Chapter 14
"Lord...p-pagod na p-pagod na ako...sa l-hahat. Gusto ko na s-sumuko at sumunod sa anak ko diyan sa piling mo p-pero paano si Maureen...si Bella... hanggang ngayon sobrang sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako gago, pabaya narito pa ang anak ko...narito pa at buo ang pamilya ko. Panginoon... bigyan mo pa ako ng kalakasang lumaban bigyan mo pa ako ng pagkakataon kase..." Lalo siyang humagulgol.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok ng kwarto niya at niyakap siya.
"Shh... Dad...stop blaming yourself. It isn't your fault. Okay?" Sabi ko.
"Maybe. This is my price for not being a good son, a good husband and also not being a good dad-."
"DAD! You've been good to us. You've been a good husband, you may not be a perfect dad and a husband but you're the best."
Hinigpitan ko ang yakap ko kanya.
"Sleep, Dad. It's not good for you. It's not good for your mental health."
Tinabihan ko muna si Daddy sa higaan niya.
"How...how can you say that I'm the best? Cause I'm not." Sabi ni Daddy.
Niyakap ko siya.
"You the best no matter what. Dad, wala pa ako pinaglalaban mo na yung pagmamahalan niyo ni Mommy. Dad, pinaglaban mo yung pamilya natin for almost a decade. Dad, you don't need to be perfect to be the best."
"I'm sorry for not being with you when you were a kid. Gusto ko lang naman kasi alagaan ang pamana ni Mama sa akin. That's the last thing I can do for her. I'm sorry, anak."
"It's okay, Dad. It's all in the past." Nakaramdam ako ng antok. Nakatulog akong nakayakap kay Daddy.
Nagising akong may humahaplos sa buhok ko.
"Bella, my baby, kakayanin ko kaya? Kakayanin ko bang labanan 'to? Anak, ang sakit isipin baka sa isang iglap, hindi ko na kayo makasama kasi..."
Umasta akong magigising na.
"Dad, are you okay?" Ngumiti lang siya at tumango.
"Get up. May klase ka pa ngayon. Look at yourself kahapon mo pa yan."
"Daddy!"
"Tara na nasa baba na ang mommy mo. "
"Una ka na dad. Maliligo lang ako." Nauna na akong lumabas sa kwarto niya.
What does he mean...anong lalabanan niya? Anong baka sa isang iglap hindi na niya kami kasama?
Pagbaba ko akala ko sila Mommy, Nanay Lena at Daddy lang maabutan ko pero nandito si Adam.
"Good morning, Mom. Nay." Sabi ko.
Tumayo si Adam at pinaghila ako ng mauupuan.
"Good morning, Reyn." Bati niya sa akin pero nginitian ko lang siya.
Bumalik sa'kin ang sinabi niya kahapon na aalis siya...
Si Mommy at Nanay Lena lang ang nagkukwentuhan habang si Dad, titig na titig kay Mommy. Nakita ni Dad na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya.
Sobrang nag aalala ako sa kanya...
Tumayo na din ako at tumingin kay Adam na nakatingin sa akin.
"Alis na po kami." Pagpapaalam ni Adam.
Sumakay na agad ako sa motor niya at nagsuot ng helmet. Dama ko ang titig niya sa akin.
Umalis din kami agad. Imbis na yumakap ako sa kaniya, pinili ko humawak nalang sa magkabilang gilid ng inuupuan ko.
YOU ARE READING
Memories To Keep
Roman d'amourMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...