Chapter 4

54 1 0
                                    

           Mommy, bakit ganon? Gusto ko lang naman maging normal yung buhay estudyante ko eh. Nakakainis mommy, akala ko ba magiging okay din ang lahat? Ready naman ako eh pero sana pagkatapos ko na lang mag-aral. Mommy, mahirap mag-aral ng kinatatakutan ako, sinabi ko na sayo yun di ba? Tulungan mo naman ako. Mommy, padalhan mo naman ako ng sign, kasi mommy ang hirap eh. Ang bata ko pa, nahihirapan po ako. Kanina first time ako tinutukan ni daddy ng baril. Natatakot ako mommy.

May dalawang oras na pala akong nakakulong dito sa kwarto ko sa mansion, nagsusulat na naman ako ng letter ko kay mommy. Ewan ko pero kasi simula nung nawala siya eto na lang yung paraan ko para makausap ko si mommy. Grabeng takot ko talaga dun sa nangyari kanina, unang beses na tinutukan ako ni Sir ng baril at eto habang nagsusulat, umiiyak na naman ako.

 Ni hindi ko na nga naramdaman na pumasok si Sander sa kwarto ko. Kapag andito ako sa mansion, hindi ako pwedeng umangal kasi may pahintulot si Sander na pumasok sa kwarto ko.

“Young lady? Young lady, umiiyak ka ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon. Sa tingin ko si Sander lang yung pwede kong pagkatiwalaan, pakiramdam ko siya yung pwede kong sabihan ng problema ko.

“Sander… pwede ba kitang kausapin?” sisinghot singhot kong tanong sa kanya.

“Kahit anong oras young lady, maasahan niyo po ako.”

Nakita ko siyang umupo sa may kama kaya tumayo ako at pumunta din sa may kama habang nagpupunas ng luha. Si Sander naman nakaupo lang at nakatingin sakin.

“Sander, gusto mo ba ‘tong ginagawa mo?” mukha namang naguluhan siya sa tanong ko kaya nagsimula ako ulit magsalita.

“I mean, eto, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon? Gusto mo ba talaga ‘to?”

“Young lady, alam mo hindi ko din ginusto ‘tong kinalalagyan ko ngayon. Ang hirap kasi nag-aaral ako tapos mayroon akong mahalagang tungkulin na ginagampanan. Pero kahit hindi ko ginusto ‘to, napamahal na din ako sa ginagawa ko. Unti-unti ko nang natatanggap na eto talaga ang guhit ng tadhana sa akin, na kahit anong pilit ko na iwasan ‘to, eto talaga yung nakatadhana sa akin. Bakit, young lady?” paliwanag niya sa akin pero medyo hindi ko maintindihan yung parte na iyon na ang nakatadhana sa kanya.

“Huwag mo na ako tawaging young lady pag tayong dalawa lang. Cadence na lang. Alam mo naiinggit ako sayo, kasi hindi ka gaanong nahihirapan. Hindi katulad ko, simula nung nawala si mommy, nag-iba na. Masyadong tumaas ang expectation sa akin ni daddy, lalo na sa organisasyong ‘to. Oo ako nga ang tinuturing na pinakamalakas na miyembro simula nung nawala si mommy kasi kahit sino hindi magawang lapitan ako pero sa tingin mo ba masaya ako, Sander? Hindi, yung tapang na nakikita niyo sakin araw-araw, walang wala yun kaysa sa takot na nararamdaman ko na sa araw-araw na gigising ako na mayroong grupong gustong tapusin ang buhay ko. Nahihirapan ako Sander. Natatakot ako.” hindi ko na namalayan, umiiyak na pala ako. Niyakap ako ni Sander na mukhang nag-aalangan pang gawin yun.

“Sshh. Wag ka na umiyak young… este Cadence. Tandaan mo, madaming tao ang magpoprotekta sayo. Madaming nagmamahal sayo at hindi nila hahayaan na masaktan ka.” maikli niyang sabi habang yakap pa din ako. Sa ganitong panahon, nararamdaman ko na ligtas ako. Sana nga tama yung sinabi ni Sander.

Kumalas na ako sa yakap ni Sander tsaka ko pinunasan yung luha ko. “Salamat ha, pasensya na din dalawang beses kita tinutukan ng baril. Nakita mo pa akong umiiyak, mawalan ka pa ng respeto sakin. Haha.”

“Wala yun, trabaho ko naman talaga na harapin ang badtrip at baril mo eh. Tsaka wag ka mag-alala, malaki respeto ko sayo. JSi Sander na grabe ang pagtitiyaga sa akin, hindi ko akalain na mabait pala ‘tong taong ‘to. Si Sander kasi yung tipo na tahimik at misteryoso pero masarap pala siya kausap sa panahong ganito. Hayy, kelan ko kaya makakausap ng ganito ulit si kuya. Simula din kasi nung nawala si mommy, medyo nawala na yung closeness namin ni kuya.

“Cadence…” tumayo si Sander tsaka nilahad niya yung kamay niya. Tinignan ko naman siya ng medyo naguguluhan. “Friends?”

“Friends. Jtinanggap ko naman ang kamay niya.

“Tara na? 11 na, kailangan na nating bumalik sa bahay. May meeting pa yung mga nakakataas, pinapauna na kayo ni sir. Nakaalis na si TJ.” aya niya sa akin. Si TJ yung bunso naming kapatid.

“Uhm Sander.”

“Bakit?”

“Pwede bang pakisunod yung hiling ko kanina sa pulong. Alam kong inutusan ka na ni Sir pero please, pakisunod muna ako, kahit ngayon lang.” sambit ko sa kanya, at tinignan ng seryoso habang hinihintay ang sagot niya.

“Oo may iniutos na si sir sa amin, pero sige, susundin kita pero hindi mo maiiwasan na gawin ko yung utos ni sir kapag kailangan. Basta tandaan mo Cadence, andito lang ako palagi, kung kailangan mo ng tulong at kausap.” sagot niya tsaka ngumiti.

“Salamat. Tara na.”

Mommy, eto na ba yung tulong na hiningi ko sayo? Kung eto na yun, salamat mommy.

++++++++++

“Cadence, pinapatawag ka ni Ms. Dela Vega.” bungad agad sakin ni Rica, hindi pa nga ako nakakalabas ng kotse e. Ang aga-aga, inaantok pa kaya ako.

“Oo na Rica, 5 minutes lang. Inaantok pa ako e.” pagtataboy ko kay Rica, kulang pa talaga ako sa tulog dahil anong oras na rin kami nakauwi kagabi at ginawa ko pa yung letter for approval na kailangan kong ipasa kay Ms. Dela Vega mamaya.

Pagkaalis ni Rica sa tapat ng kotse ko isinara na agad ni Sander yung bintana. May kailangan lang kasi akong ayusin dito sa kotse ko kaya sinabi ko kay Rica na iidlip pa ako ng 5 minutes.

“Young lady…” tawag ni Sander sa akin sabay lahad ng baril ko na inayos na niya. Gaya ng nakasanayan, sa binti ko ito inilagay, dahil mahaba at maluwag din naman ang palda ng uniform ko, kailangan ko nalang mas maging maingat sa pag-upo-upo para hindi makita ang dala-dala ko.

“Salamat.” tugon ko sa kanya saka ko ikinabit yung baril ko sa kanang binti ko. Kaming dalawa lang ni Sander ang nasa loob ng sasakyan ko, yung ibang bodyguard andun sa isang sasakyan na naiwan sa labas ng school.

Simula nung pulong kagabi, yun na ang pinatupad ni dad. Hindi na daw niya kaya na mawalan ulit ng lakas ang pamilya at ang organisasyon. Sinabi sakin ni Sander yan kagabi nung pauwi kami. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, nagpasya na akong bumaba ng kotse. Kinuha ko na ang bag ko at nakita ko naman si Sander na bumaba mula sa driver seat para pagbuksan ako ng pintuan.

“Wag ka mag-alala young lady, magiging ayos din ang lahat.” mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. Ginantihan ko siya ng ngiti at tsaka sumagot.

“Yeah, everything will be fine. Kaya pumasok ka na bago ko pa basagin yang ulo mo. Haha.” biro ko sa kanya tsaka ako naglakad papasok ng campus.

Bago pa ako makapasok ng campus nakita ko ng umalis yung sasakyan ko. Napangiti na lang ako sa loob ko. Everything will be fine. Paano kaya nila madaling nasasabi yang linyang yan kung ang totoo ay hindi naman magiging okay ang lahat.

This is the beginning. Umpisa pa lang ito ng pakikipaglaro ko sa kamatayan. Bilang isang estudyante, bilang isang kaibigan, isang kapatid, isang anak, at bilang isang assassin. At eto na ang simula ng mala roller coaster na buhay na anak ng isang lider ng makapangyarihan at mailap na organisasyon hindi lang sa bansang ito kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang Inzerillo Mafia. At ako? Ang isa sa pinakabatang miyembro ng organisasyon at ngayon, kailangan ko nang mabuhay sa katotohanang ito, gaya nga ng sinabi ni Sander kagabi. Matututunan ko ring mahalin ang nakatadhanang ito sa akin.

Ang maging isang Inzerillo Reaper.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon