Chapter 16

41 1 0
                                    

“That’s all for today team. You may go.” Pagkasabing pagkasabi nun ni coach ay agad na kami nagpunta sa locker/shower room para makapagpalit ng damit.

Biyernes na ngayon at masaya ako dahil last day na din ng firing lesson ko bukas. Pagkatapos noon, makakapagfocus na talaga ako para sa academics competition every Saturday. About naman dun sa nangyari kahapon, nakabalik din ako kaagad sa Sheldon. Saktong sakto lang para sa Trigo namin na class, wala din naman daw ako masyadong namiss dun sa ilang subjects na hindi ko napasukan dahil discussion lang ang ginawa at sigurado naman daw na makakahabol ako kaagad.

“Cap, nasaan boyfriend mo? Bat hindi ko na nakikita?” sigaw sakin nung isang third year kong kateam habang nag-aayos ako ng gamit ko dahil kakatapos ko lang magshower.

“Wala akong boyfriend, sinong boyfriend hinahanap niyo jan?” sa totoo lang kilala ko kung sino yung hinahanap nila.

“Yung pogi na sumusundo sayo.” Sabat naman nung assistant team captain ko. Sinasabi ko na ng aba, nakasubaybay din sila tuwing uwian para makita si Sander.

“Ano ba kayo hindi ko boyfriend yun. Pero, para masagot yung tanong niyo, wala e nagpunta sa States.” Sinagot ko na din yung tanong nila dahil pag hindi ko pa sila diniretso siguradong hahaba pa yung usapan. Eh anong oras na kaya, gusto ko na umuwi.

“Gaano siya katagal dun, ate?” tanong naman nung isang second year, sinasabi ko na nga ba pati lower bacth e.

“2 months.” Maikli kong sagot tsaka ko kinuha yung cellphone ko para tignan kung may nagtext ba or tumawag. Nagtext si kuya, 10 minutes ago, bakit kaya?

“Ay antagal naman pala.” Narinig ko pang kumento ng mga kateam ko, hindi ko na masyado inintindi ang mga iyon dahil binabasa ko rin yung text ni kuya.

From: Kuya

Your driver is already in the parking lot. Go straight to the mansion after training. This is urgent Angela.

Pagkabasang pagkabasa ko nung text ni kuya ay agad ko ng kinuha yung gamit ko at nagpaalam sa mga kasama ko, hindi ko na din inilagay yung towel sa bag dahil basa pa yung buhok ko.

“Una na ako guys!” sigaw ko dahil yung iba nasa shower pa.

“BYE CAP!” sagot naman nila sa akin kaya nagmadali na akong bumaba at pumunta sa parking lot.

Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse, agad na pinaandar nung driver ko yung sasakyan papuntang mansion. Hindi na siya nagtanong sa akin kung saan pupunta, mukhang inutusan na siya ni kuya na idiretso ako ng mansion.

Habang nasa byahe, iniisip ko kung ano ang posibleng resulta nung balitang dinala ko kahapon. At kung ano ang magiging hakbang ng mafia para dito, bigla ko naman naalala yung folder na inabot sakin ni Mika bago magtraining na inilagay ko dito sa bag ko, kaya kinuha ko iyon at ibibigay ko sa kinauukulan mamaya.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon