Chapter 19
6am bumaba ako. Mamayang after lunch pa naman ang class ko.
May narinig akong maingay sa labas kaya tiningnan ko 'yon. I saw Adam. Ginagawa niya ang pinagawa ni Dad sa kanya kagabi.
"Adam..." Tawag ko. Napalingon naman agad siya.
He's topless and wearing his sweatpants.
"Good morning, Reyn. It's still early." Sabi niya.
Lumapit ako sa kanya.
"Stop that. You don't need to do that." Sabi ko. Pilit na inaagaw sa kanya ang hawak niya. I don't know kung anong tawag dito.
"I can do it, hmm... I'll cook you breakfast. Patapos na 'to." Sabi niya at hinalikan ang noo ko bago bumalik sa ginagawa niya.
Hindi ko siya pinansin instead hinanap ko si Daddy para sa kanya magreklamo.
Nakita ko siya agad. He's sitting on the lounge chair beside the pool.
"Dad!"
Naagaw ko agad ang pansin niya.
"Wala bang good morning diyan?"
"Stop doing that to Adam. Napatunayan na niya sarili niya. Hindi naman masusukat sa pagsisibak niya ng kahoy para mapatunayang karapat-dapat siya sa akin." Sabi ko. Adam proved himself already.
"I'm just doing that for you, baby. Kailangan kong masiguro na marunong siya sa mga ganyang gawain. Kailangan kong masiguro na marunong siyang magluto kase ikaw hindi ka marunong." Hinampas ko sa balikat si Dad.
"Dad. Hindi pa kami magiging mag asawa, okay?" Sabi ko at tumalikod na para puntahan ulit si Adam.
Nakita kong nag uumpisa na siyang magluto ng steak gamit yung sinibak niya na kahoy.
Pinanood ko lang siyang magluto habang naghahain. Natapos siya agad.
"Tara na sa dining para makakain ka na." Sabi niya. Sumunod nalang ako sa kanya.
Kumain ako. Kinain ko lahat ng nilagay niya sa pinggan ko. In fairness masarap yung luto niya.
"Masarap?" He asked.
"Yeah. Paano ka natuto magluto?" Curious ako.
"I was with my Mom always, lalo na sa kusina. I always watch her cooking. Siguro du'n ako natuto."
"I.... I can't cook." Pag amin ko.
"So? Mahal naman kita." Sabi niya. Tinignan ko siya.
I'm so lucky to have him. Pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako. Sinisiguro niya na hindi manliliit tingin ko sa sarili ko.
"Kumain ka na din." Sabi ko. Umupo siya sa tabi ko.
Inilapit ko ang steak sa bibig niya para subuan siya. Nakangiti naman niyang sinubo ito.
"At nagpasubo ka pa nga sa anak ko?" Narinig kong sabi ni Daddy.
"Alam mo, dad. You're so epal." Sabi ko.
Dumating din agad si Mommy at pinag hila pa ni Daddy ng upuan si Mommy.
"Good morning, Adam."
"Good-." Babati na din sana pabalik si Adam pero...
"Nag good morning ka sa kanya tapos sa akin wala?" Sabat ni Daddy.
"Manahimik ka nga diyan." Sabi ni Mommy.
"You're so unfair to m-mmmmm." Nagulat ako sa ginawa ni Mommy.
He kissed daddy...on his lips
"M-mommy..." Naiiyak na sabi ko. "Ibig sabihin ba nito..."
YOU ARE READING
Memories To Keep
DragosteMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...