Chapter 13
After months... Architecture became so hard. Nakakapagpasa naman ako on time pero parang hindi ko gusto yung mga plates na 'yon dahil alam kong mindali.
"Bella!" Nagulat ako. Si Aria with her suitor, Carlo. Carlo is courting Aria for almost a month now.
"Aria! Wag ka nga manggulat." Naiinis na sabi ko.
Sobrang naiinis din ako kay Adam dahil wala siya masyadong paramdam. Alam kong busy siya kasi this is his last year.
Oo. Nakapasok na siya. Nakapasok na siya sa pader na minsan kong ginawa pero hindi pa rin ako handa.
"I have to go. I still have many things to do." Sabi ko kay Aria.
"Okay. Sabay tayong mag lunch ha?"
"Yeah. Okay fine." Sabi ko bago tumakbo dahil mukhang male-late ako. Hindi ko napansin yung oras.
"Don't worry wala pa du'n si Mr. Ramos." Napatigil ako ng marinig ang boses ni Adam.
"Hey, you! Bakit ngayon ka lang nagparamdam, huh?" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw naman. Masyado mo akong nami-miss." Ngising sabi niya.
"Ako mami-miss ka? Napansin ko lang kasing hindi ka nagpaparamdam baka kako sumuko ka na." Sabi ko sabay irap sa kanya. Ewan ko bakit ang taray taray ko sa kanya.
"Ako? Susuko? No way. " Sabi niya. Umiiling pa. "Naging busy lang talaga ako. Marami akong ginawa and please stop thinking that way kasi feeling ko na ang baba ng tingin mo sa nararamdaman ko sa'yo." Sabi niya. Ramdam ko ang sakit sa boses niya.
"Sorry..." Nakayukong sabi ko. Hinawakan niya ang baba ko upang iangat ang tingin ko sa kaniya.
He smiled. "No, don't say sorry. Just don't think that way again. Tara hatid na kita." Sabi niya. Kinuha pa yung bag ko at hinawakan ang kamay ko.
Nakatulala lang ako sa kanya. He's being so understanding.
"Reyn..." Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko siya. "Sunduin kita mamaya after class. We can't have a lunch together since kasabay mo si Aria. I know hindi ka pa handang makilala niya ako bilang manliligaw mo. Date tayo mamaya after class mo. Napagpaalam na kita." Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Sige na. Pasok na. I love you, Reyn." Sabi niya bago umalis.
Pinanood ko siyang umalis. Hindi naman sa ganon na ayaw ko pang sabihin kay Aria na may manliligaw ako kasi...gusto ko pa siyang makilala.
Alam kong unfair ito kay Aria. Alam ko na may nanliligaw sa kanya pero ayoko talaga sa Carlo na 'yon. Si David ang talagang gusto ko para kay Aria. Ayoko lang sabihin kay Aria kasi nakikita kong masaya siya kasama si Carlo.
Pumasok na ako sa room. Buti nalang wala si Sir.
Lumipas ang isang klase namin. Lumabas ako ng parang pinagbagsakan ng lupa dahil nadagdagan nanaman yung plates na ipapasa ko.
I was with Aria and Carlo on lunch time. After that dumiretso na ako sa last class ko. Wala naman kaming masyadong ginawa.
Palabas na ako ng room ng makasalubong ko si Adam. Nakasandal siya sa pader bahagyang nakayuko ang ulo.
"Adam..." Tawag ko para makuha ang atensyon. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Reyn..." Baling niya sa akin parang biglang nagbago ang mood niya. Kung kanina parang ang lalim ng iniisip ngayon para nagka-liwanag ang mukha niya.
"May problema ba?" Tanong ko. Hindi ako mapakali.
He smiled. "Wala. I'll tell you later." Sabi niya bago kunin ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.

YOU ARE READING
Memories To Keep
RomanceMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...