“Dence, what time yung meeting with the whole 3rd year?”
“Cadence, nakausap na ba yung mga magpeperform?”
“Cadence, kasama ba sila Ms. Dela Vega sa meeting?”
“Candence may quiz ba sa Trigo mamaya?”
Sabay sabay na tanong nila sakin. Ako kasi yung overall in charge para sa interschool competition. Yun yung pinag-usapan namin nila Ms. Dela Vega at Mr. Blanco nung isang araw, dito daw kasi sa Sheldon gagawin yung interschool competition at Sheldon ang host at bakit mga 3rd year ang mag-aayos? Kasi konti lang naman daw ang varsity sa 3rd year hindi kagaya sa 2nd year. Hindi din daw pwede ang 4th year kasi graduating at madaming ginagawa. Kaya eto, nakukulili na ako sa tanong nitong mga kasama ko pagpasok ko pa lang ng HL.
“Teka teka, pwedeng isa-isa lang? Mahina ang kalaban.” sagot ko sa kanila.
“Mika, 10 am yung meeting kasama ang buong 3rd year sa MFR.”
“Andrei, nakausap ko na yung Music club para sa kakanta sa program. Yung Dance club naman kakausapin ko pa para sa isang part nila sa opening.”
“Rica, kinausap ako ni Ms. Dela Vega kanina, sabi niya tayo na lang daw bahala may tiwala naman daw siya satin at may meeting pa siya kasama yung ibang athletics coordinator at principal ng ibang school.”
“At Kean, oo may quiz tayo mamaya sa Trigo pagkatapos ng meeting.”
Sunod sunod kong sagot sa kanila, siguro naman wala ng tanong pa ang hahabol at makakainom na ako ng tubig no? Kanina ko pa gusto uminom ng tubig at umupo muna dahil halos buong umaga na ako paikot-ikot. Papirma dito, papirma doon, kausap dito, kausap doon.
“Very well said, Cadence. Grabe, hindi ko maimagine kung paano mo nagagawa lahat ng yun. Kung ako siguro ang overall baka baliw na ako at hindi niyo na ako nakakausap ng maayos. Grabe idol na kita, Ms. Perfect!” sabi ni Gab habang pumapalakpak pa, may saltik talaga to paminsan minsan.
“Time management lang katapat niyan. Hindi pa nga ako nagrereview sa Trigo e. Hahahaha.” natatawa kong sagot sa kanya habang pumupunta sa may dispenser para kumuha ng tubig.
“Hoy babae, tigilan mo ako sa hindi ka pa nag-aaral sa Trigo. Kilala kita, kahit hindi ka nag-aral ikaw pa din makakaperfect ng exam!” sigaw naman ni Mika. Etong mga ‘to pinagdidiskitahan na naman ako.
Ayun. Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Grabeng tawa ko dito sa mga ‘to. Mga walang humpay sa pagjojoke hahaha. Yun lang ang ginawa naming hanggang sa mag 10 minutes before 10 na kaya nagdecide na kaming pumunta sa MFR para pagdating ng mga kabatch namin andun na kami.
Saktong 10 am nagsidatingan yung mga kabatch namin. Kakatapos lang ng recess at excuse ang buong 3rd year ng 10-12 na klase dahil sa meeting na ‘to. Nakatayo lang kami sa platform habang hinahantay na magsettle-down yung iba nang biglang sumigaw si Gab.
“BATCHMATES!!! WAG NA KAYO MAINGAY! MADAMI TAYONG PAG-UUSAPAN KAYA KAILANGAN MATAPOS NATIN ‘TO NGAYON!” agad namang nagsiayos at nagsitahimik ang lahat. Umupo na rin muna yung pito at iniwan na muna nila ako sa harapan para magdiscuss.
“Guys! Siguro nagtataka kayo kung bakit kayo andito. So, pinatawag kayo ngayon dito kasi may mahalagang task ang buong 3rd year na binigay si Ms. Dela Vega at malaki ang ineexpect nila mula sa atin kaya utang na loob. 3A pakisara muna ang mga libro sa Trigo at makinig sakin. Wag kayong mag-alala karamay niyo ako hindi pa ako nagrereview para sa quiz mamaya.” panimula ko. Well sinadya kong sabihin yun kasi nakikita ko na hindi nakafocus sa meeting yung mga kaklase ko at busy sa pagrereview eh kailangan talaga ng focus at cooperation ‘to.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
AdventureCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...