“Sabi mo puro restaurants ka nung nasa States, bakit dito pa tayo kakain?” tanong ko kay Sander. Andito kasi kami ngayon sa mall para mag lunch.
Pinagpaalam niya ako kay daddy kagabi kung pwede ba daw kaming lumabas ngayon. Pumayag naman si daddy and kuya basta daw makakauwi kami ng 6pm dahil may bisita daw sa bahay.
“I want this day to be special. Kahapon dapat ‘to pero I found out na championship game niyo kaya ngayon na lang.” sagot naman niya sa akin. After niyang sagutin yung tanong ko ay pumasok na rin kami sa resto.
Pagkapasok namin ng resto, nagulat naman ako dahil may naka reserve na palang seat para sa amin kaya nakapagorder na kami agad ng kakainin namin. Maganda ang ambiance ng restaurant na ito, nakakarelax at masarap ang mga pagkain.
“So how was your stay in States?” tanong ko kay Sander na abala din sa pagkain ng pesto niya.
“It’s good. Nakakapagod lang dahil sa sobrang daming meeting. And sobrang dami ko pang kailangan habulin sa school. Malapit na finals e.” Grabe, ang hirap pala ng sitwasyon niya, business meetings tapos pagbalik niya dito maghahabol pa siya sa studies niya.
“I see, so I guess dun muna ako sa mga body guards and driver ko.” Sabi ko naman sa kanya, ayoko naman kasing maging burden ako sa kanyan. Sa loob ng isang buwan na nasa States siya, for sure sobrang dami niyang namiss na lessons at iba pang school works.
Pagkasabi ko nun, nakita ko naman siyang nagsmirk. “Who told you na ganun nga ang mangyayari?” tanong niya naman sa akin.
Napatigil naman ako sa pagkain dahil dun sa sinabi niya at biglang napainom ng iced tea.
“Nakuha ko na kaninang umaga sa school yung mga namiss kong lessons, self study then next week, itetake ko lahat ng namiss kong seatworks and quizzes. Wala naman akong namiss na mga paper works, kinausap ko na rin naman kasi mga prof bago ako umalis.” Pagpapaliwanag niya sa akin pagkatapos ay ngumiti siya kaya nginitian ko na lang din siya.
“Kaya, wag ka na mag-alala dahil hindi na kita ibabalik dun sa driver at mga body guard mo nung umalis ako.” Dagdag pa niya kaya naman natawa ako bigla, kala mo naman kinuha aki nung driver at body guards nung umalis siya. Hahaha.
Pagkatapos namin kumain, tinanong niya ako kung saan ko gusto pumunta pero sinagot ko din siya ng tanong kung saan niya gusto pumunta. Kaya naman napunta kami dito sa arcade station at naglaro na parang bata.
********************
“Grabe, napagod ako dun.” Sabi ko habang hinihingal pa dahil sa sobrang kapaguran. Mahigit tatlong oras din ata kaming naglalaro at tumigil na lang kami noong sobrang pagod na kami.
“Tara, ice cream tayo!” sabi niya sakin tsaka kami nagpunta sa ice cream parlor na malapit sa arcade station.
“Ano gusto mo?” Tanong niya naman sa akin pagkaupo namin sa table na malapit sa malaking bintana.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
PertualanganCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...