Chapter 20
My dad was admitted. Pinauwi ko na si Mommy para makapag pahinga na siya. Hindi pa din nagigising si Daddy simula nung sinugod siya sa Hospital.
"You okay?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Adam.
"Adam..." Naiiyak na tawag ko. Nilapitan niya ako at niyakap. Yumakap ako sa bewang niya at umiiyak ako sa tiyan niya.
"Shh... Tito is a fighter,hmmm. Kaya niya yan." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"I... I can't lose daddy..." Patuloy ako umiiyak.
"Hindi pa ko namamatay umiiyak ka na agad." Narinig ko ang paos na boses ni Daddy.
"Daddy." Sabi ko at yumakap sa kanya. "Why...why didn't tell us?" Umiiyak na tanong.
"Kase alam kong ganito mangyayari. Iiyak ka...kayo, masasaktan. Ayokong makitang masaktan kayo."
"Pero sa ginawa mo, Dad mas nasaktan ako...kami. We'll fight,okay? Wag ka bibitaw. Lalaban tayo."
Ngumiti sa'kin si Daddy.
"Mahal na mahal kita, anak...kayo ng Mommy mo. I'm sorry." Umiiyak din na sabi niya.
"No, dad. Magpapa opera ka pa." Sabi ko pero umiling naman siya.
"No. My mother's company needs me. Aayusin ko muna 'to."
"Dad! Isipin mo muna kase ang sarili mo. Wag muna yung company ni Mamala."
Pagkasabi ko nun biglang bumukas ang pinto. Si Mommy.
Nang makita niya si Daddy ay dali dali siyang umiyak at tumakbo para yakapin si Daddy.
"Hon...bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Nagtatanong na sabi ni Mommy.
"Ayokong mag alala kayo. Mas lalo na ayokong maging pabigat sa inyo-." Pinutol agad ni Mommy ang sasabihin niya.
"Kahit kailan hindi ka magiging pabigat sa amin, hm... Mahal na mahal ka namin kaya lalaban tayo... Magpapa opera ka." Nagdesisyon na sabi ni Mommy.
"Yung company ni Mama..." Nag aalangan na sabi ni Daddy.
"Tito...mag pa-opera ka. Ako...kami na ni Daddy ang bahala." Sabi ni Adam.
"Pero..." Biglang dumating ang mga magulang ni Adam. Nag aalala.
"You should move back to America as soon as possible." Sabi ni Tito.
Tumango nalang si Daddy. Wala naman siyang magagawa.
Isang linggo ang nakalipas. Nagpunta kami sa company para ipaalam na si Adam muna ang mamahala dito.
"Good day, everyone. I'm here to tell you... that Mr. Adamson Smith will take my place here for the meantime-." Hindi pa tapos magsalita si Daddy ng may umapila.
"Kaano-ano mo siya? Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan namin siya?" Isa sa stock holder.
"Yes. We can trust him." Sabi ni Dad ngunit parang may gusto pa siyang sabihin.
"No. We can't trust him. Ano mo ba siya? Mas pipiliin pa namin yung anak mo ang mag handle nito." Sabi naman nung isa.
"He's.... he's going to be my son in law." Biglang sabi ni Daddy.
Gulat akong napatingin sa kanya. Maging si Adam ay nagulat din.
"They're going to marry each other in 3 months."
"Dad..." Hindi pa ko handa.
Sa bandang huli pumayag din naman ang nga stock holders.
Nasa office kami ni Dad ngayon. Nakatingin lang sa akin si Mommy.

YOU ARE READING
Memories To Keep
RomansaMemories must be shared. We needed someone to share or make memories. No matter how much suffering you went through... No matter how hard it is for you to say it, you never wanted to let go of those memories. The past beats inside me...inside us lik...