"Ui, nabalitaan mo na ba?" –student 1
"Ang alin?" –student 2
"Hindi na daw sa Cadence ang team captain?" –student 1
"Talaga? Bakit naman? Kanino mo nabalitaan?" –student 2
"Kay Aisha, pinagkakalat na nga niya na siya na daw bagong team captain e." –student 1
Iyan lang naman ang narinig ko pagdaan ko dun sa dalawang fourth year na nagkukwentuhan sa lobby kaninang break time. Ang bilis naman kumalat ng balita na hindi na ako ang team captain ng volleyball.
"BEEESSSS!" tawag sa akin ni Mika. Pinatawag kasi siya ng adviser namin kanina sa faculty room. Hindi naman niya sinabi sa akin yung dahilan pero sabi niya sandal lang daw kaya nauna na ako dito sa cafeteria para maglunch.
"Oh bes, bakit ba parang nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya pagkaupo niya habang iniinom yung tubig ko.
"Totoo ba bes? Wala ka na sa volleyball team?" tanong niya sa akin nung medyo nawala na yung hingal niya. Tumakbo siguro 'tong babaeng 'to papunta ditto sa cafeteria kaya hinihingal.
"Ambilis naman kumalat ng balita. Kanino mo nalaman?" simpleng baling ko sa kanya habang kumakain ng pasta. Binilan ko na rin siya ng pagkain kaya sumubo muna siya bago nagsalita ulit.
"Eh syempre, andami kayang nagchichismisan about dun. Ang rinig ko pa, pinagkakalat na daw ni Aisha na siya na ang bagong team captain. Totoo ba bes?" diretsong salita ulit ni Mika.
"Yung pagquit ko totoo, pero hindi ko alam na may pumalit na sa akin. Kanina ko lang sinabi sa sports coordinator e." paliwanag ko naman sa kanya. Actually hindi talaga ako aware na may pumalit na sa akin dahil kaninang umaga ko nga lang sinabi kay Mr. Blanco at ang alam ko magkakameeting pa bago magkaroon ng bagong team captain kaya hindi ko sure kung saan din nahugot ni Aisha yun at ipinagkakalat na niya na siya ang bagong team captain.
Hindi na muling nagsalita si Mika at kumain na lang kaming dalawa dahil malapit na rin matapos ang lunch break. Shorten period lang kami ngayon dahil first day lang naman at may general meeting pa daw ang faculty members kaya hanggang 2:30 lang ang pasok namin. Nasabi ko na rin kay Sander na maaga ang uwi ko, buti na lang at hanggang 1:00 lang siya pag MWF kung hindi sasabay ako kay Mika at ihahatid niya ako sa bahay.
Pagkatapos ng lunch, kanya kanya ng balik ang mga estudyante sa bawat classroom, wala naman na daw gagawin kaya binigyan na lang ang lahat na mag-ayos ng mga gamit sa locker area hanggang 2:30. Kaya kami ni Mika, nagstay na lang sa HL habang yung anim pa naming kasama na honors ay busy sa kani-kanilang lakad after ng class.
"Alam mo, everyone is thinking that it is because of Sander." Biglang basag ni Mika sa katahimikan, nag-iinternet lang kasi kami kaya parang may sarili kaming mundo pero natigil iyon nung bigla siyang magsalita.
"What made them think na si Sander nga ang dahilan ng pag quit ko?" tanong ko naman sa kanya pabalik. Honestly, I don't get the point of blaming Sander just because I quit the volleyball team. Like what the hell? It's my own choice!

BINABASA MO ANG
Blood Vows
AvventuraCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...