Chapter 16

275 7 24
                                        

Chapter 16

Nagising ako when I felt someone poking my cheeks. Hindi ko iyon pinansin instead tinalikuran ko. Pero patuloy pa rin sa pagkalabit ng pisngi ko.

Naiirita akong bumangon at sinabunutan ang sarili ko sa frustration.

Pero sino yun...yung kumakalabit ng pisngi ko? Wala naman akong pusa-multo!

Dali dali akong umalis sa kama ko at tumakbo-.

"Where are you going? You won't greet me?" That...that voice.

Nilingon ko siya. Si Adam. Si Adam...

Dali dali akong tumakbo sa kanya at niyakap siya.

"What a SCAM! Sabi mo next next week pa kayo uuwi pero nandito ka na!" Sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Hindi naman halatang miss mo ko, noh?" Sabi niya kaya bumitaw ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero ang hudyo tumawa lang ng malakas.

"Bahala ka diyan!" Sabi ko. Akmang aalis na ng may sinabi siyang nakapagpapula ng pisngi ko ng malala.

"You're going down? Bababa ka ng ganyan? Nakabakat ang bundok mo?" Anong bundok- ang sinasabi-.

Napatakip ako ng dibdib ko, naalalang wala akong suot na bra.

"Adam! You're so pervert!" Tili ko bago tumakbo papunta sa banyo.

Tiningnan ko ang pisngi ko sa salamin habang nakatakip pa rin ang braso ko sa dibdib ko.

Narinig ko siyang kumatok.

"Okay lang yan, Reyn. Magiging asawa din naman kita." Sabi niya na lalong nakapag-papula ng mukha. Hindi ko alam kung maiinis o kikiligin ako. "I'll go down stairs. We'll wait for you."

Matagal akong natulala bago ako matauhan. Naligo na ako. Wala pa akong dalang damit. Nakatapis lang ako ng towel at paglabas ko ng pinto ng kwarto ko...

I saw Adam looking at me with a shocked face. Mukhang kakapasok lang niya ng room ko kaya dali dali siyang tumalikod at lumabas ng kwarto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Mabilis akong nagbihis bago lumabas sa kwarto pero nakita ko lang siya dun nakatayo at namumula.

"You...you didn't see anything right?" Sabi ko. Nagbabakasakali pero alam ko naman na...

"I see...a lot..." Sabi niya. Namula ako. Mabilis akong naglakad at bumaba.

Pagbaba ko nakita ko si Mommy at Ninang na nagkukwentuhan.

"Good morning, Mommy." Sabi ko at niyakap siya.

I've been like this for more than a year.

"Good morning, sweetie." Hinalikan niya yung pisngi ko.

"Good to see you, Ninang." Sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Good to see you too... Lalo kang gumanda. I'm sure maglalaway yung anak ko sa'yo."

"MOM!" Narinig ko si Adam.

"Ahhh..hehe." Bakit parang under si Ninang sa anak niya?

"Tara, kain na tayo. I'm sure you're hungry, Bella since hindi ka nag dinner." Sabi ni Mommy. Nauna na sila Mommy at Ninang sa dining.

"Why are you skipping meals, huh?" Sabi ni Adam. Nakapamewang pa.

"Is it bad? One meal lang naman." Sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Napaatras ako.

"One meal lang? Eh balita ko sa Mommy mo madalas kang hindi kumain lalo na sa breakfast." Sabi niya. Si Mommy talaga.

Memories To KeepWhere stories live. Discover now