Hanggang ngayon hindi pa din nagsisink-in sa akin na nanliligaw na si Sander. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nagpaalam siya sakin na manliligaw siya at hanggang ngayon ewan ko talaga, the normal Sander pa rin naman ang nakikita ko araw araw yun nga lang minsan e nagiging abnormal dahil bigla na lang siyang dadating sa bahay na may dalang kung anu-ano o kaya naman ay nagluluto siya.
Ilang araw din ang lumipas pagkatapos nung birthday ko ay dumating na yung regalo sa akin ni daddy. Like I said before, I am not expecting any gift from them pero laking gulat ko nung dineliver ang isang pulang Toyota 86 sa harap ng bahay namin. Hindi ko pa ginagamit yung sasakyan ko dahil gusto ko marunong na marunong na akong magdrive pag hinawakan ko yun dahil sayang kung magagasgasan ko.
Kaya hanggang ngayon, dito pa rin ako sa sasakyan ni Sander sumasakay papasok ng school at pauwi.
“There you go.” Sabi ni Sander pagkaabot niya sa akin nung gamit ko. Andito na kasi kami sa school at kahit ayoko pa, kailangan ko ng gisingin ang sarili ko ng sobrang aga para pumasok na ulit.
“Thank you.” Simpleng sagot ko naman sa kanya. “I’ll see you later.” Dugtong ko pa kasi kailangan ko pang pumunta sa sports coordinator’s office dahil may kailangan akong sabihin sa kanila na alam kong pipigilan nila pero buo na ang desisyon ko.
“Sure. I’ll be here exactly 5pm.” Sagot naman niya, may pasok na din kasi siya at kailangan na niyang umalis dahil baka malate siya. “Take care.” Sabi niya ulit tsaka niya tinapik yung balikat ko.
“You too.” Tsaka ko siya nginitian at naglakad na ako papunta sa entrance ng Sheldon.
This is my last year in Sheldon kaya I need to focus more on my studies dahil mageentrance na rin kami for college. Agad akong dumiretso sa sports coordinator’s office at nadatnan ko dun si Mr. Blanco.
“Oh Cadence! Welcome back to school! Have a sit.” Masayang sabi sa akin ni Mr. Blanco. “Anong maipaglilingkod ko sayo?” tanong niya sa akin nung makaupo na ako.
“Hindi ko na po patatagalin pa ‘to sir. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na aalis na po ako sa volleyball team.” Diretso kong sabi sa kanya lubha niyang ikinagulat dahil kitang kita iyon sa expression ng mukha niya.
“Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?” tanong niya sa akin habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
“Yes po. Gusto ko na po kasi mag focus sa studies ko, graduating po kasi.” Diretso ko namang sagot sa kanya.
“Well if that’s the case, mukhang hindi na kita mapipigilan. Sige, ako ng bahala magsabi sa coach mo. Pero kung sakaling magbabago pa ang desisyon mo, puntahan mo lang ako.”
“Thank you sir. Mauna na po ako.” Sagot ko sa kanya. Nginitian niya lang ako kaya tumayo na ako para lumabas ng office niya at magpunta na sa HL.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
AventuraCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...