Chapter 18

39 1 0
                                    

So far so good. Sobrang pahinga ako nitong weekend na nagdaan. Hindi na din ako pinaattend ni daddy sa tune-up game nung Saturday kaya sobrang naipahinga ko yung katawan ko at feeling ko ready na ako para sa sports competition. Hindi na rin naman binanggit sa akin ni daddy kung ano nangyari dun sa inutos ko nung Friday.

He just told me that kuya talked to the administrators of Sheldon and the mafia guards will be roaming around the whole campus while the interschool sports competition is on-going to ensure my safety. The administrators agreed since the campus will be open to anyone who wants to watch the games.

Eto na din yung execution ng lahat ng naplano naming mga honors kasama ang buong third year community. Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong updated sa planning nito dahil naging sobrang busy ako sa academics competition, pero tiwala naman ako na magagawa ng mga kabatch ko ito ng maayos. Kaya after ko magbreakfast, agad na akong nag-ayos at dumiretso na sa Sheldon to see how’s the preparation goes before the opening ceremony later.

*****************************

At hindi nga ako binigo ng mga kabatch ko.. Thursday na ngayon at halos walang naging problema, nasunod lahat ng nasa plano. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit hindi ko sila nakakamusta tungkol sa pag-aayos ng sports competition, ginawa pa rin nila ng maayos yung trabaho nila.

And speaking of sports competition, last game na ng Sheldon ngayong araw na ‘to at semi-finals na. Bracketing kasi ang system, kami ang nakapasok sa bracket namin, may isa kaming talo dahil masyadong malalaki yung kalaban, pero hindi iyon naging dahilan para sumuko ang team ko, sinabi ko sa kanila na gawin naming inspirasyon yung pagkatalo naming iyon para makabawi kami, at eto nga, nasa semi-finals na kami.

“Team, tiwala lang. Alam kong kaya natin ‘to. Teamwork guys!” sabi ko sa kanila bago kami tuluyang lumabas sa dug-out namin. Pagpasok palang namin ng gym, rinig na agad ang pagcheer ng Sheldon community.

Ngayong hapong ito, papatunayan namin sa lahat na kaya namin. Na hindi lang kami isang team, kundi isang pamilya. Manalo o matalo kami sa laban ngayon, pamilya pa rin kami.

Nagtoss coin na kami at nakapili na ng court. Nung tinawag na ang starting six, muling nag-ingay ang mga estudyante ng Sheldon bilang suporta sa amin. Bago tuluyang magsimula ng laro ay nagbigkas kami ng napakaikling dasal bilang paghingi ng gabay para sa larong ito.

“AMEN!” sabay sabay naming sabi tsaka kami nagpunta sa kanya-kanya naming pwesto.

Dahil nanalo sa toss coin ang kabilang team, sila ang magservice. Nakita ko sa team ko ang determinasyon sa bawat isa. Bawat palo, bawat depensa, andon ang pagka-uhaw ng bawat isa sa panalo, lahat kami kumikilos, hindi nila hinahayaan na ako lang ang gagalaw. May respeto sa bawat isa, pag may sumigaw ng MINE, wala ng ibang kukuha ng bola. At malaki ang tiwala sa isa’t isa, kada may chance na mag spike, ako ang pumapalo ng bola, bihira din ang service error namin. Sakto ang lahat, mukhang nasa kondisyon ang lahat na maglaro.

Sobrang higpit ng laban, ni hindi ko alam kung paano namin natapos ang first set. Sobrang ayaw magpalamang ng kalaban, natapos lang namin yung first set nung nagkaservice error yung kabilang team kaya nagkapuntos kami dahilan para maipanalo ang first set.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon