Chapter 18
"Mahal kita, Reyn. Mahal na mahal kita. Alam ko, oo. Alam ko na may pumipigil pa rin na doubt diyan para sabihing mahal mo rin ako pero papatunayan ko ang sarili ko na deserving ako sa pagmamahal mo."
Tumulo yung luha ko sa narinig ko.
"Hey! I didn't mean to make you cry." Sabi niya. Hinalikan ang noo ko.
"I'm just lucky to have you. You always understand me. Thank you for understanding me even if it hurts you."
"Shh...stop crying." Hinalikan niya ang noo ko, pababa sa ilong hanggang sa maabot niya ang labi ko.
Hinapit niya ang bewang ko at mas pinalalim ang halikan namin. I felt his tongue making a way on my mouth so I parted my lips so he can get the full access.
"What the! H3LL! Nawala lang ako saglit. Kinakain mo na yung anak ko." Narinig kong sigaw ni Daddy kaya napabitaw ako kay Adam.
"Dad!" Sigaw ko ng akmang susugurin niya si Adam.
"Don't stop me, baby. I just saw him eating my baby. No way. No fvcking way." Nagwawalang sabi niya. Nahihirapan na akong pigilan siya kaya nakakawala siya sa akin at napapikit nalang ako ng tuluyan niyang nasuntok si Adam.
"Dad! Stop that!" Sigaw ko at hinarangan siya mula kay Adam.
"We're in a relationship, okay?"
Nalaglag ang panga ni Daddy sa sinabi ko.
"He just...he just came back tapos kayo na?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Is it wrong? Matagal naman na siyang nanliligaw. He already proved himself to me." Sabi ko.
"Proved? He proved himself? Eh hindi ko pa nga yan na pagsibak ng kahoy tulad ng ginawa ng mamala mo sa akin tapos iyan hindi ko man lang na pagsibak ng kahoy tapos kayo na?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya matanggap.
"Really, dad?" Natatawang tanong ko.
"Ikaw, Adam. Pumunta ka dito bukas, maaga at gusto kong pagsibak mo ako ng kahoy dahil gusto ko ng steak." Sabi niya.
But...meron kaming pang luto ng steak.
"Go! Uwe!" Sabi niya.
"No, dad. Gagamutin ko muna yung ginawa mo sa mukha niya." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Adam. Hinila ko siya papunta sa kwarto ko.
Kinuha ko agad ang first aid kit ko sa banyo.
"Are you okay? I'm sorry hindi ko napigilan si Dad." Sabi ko habang ginagamot ang pumutok niyang labi.
"It's okay. I deserved this. This is just a small thing so no need to be sorry." Sabi niya.
Patuloy kong ginamot ang pumutok niyang labi ng bigla siyang ngumiti.
"Why are you smiling?" I ask him. Para siyang baliw. Nasuntok na nga pero masaya pa rin.
"I just can't believe na sinabi mo sa Dad mo na boyfriend mo na ako." Sabi niya.
"Why? Did I tell you we'll keep our relationship secret?"
Wala naman akong sinabing itatago ko.
"No." Sagot niya.
Nang matapos kong gamutin ang pumutok na labi ni Adam ay bumaba na din kami at nakita ko si Dad na kinakalma ang sarili at si Mommy naman na halatang masaya.
Nang makita ako ni Dad ay agad siyang lumapit sa akin at inilayo kay Adam.
"Bakit ang tagal niyo sa kwarto? Kinain ka ba niyang Adam na yan?!"
"Dad! Ano ba? I'll just treat him, okay? You're so OA." Sabi ko at inirapan siya.
"We'll talk." Sabi ni Dad. Hinila niya ako pa-upo sa tabi niya. Narinig ko namang humagikgik si Mommy kaya tiningnan ko siya at nakita kong nakabungisngis.
"What?" I asked her.
"I'm just happy, sweetie. I know he's the one for you. Nakita ko kahit wala siya dito... nagpursige siyang i-pursue ka.-"
"Hon! Pati ba naman ikaw? Papayag agad?" Hindi makapaniwalang sabi ni Dad. "Hindi ko pa napaparanas sa kanya yung naranasan ko kay mama."
"Alam mo kasi wag ka ng umepal, okay?" Sabi ni Mommy at naglakad palapit kay Dad. Unti unti niyang tinaas ang kamay niya at hinuli ang tenga ni Dad.
"Aray! Hon!" Nasasaktan na sabi ni Dad.
"Just shut up, okay?" Sabi ni Mommy.
"I'll shut up now. Sabi mo eh." Sabi ni Dad kaya napangiti ako.
Tiningnan ko si Adam na nakangiting nakatingin sa akin.
"Hmm?"
"Wala."
"Mommy, hatid ko na si Adam sa labas baka kung anong gawin pa ni Daddy." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Adam.
"What!? Really, baby? I'm not done with you, Adam. Pumunta ka dito bukas ng umaga. Kapag wala ka dito you're Dead- Aray!ah! Tama na." Dinig kong sigaw ni Dad.
Natatawa ako habang palabas ng bahay.
"Ingat ka ha? Drive safely." Paalala ko.
"Of course. Mamahalin pa kita kaya mag iingat ako." Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Text or call me when you're already home."
"Yes, Ma'am. Pasok ka na. Malamok dito. I love you." Sabi niya at hinalikan ako sa noo, ilong, pisngi at labi. "Mahal kita." Sabi niya bago sumakay sa kotse niya.
Pinanood kong makalayo ang kotse niya.
I love you too, Adam. Mahal na mahal din kita. Sana sa bukas, sa isang araw kaya ko ng sabihin ang katagang matagal mo ng hinihintay.
Pumasok ako sa loob. Hindi ko na nakita si Mommy at Daddy.
I went to my room after kong gawin yung naiwan kong gawain sa kusina. Naligo ako and after I went out on my bathroom nag ring ang phone ko.
"Hmm... you're home?" I ask him.
"Y-yeah?" Hindi siguradong tanong niya.
"Bakit parang hindi sigurado?" Naglakad ako papunta sa balcony ng room ko. Bago pa man ako makalabas sa sliding door ng may napansin akong kotse.
I sighed. "You didn't go home?"
"Ahhh... I-I'm home..." Nauutal na sabi niya. Bumuntong hininga ako.
Pinili ko nalang na bumaba at puntahan siya.
Nakita ko agad ang kotse niya sa labas. Kumatok ako sa bintana ng kotse niya.
"You're home, huh?"
Napanguso siya.
"Why didn't go home?" Tanong ko.
"I... I can't. What if... this is just a dream? What if-." Hindi ko na siya pinatapos ng dinukwang ko siya at hinalikan sa labi.
"This is not dream, hmmm..." Sabi ko. Binuksan niya ang kotse at niyakap ako ng mahigpit.
Nakasubsob siya sa leeg ko.
"Hindi panaginip 'to, okay? This is the reality. I'm your girlfriend. Your Reyn is already your girlfriend." Sabi ko ngunit nas humigpit ang yakap niya. "Clingy, huh?"
"Is it bad?"
"No, Adam. You need to go home. It's already late. We can still see each other tomorrow." Sabi ko.
"You have a class tomorrow?" He asked.
"Yeah but just a subject." Sabi ko. 2 hours lang ako sa school bukas.
"Sunduin kita and I'll wait you. Date ulit tayo." Sabi niya.
"Okay. Okay if that's what you want. Just go home safely, okay?" Sabi ko at niyakap siya.
"I love you. I love you so much." Sabi niya bago pumasok ng sasakyan at umalis.
One day...that what if's will be gone. Mawawala din yan kapag handa na akong sabihing....mahal na mahal kita.

YOU ARE READING
Memories To Keep
RomantikMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...