AAHHHH! Ang sarap ng tulog ko, grabe kumpletong kumpleto. Masaya akong nagising dahil nadin siguro maaga ako natulog kagabi. Pero ewan ko, mukhang ang ganda ganda ng araw na ito kaya nagdesisyon akong bumangon na para makakain na rin ng agahan.
Pagbaba ko, wala si daddy sa office niya so siguro umalis na sila ni kuya. Yung mga body guards naman, nasa quarter nila at nagpapahinga siguro, ang mga katulong busy sa mga gawaing bahay, si TJ marahil naglalaro ng basketball sa likod.
Dumiretso na ako sa dining area para kumain, nagugutom na kasi ako. Nadatnan ko naman ang agahan na nakahain na sa lamesa at tanging isang plato na lang ang hindi nagagalaw, at alam kong para sa akin iyon dahil sa pwesto ko nakalagay. Walang anu anu pa at kumain na ako.
“Young lady, gising ka na pala.” Bati sa akin ng isang katulong na napadaan. Nginitian ko na lang siya tsaka ko ipinagpatuloy ang pagkain. Dinala naman agad sa akin nung katulong yung gatas ko.
“Salamat ate.” Pagpapasalamat ko sa kanya para sa pagdadala niya ng gatas. “Ay ate, asan mga tao? Anong oras na ba?” pahabol kong wika sa kanya bago siya pumasok sa may kusina.
"Si sir at young master Andrew po kanina pa umalis. Si manang Linda, namili, si young master TJ naman po nasa kwarto niya naglalaro ng xbox kasama si Sander. Young lady, magaalas-diyes na po” Diretso niyang sagot sa katanungan ko. Ni hindi man lang nagpaliguy-ligoy pero nagpasalamat na rin ako sa kanya bago ako bumalik sa pagkain.
Pe-ro, WHATTTTT?!?!?!?! 10AM na? Kaya pala pakiramdam ko ang haba ng tulog ko dahil tanghali na pala, ngayon lang ako tinanghali ng ganito, mabuti na lang at bakasyon ngayon.
Pagkatapos kong kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan, at ako na din ang naghugas. Hindi naman kasi talaga ako palautos lalo na sa mga katulong dito sa bahay, mas gusto ko nga na tulungan sila e kaso ayaw nila pumayag.
Napagdesisyunan ko namang umakyat sa kwarto ni TJ para tignan silang dalawa na busy na naman sa paglalaro. At habang paakyat ako ng hagdan ay nakaramdam naman ako ng sakit sa puson ko pero hindi ko iyon pinansin at dumiretso na sa kwarto ni TJ.
*TOK. TOK. TOK.*
Hindi din naman nagtagal ang paghihintay ko dahil binuksan na ni Sander yung pintuan. Nahiya naman daw ako bigla dahil naka pajama pa ako. Hehehe pero sanay na din naman sila na kapag andito ako sa bahay e nakapajama lang talaga ako unless maglalaro ako or pagkatapos ko maligo.
“Good morning young lady.” Maamong pagbati sa akin ni Sander.
“Good morning din.” Sagot ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni TJ. At ang magaling ko kapatid, ayun nakasalampak sa sahig at naglalaro, NBA ang nilalaro nila so medyo OP ako kaya nahiga na lang ako sa kama ni TJ at tsaka ako nagbasa sa cellphone ko.
“YEAH! YOU LOSE KUYA SANDER! YEAH!” nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni TJ kaya agad ko naman siyang sinita.
“You don’t have to shout TJ.” Sambit ko pero hindi ko pa din sila tinitignan. Naririnig ko ring nagtatawanan sila at pinaguusapan yung pagkatalo ni Sander sa NBA.
“Hahahaha. Hayaan mo young master, babawi ako sa susunod.” Natatawa namang sabi ni Sander kau TJ.
“Don’t call me young master. I’m not like kuya.” Natatawa ding sagot niya kay Sander. Tumatawa siya pero ayaw niya talaga, sa aming tatlo siya ang may ayaw sa ganyang tawag. Well anyway, hindi ko naman siya masisisi kasi bata pa siya at hindi pa niya masyado naiintindihan ang tunay na takbo ng buhay namin.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
AdventureCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...