Chapter 31

387 3 0
                                    

Chapter 31


It was 10 am when we're on the way at Adam's parents house.


Sumakit yung ulo ko kanina nang makita ang isang mataas na motor. It feels like familiar ito sa'kin but he explained it to me.



"When you stay at our house... this is your service. Lagi kitang hinahatid at sinusundo." Paliwanag niya.

"Paano ako makakaupo diyan? Ang taas taas oh!" Sabi ko pa. Binuhat niya ako at inupo.


"I always doing that." Sabi niya.


"So, this motor is part of our memories together?" Tumango siya.



Nakayakap ako sa kanya dahil medyo matulin ang pagpapa-andar niya ng motor.


Mabuti nalang hindi sobrang init ng panahon ngayon. Mukhang uulan pa.


"Malapit na ba tayo?" I ask him.


"Yes, wife. Malapit na." Sabi niya.



Hininto niya ang kaniyang motor sa isang malaki at magandang bahay.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Gusto ko si Bella. Oo gusto ko na siya. Hindi lang 'to simpleng pagkagusto. Siya ang dahilan bakit hindi ako nagkaroon ng interes na tumingin sa ibang babae dahil hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya." Sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Maya maya lang binaba na niya ang cellphone niya at tumingala sa langit.

" Bella Reyn Evangelista. Anong ginagawa mo sa akin."

"A-anong sabi mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"What the fvck!-fudge." Sigaw niya dahil sa gulat. "K-kanina ka pa d-diyan?" Nauutal na tanong niya.

Napairap nalang ako.

"Magtatanong ba ako kung hindi ko narinig?" Inirapan ko siya. "Tsaka magkakagusto ka sa'kin eh kakakita mo lang sa'kin."

Nakita ko siyang namula. Namula ang mga tenga niya.

"What the- kinikilig ka ba? Kalalaking tao." Sabi ko.

"A-ano...kase...uhm.." Di niya masabi ang sasabihin niya.

"Ano? Hindi ka makapagsalita? Sabihin mo nalang sakin kapag hindi ka na torpe." Sabi ko at naglakad papasok ng bahay nang marinig ko siyang sumigaw.

"AKO?! TORPE! GUSTO KITA BELLA. GUSTONG GUSTO KITA MATAGAL NA." Natawa nalang ako sa sinigaw niya at nagtuloy tuloy maglakad.



"Wife! Reyn, are you okay?" Narinig ko ang boses ni Adam.




"Naalala ko na. Naalala ko na, Adam." Naiiyak ko siyang niyakap. "I remember it clearly. Kung paano ko nalaman na gusto mo ako." Sabi ko.



"Oh! Fvck! Thank you, Lord. I love you, Reyn. Sasamahan kitang aalalahanin lahat." Sabi niya at hinalikan ang noo ko. "But don't force yourself to remember all of our memories. Baka makasama sa'yo."



"I'm taking my meds, Adam. No need to worry. The doctor said that this meds is helping me to remember." Sabi ko sa kanya.



"OMG! My daughter in law. You're here!" Narinig kong tili ng isang babae.



Dinamba ako ng yakap nito. I think it's Ninang Claire.


"Mom! My wife can't breathe." Sabi niya Adam at pilit na hinihiwalay ang kaniyang ina.


Memories To KeepWhere stories live. Discover now