Chapter 12
Maaga akong gumising dahil may pasok na ako ngayon. Nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt at denim skirt.
Bumaba na ako, nagulat akong nandito na si Adam pero wala si Mommy at Daddy. Alam kong hindi pa sila ganoon kaayos.
Nakita agad ako ni Nanay.
"Good morning, Nak." Bati niya sa akin. "Nandito na ang manliligaw mo." May tonong pang aasar na sabi ni Nanay.
"Nay!" Nahihiya pa rin ako. Actually hindi si Adam ang unang nanligaw sa akin, hindi rin ang naging first boyfriend ko.
"Good morning, Reyn." Todong ngiting bati niya sa akin.
Hindi ko sila pinansin dahil tinawanan lang nila ako. Kumain na ako ng almusal. Binilisan ko na dahil baka ma-late ako.
"Tara na." Yaya ko kay Adam na pinapanuod lang akong kumain.
Sumunod naman siya agad sa akin.
"Ayy!" Nahampas ko pa ang ulo ko. Bakit ko nakalimutan?
Nakalimutan kong naka-motor siya bakit naisipan kong magsuot ng skirt.
Nagulat ako ng inupo ako ni Adam sa motor niya at hinubad ang leather jacket niya bago nilagay sa lap ko. Pinatong ko dito ang dala kong bag pack.
"Sa susunod don't wear skirt lalo na kapag alam mong naka-motor, okay?" Tumango nalang ako bago siya sumakay ay ginulo niya muna ang buhok ko.
As usual nakayakap lang ako sa kanya. Nararamdaman kong masaya siya kapag ganito kami kaya pinagbibigyan ko na.
Hindi nagtagal nakarating na agad kami sa school. Nauna siyang bumaba sa akin. Hinubad ang suot niyang helmet bago ako tulungang hubarin ang helmet ko. Inalalayan niya ako pababa sa motor.
"Tara hatid kita sa building niyo." Presinta ni Adam.
"No, I can handle. Baka ma-late ka pa." Sabi ko.
"Hindi iyan. Magkabilang building lang naman tayo." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng university.
Saglit lang nakarating na kami sa building ng archi.
"Good luck, my future architect! Wala pa man, lagi mong tatandaan na proud na proud ako sa 'yo." Sabi niya at hinawakan ang buhok ko.
Napangiti ako sa ka-sweetan niya.
"Thank you, Adam. Ikaw din proud ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Namula siya agad. "Eto na naman kinikilig nanaman ang lalaking 'to." Sabi ko at kinurot ang tagiliran niya.
"Sige na. Baka ma-late pa tayong pareho."
After a few hours natapos na ang tatlong subject ko. Wala naman masyadong ginawa puro pakilala lang pero may plates na agad na sinabi sa aming kailangan ipasa.
Nagpunta ako ng cafeteria para hintayin si Aria. Adam is still has a classes, nag text siya sa akin.
I'm waiting for Aria for almost 15 minutes pero wala pa siya kaya umorder na ako ng lunch ko at kumain. Feeling ko sobrang pagod ko na agad kahit wala pa kaming ginagawa. Thinking about the plates is so tiring.
I got a call from Aria.
"Hey where are you?" She asked.
"I'm at the cafeteria." Sagot ko sa kanya.
"Ok I'm on my way." The last thing she said bago niya patayin.
Kumain na ako ng kumain. Nakita ko na si Aria na papasok na hindi ko malaman bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

YOU ARE READING
Memories To Keep
RomanceMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...