Chapter 3

454 12 12
                                    

Chapter 3

"Gusto ko si Bella. Oo gusto ko na siya. Hindi lang 'to simpleng pagkagusto. Siya ang dahilan bakit hindi ako nagkaroon ng interes na tumingin sa ibang babae dahil hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya." Sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Maya maya lang binaba na niya ang cellphone niya at tumingala sa langit.

" Bella Reyn Evangelista. Anong ginagawa mo sa akin?"

"A-anong sabi mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"What the fvck!-fudge." Sigaw niya dahil sa gulat. "K-kanina ka pa d-diyan?" Nauutal na tanong niya.

Napairap nalang ako.

"Magtatanong ba ako kung hindi ko narinig?" Inirapan ko siya. "Tsaka magkakagusto ka sa'kin eh kakakita mo lang sa'kin."

Nakita ko siyang namula. Namula ang mga tenga niya.

"What the-kinikilig ka ba? Kalalaking tao." Sabi ko.

"A-ano...kase...uhm.." Di niya masabi ang sasabihin niya.

"Ano? Hindi ka makapagsalita? Sabihin mo na lang sakin kapag hindi ka na torpe." Sabi ko at naglakad papasok ng bahay nang marinig ko siyang sumigaw.

"AKO?! TORPE! GUSTO KITA BELLA! GUSTONG GUSTO KITA MATAGAL NA." Natawa nalang ako sa sinigaw niya at nagtuloy tuloy maglakad.

Pagpasok ko palang nakita ko na agad si Mommy.

"Mom." Tawag ko lang.

"Let's go?" She asked me.

"Yeah let's go." Sabi ko sa kanya. Biglang sumulpot si Adam sa harap namin.

"Hey tita, you ready?" Tanong niya.

"Yes, Adam. We can go already." Sabi ni Mom. Si Adam talaga yung kasama namin?

Sumakay kami sa kotse ni Adam. Parehas kami ni Mommy na nasa backseat. Nag drive ng tahimik si Adam. Sobrang tahimik sa sasakyan ng binasag ni Mommy 'to.

"So how's with Aria?" Basag ni Mommy sa katahimikan.

"Fine. She cried." Sabi ko ng maikli.

"One of these day, bibisitahin ko siya. Namimiss ko na ang batang iyon."

Tumagal kame ng one hour mahigit sa byahe dahil malayo layo ang airport sa bahay nila Adam.

We're waiting for dad. Naghintay kami for almost a hour. Nakatabi sa 'kin si Adam pero hindi ko naman ito pinapansin laman pa rin ng isip ko ang nalaman ko kanina lang.

"HON!" Narinig kong sigaw ni Mommy. Tumakbo ito at niyakap si Daddy akala mo napakatagal na hindi nagkasama, samantalang magkasama sila nung isang araw.

"Where's my baby?" Narinig ko na tanong ni Dad. The hell! Baby na naman.

Sinamaan ko ng tingin si Dad na nakangiti sa akin at handa ng tumakbo.

"BABY!" Sigaw ni Daddy patakbong lumapit sa akin at niyakap ako. Napaka isip bata talaga.

"Dad!" Reklamo ko. "I'm not a baby anymore."

"No. You're still my baby." Sabi niya at hinalikan ang noo ko. "Yow, Adam." Baling ni Dad kay Adam.

"Good afternoon, Tito."

"You've grown up man ,huh." Sabi ni Dad bago ibalik ang tingin sa akin. "So how's my baby? Did you miss daddy? " Tanong pa niya sa'kin na lalong nakapag inis sa akin.

Memories To KeepWhere stories live. Discover now