Last day na ng finals naming mga honor ngayon, mamayang hapon na din sila pupunta sa bahay para dun sa sleepover bonding namin. Hindi ko na rin naman problema ang pagbake ng cake and cookies dahil ginawa ko na iyon kagabi bago ako magreview.
Isang linggo na din akong hindi nasundo ni Sander dahil sa sakit niya, pinayuhan din kasi siya ng doctor ng 4-5 days na bed rest dahil sa overfatigue. Simula nung inalagaan ko siya last Friday hindi ko pa ulit siya nakikita dahil naging busy ako sa pagrereview although sinasabi ko kay Manang Linda na parating icheck si Sander kung kumain na ba siya or uminom na ng gamot. Kahapon sinabi naman sa akin ni Manang Linda na okay na raw naman yung pakiramdam ni Sander.
Tungkol naman dun sa sleepover, since ako daw ang host at sa bahay namin gagawin ay magdadala daw sila ng mga chips na pwede naming kainin habang nag movie marathon kami. After ng exam, uuwi muna sila tapos ay magkikita kita ulit dito sa Sheldon ng mga 4pm, ipapasundo ko na lang sila sa van dahil hindi naman sila magkakasya sa sasakyan ni Mika.
“Guys, una na ako sa inyo ha.” Sabi ko sa kanilang pito na nag-aayos pa lang ng gamit nila at inaayos din yung mga gamit sa HL. Next week Wednesday na kasi ulit ang pasok namin para makapag pull-out na kami ng mga gamit namin sa 3rd year HL dahil lilipat na kami ng HL next school year.
“Uy bes saglit lang! Sabay na tayo!” habol sa akin ni Mika habang nilalagay pa yung gamit niya sa bag kaya hinintay ko na siya sa pinto.
“Oh pano, kita na lang mamaya sa inyo Cadence.” Masayang sabi ni Gab na ready na ring umalis.
“Yup! See you guys!” sabi ko sa kanila bago kami tuluyang umalis ni Mika sa HL.
Tahimik ang hallway dahil hindi pa naman oras ng uwian, kaming mga honors pa lang ang pwedeng umuwi ng maaga dahil exam lang namin. The rest, busy pa sa pagpapapirma ng clearance dahil last day of completion na ngayon para sa mga hindi honor at non-graduating.
“Bes, hindi ko ata napapansin kotse ni Sander na sumusundo sayo?” pagtatakang tanong ni Mika nung makarating kami sa parking lot at mapansin niyang kotse ko ulit ang gamit sa pagsundo sa akin.
“Wala, may sakit. One week na nga eh.” Simpleng sagot ko sa kanya habang papalapit kami sa kotse.
“Eh bakit parang malungkot ka ha! Namimiss mo no? Ayieee!” mapang-asar namang sabi ni Mika.
“Ui tumigil ka nga! Hindi no!” depensa ko naman sa sarili ko.
“Bes nabasa mo ba yung libro ni Ramon Bautista ha?! First stage ng pagkakagusto ay DENIAL! Hahahaha.” Patuloy na pang-aasar niya sa akin hanggang sa makalapit kami sa kotse.
“Tumigil ka Mikaela! Kita na lang tayo mamaya, bye!” pagpapaalam ko sa kanya dahil alam kong hindi ako titigilan nun ng pang-aasar niya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot sa akin dahil mukhang magbabangayan na naman silang dalawa ni Aaron, nako for I know, baka silang dalawa pa magkatuluyan. Kaya sumakay na ako ng sasakyan ko at tinahak ko na ang aking landas pauwi.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
PertualanganCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...