Chapter 7

290 7 17
                                    

Chapter 7

"Adam." Tawag ko.

He looked at me. "Hmm?"

"Wala." Sabi ko. Hindi ko masabi.

"Ano gusto sabihin ng mahal ko?" Tanong niya na may malambing na boses.

"Wala. Thank you lang." Sabi ko.

"For what?"

"For still being with me kahit walang kasiguraduhan--." He cut me off.

"It's nothing. Hindi ako nagmamadali, Reyn. You're worthy for waiting this long." Sabi niya. " Mahal kita, Reyn. Hindi lang basta gusto kita, mahal kita. Mahal na mahal. Kaya maghihintay ako kahit gaano katagal dahil mahal kita."

Iyan ang laman ng isip ko hanggang sa makatulog ako.

Maaga akong nagising kaya inayos ko na ang mga gamit ko dahil titira na kami sa bahay namin. Konti lang din naman ang inayos ko since konti lang ang gamit na inuwi ko galing sa Amerika.

Naligo na ako para makababa na. Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nakabukas ang kwarto nila mommy dito.

Nakita ko si Dad na nakayakap sa likod ni mommy habang si mommy naman ay busy sa pag aayos ng gamit nila. Napangiti nalang ako ng peke. What a nice view.

Bumaba na din agad ako at nagpunta sa pool area. This place is one of our memorable place. Dito ko nasabi na seryoso talaga sa akin si Adam, na hindi lang ito laro.

Umupo ako sa tabi ng pool at nilubog ang mga paa ko.

When will I overcome this fear? When will I give myself happiness? When will I be ready?

This fear is from my parents. When I was in grade school. Muntik na sila na mag divorce. I really remember what happened that day. That day was a nightmare.

"Maghiwalay na tayo, puro ka nalang trabaho. Mabubuhay naman tayo kahit hindi tayo mayaman. Oo! Nangako ka na bibigyan mo ako ng magandang buhay pero hindi ito ang hinihiling ko. Hindi ganito ang gusto ko, Rafael." Sigaw ni Mommy.

Pababa ako sa hagdan ng marinig ang pag aaway nila. Natakot ako. Takot na takot ako.

"Hon,please. I'm doing this for our family-." Pinutol ni Mommy ang sinasabi ni Daddy.

"Pero hindi ko kailangan ng lecheng kayamanan na yan! Rafael, sapat na sa akin na nabibigay natin ang pangangailangan ni Bella. Sapat na sakin ang hindi sobrang yaman dahil yung kayamanan na pinaghirapan mong yan ay hindi mo madadala sa hukay." Nanghihinang sabi ni Mommy. "Ayoko na, Rafael...nagsasawa na akong intindihin ka. Nagsasawa na akong magpuyat, hintayin kung darating ka. May anak ka, Rafael. May pamilya ka, pero kahit kailan mas inuna mo pa yang kumpanya mo kesa samin. Aalis na kami." Sabi ni Mom na nagpa-taranta sa'kin.

Dali dali akong bumaba. Umiiyak.

"Mommy... Daddy... No... Wag po,please... Kahit for me nalang. Huwag hiwalay, Mommy. Huwag po please. Hindi kaya ni Bella." Sabi ko ng umiiyak. Lumuhod din ako sa harap ni Mommy at niyakap ang hita niya. "Mommy...wag... hiwalay...hindi kaya ni Bella...Mommy.."

Umupo si Mommy at niyakap ako. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Look at what you did, Rafael. Choose kami o yang kumpanya mo?" Sabi ko.

Tumingin ako kay Daddy na nagmamakaawa. Hindi nag dalawang isip si Daddy na lumuhod sa harap namin at niyakap kami ni Mommy.

Narinig ko ang pag iyak ni Mommy.

Memories To KeepWhere stories live. Discover now