Chapter 6

48 1 0
                                    

Young lady, kakain na po. Nagising na lang ako nung biglang may nagsalita sa intercom. Ansakit ng ulo ko, ayoko bumangon. Tinignan ko yung bedside table ko para makita kung anong oras na.

7:30pm. Oras na pala ng hapunan kaya tinatawag na ako. Pero wala talaga akong gana, ang sama sama ng pakiramdam ko.

“Wala akong gana, mamaya na lang ako kakain.” matamlay kong sagot sa kung sino man ang tumawag sa akin para kumain. Gusto ko lang talaga matulog at magpahinga, parang wala akong lakas para bumangon.

Nanatili lang akong nakahiga at nakapikit hanggang sa nakatulog na pala ako ulit. Hindi ko na namalayan ang oras, nagising na lang ako ng maramdamang kong may magpatong ng basang bimpo sa noo ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at inilibot sa kwarto. Sa may sofa nakita ko si kuya na nakaupo habang nagbabasa.

“Ku—kuya.” nanghihina kong tawag sa kanya. Agad din naman siyang lumingon at tumayo papunta sa kama ko.

“Kamusta ka na? Antaas ng lagnat mo.” nag-aalalang tanong ni kuya. Namiss ko talaga si kuya, hindi na kasi kami madalas makapagusap at makapagbonding tatlo nila TJ.

“A-ang sakit ng ulo ko.”

“Kailangan mo nang kumain, hindi ka pa naghahapunan at kailangan mong uminom ng gamot.” maawtoridad na sabi niya sakin. Namana niya talaga yung pagiging maalaga kay mommy. Sobrang thankful ako kasi nagkaroon ako ng kuya na kagaya niya na kahit hindi na masyadong nakakapag-usap, maalaga at maaalalahanin pa din.

“Ipapaakyat ko na lang yung pagkain, kainin mo at uminom ka na ng gamot. May pulong ngayon sa mansion, wag ka ng pumunta, mas mabuting maiwan ka dito sa bahay para makapagpahinga ka. Ihahabilin na muna kita kay Sander.”

Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi ni kuya. Lumapit naman siya para halikan ang noo ko at nagwikang, “Magpagaling ka, kailangan ka ng pamilya.”

Medyo naguguluhan ako pero tumango na lang ako sa sinabi niya. Nakita ko naman na kinuha na niya yung black suit niya at lumabas na ng kwarto ko. Yeah! I need to stay in this room because I’m freaking sick. Ugh! Ipinikit ko na lang ulit yung mga mata ko ng makaramdam ako bigla ng gutom. Sakto naman at dumating na si Sander na may dalang pagkain at gamot.

“Eto na po yung pagkain mo young lady.” sabi niya habang papalapit sa akin. Ipinatong niya muna yung tray sa may bedside table ko tsaka niya ako tinulungan bumangon para kumain.

Kukunin ko na sana yung kutsara ng biglang hawiin ni Sander yung kamay ko at kinuha niya yung kubyertos at yung mangkok ng lugaw. Nagtataka naman akong tinignan siya pero ngumiti lang siya tsaka sinubuan ako ng lugaw. Ang sarap, at ang init din nung lugaw kaya medyo napaso ako pero hindi ko na lang pinahalata.

“Pinagbilin sakin ni young master na pakainin kita, kaya eto, ako ang magpapakain sayo.” sabi niya sabay subo ulit sa akin ng lugaw.

“Salamat.” mahina kong sabi sa kanya habang inaabot ko yung baso ng tubig na binibigay na sa akin.

Matapos ang medyo mahabang pagkain ng lugaw ay pinainom naman ako ni Sander ng gamot. Pagkatapos nun, pinahiga na niya ulit ako tsaka kinumutan. Nakita ko rin na hininaan niya yung aircon ko tsaka naupo sa gilid ng kama ko at inayos yung bimpo na ilalagay niya sa noo ko.

Hindi ko na namalayan ang oras at nagising na lang ako ng mag-alarm yung alarm clock ko kaya dali-dali akong tumayo at sa biglang pagtayo ko agad akong nakaramdam ng hilo kaya napaupo ako agad sa kama. Hindi pwede ‘to. Hindi ako pwedeng magstay dito sa bahay ng buong araw, kailangan kong pumasok at kailangan kong matapos yung mga dapat gagawin ko sa araw na ito.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon