Chapter 17
"Mahal na mahal kita, Reyn. Sobrang mahal." Sabi niya habang umiiyak.
"Shhh..." Pagpapatahan ko sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.
"I love you. I love you so much."
I love you more, Adam...pero sasagutin ko yang I love you mo kapag wala na yung doubt... yung takot. Hindi ko man masabi pero ipaparamdam ko sa'yo na mahal kita.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa mall. Naglakad kami papunta sa isang supermarket. Hindi ko alam kung anong bibilhin niya kumuha pa siya ng basket.
May binili lang siyang mga junk foods even mga inumin.
"Ano gagawin mo?" Tanong ko. Wala naman siyang sinabi nginitian lang niya ako.
Pagkabayad niya ng mga binili niya ay magkahawak kamay ulit kaming naglakad pero pabalik na ng parking lot.
Akala ko ba magde-date kami?
"Huh? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Where going somewhere." Somewhere?
Hinayaan ko nalang siya. Bumiyahe kami ng halos isang oras. Malapit na mag hapon.
Pinarada niya ang kotse niya sa isang maganda at malaking bahay.
Nauna na akong bumaba sa kanya. Nakita ko ang ganda ng paligid. Kitang kita yung mga paligid since nasa mataas kami.
"Ang ganda..." Sabi ko. Nagulat ako ng biglang nagsalita si Adam.
"Oo... Ang ganda. Ang ganda ganda mo." Sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Joke lang naman pero totoo maganda ka." Sabi niya.
"By the way, anong ginagawa natin dito?" I ask him.
"Wala. Dito kita ide-date. Picnic." Sabi niya. Sa totoo lang i didn't expect this. Naiisip ko lang kasi na kakain lang kami sa labas ganun.
"Wait me here." Sabi niya at nagmamadaling umalis at bumalik sa sasakyan at kinuha yung binili niya kanina. May kinuha din siyang isang blanket sa kotse.
Tinulungan ko siyang ayusin ang pwesto namin bago ako naupo.
I look around. Kitang kita ang paglubog ng araw.
Tinititigan ko ang ganda ng sunset ng may biglang nahiga sa hita ko. Ginawang unan ni Adam ang hita ko.
"Alam mo, Reyn. My life there was not easy. In almost 2 years I live in fear. Yung takot na 'yon na baka may makilala kang iba, yung takot na baka may mahalin kang iba, yung takot na baka hindi ako talaga." Kwento niya sa akin.
"You really think that? Why? I did tell you before right na ayoko pa kasi natatakot pa ako..." Sabi ko.
"Hindi ko alam. Pwedeng magbago. Lahat nagbabago. Mahal kita, Reyn. Mahal na mahal. Ang pagmamahal ko lang sa'yo hindi magbabago."
Napatitig ako sa kanya. Nangingilid ang luha.
His gray eyes was on me also. Ang makapal niyang kilay ay bagay sa kanya. Ang ilong niyang matangos.
I was busy looking at his facial features ng bumangon siya at tinitigan ako. Nakatitig siya mga mata ko. Sa ilong... hanggang sa umabot sa labi ko ang tingin niya.
Napalunok ako. It's been a long time since I feel like this.
Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin bago halikan ang labi ko.
YOU ARE READING
Memories To Keep
RomanceMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...