Chapter 8
"I'll miss you, Reyn." Napatingin ako kay Adam. "I'll miss being with you at home. I'll miss eating with you. I'll miss talking to you." Sabi niya. Malungkot ang mga mata niya.
"You can always visit me at home. You can also call me if you need someone to talk, even not." Sabi ko. Nabuhayan naman siya.
"Really?" Excited na sagot niya.
"Ano ba ang ginagawa ng manliligaw?" Tanong ko.
"Yes! Yes! May hebor pa rin ako." Bulong niya. Natawa nalang ako.
"Hebor ka diyan." Natatawang sabi ko. He always make me laugh. I'm comfortable with him.
Nakita kong pumasok na sila Mommy sa kotse ni Adam since ihahatid niya kami. Dad has a driver pero alam kong gusto niya lang pahirapan si Adam pero eto namang si Adam mukhang nag e-enjoy pa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Pumasok na rin siya sa driver's seat at nagulat ako biglang dumungaw,nilagay niya ang seatbelt ko.
Nakarinig ako ng pagtikhim sa likod at nakita ko si Daddy na nanliliit ang mga mata.
"Masyadong malapit, Adam." Sabi ni Dad.
Nginitian lang siya ni Adam at nag umpisa ng magmaneho. Our house is like 15-20 minutes away here, kaya hindi na mahihirapan si Adam sa pag byahe lara maka-hebor sa akin.
Tahimik lang kaming lahat while si Mom and Dad, naglalambingan. Napangiti ako ng mapait kasi kung hindi ako nagmakaawa, hindi ako umiyak at hindi ako lumuhod sa harap nila, hindi ko na sila makikita na ganito kasaya pero alam ko na...
Okay na sana...kung totoo nga lang at walang halong pagkukunwari.
Konti nalang...konti nalang. I'll overcome this fear. Makakapagmahal din ako ng hindi natatakot. Makakapagmahal din ako ng hindi iniisip na magiging kagaya ng relasyon nila Mom dati ang magiging relasyon ko sa lalaking mamahalin ko. Soon. I can't wait to see myself loving someone without fear.
Nagulat ako ng huminto ang sasakyan. Hindi ko nakikilala ang bahay pero alam kong bahay namin ito. Nabago na ang gate even yung pintura.
Pagpasok ng sasakyan ni Adam. Bumaba na agad siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank you." Sabi ko bago bumaba. Tiningnan ko ang bagong renovate namin na bahay. Maybe our house was renovated but I tell Dad na wag i-renovate ang kwarto ko.
Binaba ni Adam ang mga gamit namin at tinulungan kaming ipasok. Nasa pinto pa lang kami ng...
"WELCOME HOME!" Sigaw ng mga kasambahay even ng guard ng bahay namin ngunit nangibabaw sa akin ang boses ni...
"Nanay Lena!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya. "Nanay Lena, I miss you. Bakit hindi ka na bumalik sa US? Magaling naman na si Judde eh." I said and pouted.
"Nako, talagang batang ito. Hindi na ako bumalik ng mabalitaan ko sa Mommy mo na uuwi na kayo. At siyempre miss na miss ko din ang maganda kong alaga." Sabi niya pero nanatili akong nakayakap sa kanya. "Gusto mo samahan kita sa kwarto mo?" Tanong niya pa.
"Later, Nanay. By the way, this is Adamson po. Inaanak-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya.
"Adamson po. Manliligaw ni Bella." Sabi ni Adam kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ayy nako! Dalaga na talaga 'tong alaga ko." Sabi ni Nanay Lena at pinanggigilan ang pisngi ko.
"Nanay!" She's Nanay Lena. She's been took care of me since I was a baby. Kaya sobrang close ko na si Nanay Lena. Mas close ko pa siya kina Mommy at Daddy.

YOU ARE READING
Memories To Keep
RomanceMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...