Chapter 25
My relationship to Adam went well. We're casual. I can do anything I want... He can do anything he wants but we both make sure that we're going to stay faithful and loyal to each other.
Until....
His jealousy...
Being married to him is easy. It's easy because he love me, I really really love him also pero hindi ko masabi may kung anong pumipigil sa akin para sabihin sa kanya na 'mahal ko siya' But I think love isn't enough to prove that I really really do love him.
"Do you love me? Bakit hindi mo masabi? Bakit hindi mo masabi sa'kin. Or do you still love him, ang lalaking 'yon siguro ang pumipigil sa'yo na mahalin ako." Sabi niya na nakapag-durog ng puso ko. Hindi pa ba sapat yung pinapakita at pinaparamdam ko sa kanyang mahal ko siya. Hindi pa rin ba niya maramdaman. Alam kong kulang pa 'to pero inaakusahan niya ako sa bagay na hindi ko na nararamdaman.
Nakita niya kasi ako kausap yung ex ko sa mall.
Yes. Nagkaroon ako ng boyfriend nung high school pero hindi ko naramdaman ang pagmamahal sa kanya.
Hindi ko tinago sa kanya yung tungkol sa ex ko. Sinabi ko sa kanya kung sino yun pero pinaghihinalaan niya yung pagmamahal ko sa kanya.
Kulang pa ba? Alam kong arranged marriage lang 'to pero bago pa man lahat ng 'to nililigawan na niya ako dalawang taon. Mahal ko na siya pero hindi ko maamin.
"You're questioning my love for you,huh? Really Adam?" Hindi ko napigilang sumigaw. "Oo, alam kong kinasal tayo para isalba yung kumpanya namin pero nagdududa ka sa pagmamahal ko. Hindi mo alam. I've been loving you for a long time also bago pa mangyari yung letseng kasal na yan pero hindi pa rin sapat..." Hindi ko mapigilang hindi umiyak.
"Then tell me..bakit mo kasama yung ex mo? Bakit mo siya kasama?"
Here comes my ex again.
"Ikaw ba yung may ex doon at hindi ka maka move-on. Kailan pa ba yun? Highschool pa 'yon." Sigaw ko sa kanya.
"Pero bakit kayo magkasama?" Kita ko ang sakit at selos sa mga mata niya.
"Bakit kami magkasama? Hindi kami magkasama nagkasalubong lang kami. Naiintindihan mo nagkasalubong lang kami." Naiiyak na sabi ko.
"NAKITA MO NAMAN DIBA!? I told you! I already told you na never nagkaroon ng love sa relationship namin before. It's just an puppy relationship! Okay!?"
Nakikita ko ang guilt sa kanya.
"I'm sorry—." Hindi ko na siya pinatapos at tinalikuran ko na siya. Ramdam kong hinahabol niya ako.
So, he really doubt my love for him, huh?! I know na kinasal lang kami para ma save yung kumpanya namin pero mahal ko na siya bago pa mangyari 'yon. Ang sakit lang sa part ko na sa isang maliit na bagay pinagdudahan niya ang pagmamahal ko sa kanya.
Sa loob ng isang taon namin bilang mag asawa, naging mabuti akong asawa. I kept my promise. I can do whatever i want but I'm going to be faithful and loyal to him.
"Bella." I heard him shout. "WIFE!" Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya.
"What?! Ano na naman yung hinala mo sakin, huh?"
Hindi ako galit sa kanya. Nagtatampo lang ako, alam kong seloso siya pero sobra 'to. Okay lang naman na magselos siya pero...eto kasi ang sakit na. Kailangan ko muna siguro malayo sa kanya kahit ilang oras lang.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naramdaman ko ding hinalikan niya ang buhok ko.
"Sorry na wife... Hmm." Sabi niya ng may pa-halik sa pisngi.
Nanatili lang akong nakatayo.
"Ano gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako, wife? " Tanong niya sa akin.
"Let go of me at pupuntahan ko si Aria." Bumitaw naman siya agad. "Babalik din ako kaagad."
"Ok po, wife. Gusto mo ihatid na kita?"
"No, I can manage." Malamig na sabi ko.
"Ok, wife. I love you."
Umalis ako sa condo namin at nagpunta kila Aria.
"What are you doing here?" She asked. Niyakap ko nalang siya.
"Nagtalo kami, Aria..." Sabi ko. "He accused me..."
"What the!" Sigaw niya. "Tell me what happened."
Sinabi ko sa kanya yung pinag awayan namin.
"So immature!" Sabi niya pa.
"But i do understand him...nagkulang lang siya sa tiwala sa'kin." Sabi ko.
I stayed at Aria for almost 3 hours.
"I'll go ahead. Maybe Adam is already worried."
"Look! Kahit nag away kayo, iniisip mo pa rin yung nararamdaman niya."
Nang makapag paalam ako sa kanya, umalis na din kaagad ako.
Nagdrive ako at balak ko na umuwi baka nagaalala na si Adam. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa puntong ito, feeling ko may hindi magandang mangyayari dahil hindi ako mapakali.
May nakita akong papalikong truck na pagewang-gewang ay dali kong iniliko ang kotse ko... ngunit huli na ang lahat....
Ramdam kong ang pagtama ng ulo ko sa iba't-ibang bahagi ng sasakyan at naramdaman ko rin ang pag ikot ng sasakyan.
Sobrang sakit ng katawan ko.
Nang huminto ang pagbaliktad ng sasakyan ay nakitang kong may nakatusok na bakal sa tagiliran ko.
My vision became blurry...
"Adam..." I kept whispering his name.
I looked outside when I heard the sound of an ambulance.
Nakita ko ang lalaking tanging minahal ko...nagtama ang tingin namin at nakita ko sa mata niya ang takot, sakit, galit at lungkot.
I saw him crying. Nagwawala siya pilit na kumakawala sa mga taong pumipigil sa kanyang puntahan ako...
Ngunit sa isang kurap. Sa isang paghinga ay narito na siya sa aking harapan.
"Wife! Wife! Hold on, please... Hold on. They're here. They're already here." Wika niya. Kita ko ang ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Pinilit kong abutin siya. Nang makita niya ito ay dali dali niyang hinawakan ang kamay ko.
"Please... don't leave me. I love you, Wife. I love you so much, Reyn... Don't leave me,please..." Nagmamakaawa niyang sambit.
I smiled at him... Baka ito na ang huling ngiti...ang huling ngiting maibibigay ko sa kanya.
I touched his cheeks...a cheeks fulI of a sad tears... I mouthed...ang salitang matagal na niyang gustong marinig.
'I love you...and I always will'
Those were my last words...

YOU ARE READING
Memories To Keep
Roman d'amourMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...