Chapter 28A

12 1 0
                                        

Hinayaan ko na lang yung text ni Sander kahapon, hindi ko na nireplyan at hindi nadin nabrought up yung topic na yun kagabi nung magkausap kami. Siguro ang iniisip ng iba na ang manhid ko na hindi man lang ako nagpapakita ng kahit anong reaksyon tuwing may gagawing espesyal si Sander pero kasi tinitimbang ko pa ang lahat.

Tinitignan ko kung kaya ko na ba talaga, ilang buwan na din nanliligaw si Sander sa akin at so far wala naman siyang ginagawa na ikinakagalit o ikinasasama ng loob ko. Aaminin ko, tuwing may gagawin siyang surprise o kahit simpleng sasabihin niya na nakakakilig, kinikilig din ako kaya lang andun pa ako sa phase na kailangan kong itago yung kilig ko kasi ayokong may makahalata. Nung sinabi niya sa akin na mahal niya ako sa text, aaminin ko na sobrang kinilig ako kasi first time niyang sinabi sa akin yun at kung ako lang din ang masusunod, gusto ko ng sagutin yun. Kaya lang natatakot ako na baka hindi ko pa kayang gampanan yung girlfriend material na hinahanap niya.

*TOK. TOK. TOK*

 

"Pasok."

 

Pagkasabi ko nun ay bumukas yung pinto at nakita ko sina daddy at kuya. What's with these guys, bihira naman silang mang-istorbo sakin habang nasa kwarto ako.

"Oh dad, kuya! What's up?" masayang tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin ako sa identity bracelet ni Sander na hindi ko pa ibinabalik simula nung  binigay niya sa akin iyon.

"Kapatid, ang lalim ng iniisip ha." Biro sa akin ni kuya habang paupo sila sa edge ng kama ko.

"Anyway anak. Kaya kami andito ng kuya mo dahil we want to know kung may plan ka para sa birthday ni Sander next month." Pag-uumpisa ni daddy. Oo nga, birthday na ni Sander next month. Napaupo naman ako ng maayos tapos kinuha ko yung planner at pen ko sa side table.

July 17: Sander's Birthday

 

"We want to throw a birthday bash for Sander. I already talked to tito Mike and his sister, they're both coming home for his birthday. I also talked to Sabrina to be the event organizer." Paliwanag naman sakin ni kuya habang nagtetake down ako ng notes.

"May suggestion ka ba anak?" tanong naman sakin ni daddy. Well it's about time na sabihin ko sa kanila yung pinag-iisipan kong mabuti kanina. Para makakuha na din ako ng advice kung ano dapat gawin ko.

"Uhm dad, kuya, I have something to tell you. Kanina kasi iniisip ko kung sasagutin ko na ba si Sander, well it's been months and nakikita ko naman talaga yung sincerity niya to me." Sabi ko sa kanilang dalawa. Nakita ko naman na lumawak ang ngiti ni kuya at si daddy naman medyo napangiti din bago siya nagsalita.

"Well honestly anak, boto talaga ako kay Sander. I saw how faithful he is to you and kilala ko ang batang yan, napakabait at alam kong maalaga. I will not go against the relationship if time will come na sasagutin mo na siya." Sabi naman ni daddy. Hindi ko ineexpect na magiging ganito yung opinion niya tungkol samin ni Sander. I expect na tutol siya dahil bata pa ako.

"I second the motion sis. Alam mo umpisa pa lang, nakita ko na yung spark niyo e." pagpapatawa naman ni kuya.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon