga importanteng bagay na kailangan gawin.

UNEDITED...

"Si Silver?" tanong ni Venella. Maaga pa siyang nagising dahil naramdaman niyang wala si Silver sa tabi niya.

Nang bumangon siya, agad na tumungo siya sa kusina at hinanap si Silver pero si Nanay Nene na nagpapakulo ng tubig ang nadatnan niya.

"Maghahanap daw ng malalagang saging," sagot ni Nanay Nene.

"Ha? Meron pa diyan sa sako sa ilalim ng mesa ah. Puntahan ko lang siya," sabi niya saka lumabas at hinanap si Silver.

"Gha?" tawag niya pero hindi sumasagot kaya pumasok siya sa kasagingan. Nakita niya sa bandang dulo ang binata na pinagsusuntok at sinisipa ang isang puno ng saging.

"Shit!" pagmumura nito at sunod-sunod na sinuntok ang saging na para bang nagbo-boxing lang.

"Gha?" tawag ni Venella kaya tumigil si Silver at nilingon ang dalaga.

"Gising ka na pala," wika ni Silver at inayos ang sarili. "Kumain ka na?"

"Ginagawa mo rito?" tanong ni Venella. Durog na ang puno ng saging sa kakasuntok at sipa nito.

"Wala. Nagpapapawis lang," sagot ni Silver.

"Ba't nagmumura ka?"

"Hindi ah," tanggi ni Silver.

"Huwag mo nang itanggi. Ano ba ang problema mo?" usisa niya.

"Wala. Nagpapapawis lang--"

"Isa!" pagbilang ni Venella. "Ayaw mong sabihin?"

"K-Kasi... Haist! Gha?" Hinawakan niya ang kanang kamay ng dalaga. "K-Kasi..."

"Kasi sa loob mo pinutok kagabi?" diretsahang tanong ni Venella na masamang tinitigan si Silver.

"H-Hindi pa ako handa, Ven," pag-amin niya.

"Huwag mo akong kausapin!" naiinis na sabi ni Venella.

"Ven naman," wika ni Silver. "Hindi naman--"

"Alam ko. Naintindihan kita, Silver. Bumalik na tayo sa bahay," sabi ni Venella at pilit na ngumiti kay Silver. Nasasaktan siya. Nasaksihan at nakita kasi niya ang pagiging desperado ni Silver. Ibig sabihin, ayaw talaga siya nitong anakan o wala itong balak na magkapamilya sila.

"Natatakot lang ako," pag-amin ni Silver. Firstime niyang magpaputok sa loob at masarap naman talaga lalo na't mainit sa loob ni Venella pero wala siyang proteksiyon.

Hindi sumagot si Venella. Masama talaga ang loob niya kay Silver. Nainsulto kasi siya.

"Parausan lang talaga ako," bulong niya at sinipa ang puno ng saging na nadaanan.

"Psh! Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan!" saway ni Silver dahil dinig na dinig niya ang pagmamaktol ng dalaga.

"Mag-isip ako kung ano ang gusto ko!" pagmamaldita ni Venella.

"Venella!" sigaw ni Silver na napipikon na.

"Walang pakialaman!" singhal ni Venella at tumigil saka hinarap ang binata. "Sana mabuntis nga ako! Gusto kong mabuntis!" Nanginginig ang buong katawan na sabi niya.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon