Chapter 9

306 4 12
                                    


Chapter 9

"Bakit mo sinabi 'yun kanina?" Tanong ni Nanay. Nahiga nalang ako at tumingin sa kisame.

"Hindi lang ako sanay, Nanay. Alam mo naman simula nung lumaki ako ikaw lagi yung kasama ko. Ikaw lang ang nanatili sa tabi ko at hindi ako sinasaktan." Tumingin ako kay Nanay.

"Nanay, masama ba akong anak? Kasi hanggang ngayon hindi ko makalimutan kung paano sila mag away dati... kung paano ako umiiyak at nagmakaawa sa kanila na huwag silang maghiwalay." Naiiyak na sabi ko.

Tumabi si Nanay sa akin at niyakap ako.

"Nanay, sila yung dahilan kung bakit ako natatakot... natatakot magmahal."

This point umiyak ako. Kay Nanay Lena lang ako naglalabas, umiiyak. She saw me at my lowest point.

"Nanay, ang sakit pa rin kahit nakikita ko silang masaya ni Mommy hindi ko maiwasang masaktan at alalahanin kung paano akong magmakaawa na huwag silang maghiwalay. Paano kung hindi ako nagmakaawa? Ano na magiging buhay ko ngayon? Makikita ko ka pa kaya sila na ganyang masaya kung naghiwalay sila? Naalala ko ang batang ako na naghahangad lang ng kumpletong pamilya. Nanay masakit pa rin dahil nag iwan yun sakin ng marka na hindi ko alam kung mawawala pa."

Niyakap ako ni Nanay.

"Shhh... Nandito si Nanay makikinig ako sa'yo. Hindi kita iiwan." Hinaplos ni Nanay yung buhok ko.

"Nay, ayoko na nito. Ang hirap na. Kahit anong pilit kong maging masaya pero sa bandang huli pupunta ako sa isang sulok para umiyak, para masaktan."

Patuloy akong umiiyak.

"Mahal ko sila pero, nanay, hindi ko maiwasang sisihin sila sa nararamdaman ko ngayon. Sila. Silang dalawa ang rason kung bakit ako takot. " Sabi ko bago ako makatulog.







Nagising akong mahapdi ang mata. I look at my phone. May message si Adam.

"Good morning, Reyn. Alam ko naman na hindi ka pa gising. Eat your breakfast. Hindi ako masyadong makakapag text ngayon kase tutulungan ko sila sa farm. Nagsasabi ako kasi baka mamiss mo ako. I miss you, Reyn. I love you."

Napangiti nalang ako sa text niya. It was sent 7 am at 12 pm na.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Wala naman akong lakad ngayon kaya nagsuot pa rin ako ng t-shirt at pajama.

Bumaba ako nakita ko si Mommy at Daddy na naghahain katulong ni Nanay Lena. Napatingin ako sa mga pagkain. It was almost my favorite.

"Bakit ang daming pagkain?" Tanong ko sa kanila.


"Wala. We just want to celebrate our first day here." Sabi ni Mommy.

Umupo nalang ako at nag umpisa kumain. Tahimik lang ako at si Mommy ay sobrang ingay. Kakwentuhan niya si Nanay Lena.

"Tapos na po ako." Sabi ko at tumayo na. Bumalik sa kwarto ko para mag advance reading. Hindi ko na problema ang paggawa ng plates since nag practice ako during vacation.


It was almost 30 minutes ng nagbasa ako biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumukas ito at bumungad si Daddy.

"Hey, baby." Bati ni Daddy.



"Baby, tsk.tsk." Sabi ko at napailing. "What are you doing here? Do you need anything?" Tanong ko ng diretsahan.

"Wala. Masama pang bisitahin ang baby ko?" Tanong niya.

Memories To KeepWhere stories live. Discover now