Chapter 3

73 1 0
                                    

5:00 pm na. Kailangan ko ng mag-ayos para sa pagpunta ko sa mansion at mamayang konti, aakyat na si Sander para sunduin ako.

Kinuha ko na yung towel ko tsaka nagpunta sa banyo para mag shower. Pagkatapos ay kinuha ko yung black tank top at black bandage skirt ko. Gusto ko palagi nakaskirt kasi sa binti ko nilalagay ang isa sa naging laruan ko simula nung 10 years old ako, ang isang maliit na baril.

Yes, I learned how to hold and use a gun since I was 10 years old. Actually, it’s not my choice, it is a decision of my father that when we reach 10, we will be trained on how to protect ourselves from other people. Hindi ko din ginusto ‘to nung una pero may kung ano ang nagsasabi sakin na kailangan kong gawin ito para na rin sa kaligtasan ko. Hindi ko dinadala ang baril na ‘to sa school, pero pag aalis ako lagi ‘tong nakasukbit sa binti ko.

Pagkatapos kong ayusin ang belt ng baril sa binti ko ay agad ko na ring inayos ang sarili ko, sinuot ko na ang black leather jacket na hapit sa katawan ko na nagbibigay ng korte sa buo kong katawan at sinuot ko na din ang sapatos ko. Tamang tama dahil ilang minute lang ang lumipas narinig ko nang kumakatok si Sander sa pintuan ng kwarto ko.

“Sander.” bati ko agad sa kanya. Si Sander ang bagong body guard ko. Mas matanda lang siya sa akin ng konti dahil 18 years old na siya. Siya ang naging head bodyguard ko simula nung umpisa ng school year, nakakakwentuhan ko siya minsan pero madalas ay mailap talaga siya sa mga tinatanong ko. Mabait siya, tahimik, napakamisteryoso.

“Young lady, handa na po ba kayo? Tayo na po ang susunod na aalis, nakaalis na po kasi si young master.”

“Oo handa na ako.” tsaka niya kinuha yung bag na dala ko na ang tanging laman ay cellphone, wallet, at dalawang magasin ng bala, mahirap na baka may mangyaring masama e hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.

May sistema talaga kami sa pag-alis ng bahay. Order ni dad na dapat hindi kami sabay-sabay na aalis at hindi dapat kami magkakasama sa iisang sasakyan dahil mainit ang mata ng taga ibang organisasyon sa pamilya namin. Kaya ang maaari ay hiwa-hiwalay kami at may interval ang pag-alis. Sa aming magkakapatid, si kuya ang nauuna pa laging umalis, pagkatapos ng 30 minutes susunod yung bunso naming, at ako ang huling aalis. Dati nung buhay pa si mommy siya ang kahuli-huling umaalis ng bahay pero simula nung pinatay siya nung mga letseng galing sa ibang organisasyon, ako na ang huling umaalis dahil hindi naman pwedeng yung bunso dahil bata pa siya masyado kaya kailangan pagitnaan namin ni kuya. May kanya kanya rin kaming ruta na dinadaanan para mailigaw ang kung sino mang sumusunod sa amin at para hindi matunton ang teritoryo namin.

Habang naglalakad kami ni Sander papuntang parking lot, may napansin akong kahina-hinalang sasakyan sa may di kalayuan ng bahay. Hindi tanaw ang loob nitong bahay dahil sa sarado at mataas ang gate. Pero ang labas ng bahay kitang kita naming kahit nasa 400 meters pa lang ang layo ng paparating dahil may cctv na nakapalibot sa buong bahay hanggang sa 1 km radius nito. At dahil kahina-hinala nga ang sasakyang nakita ko sa cctv control na nadaanan ko ay napahinto ako at napaisip.

Nag-iisa lang ‘tong bahay namin sa lugar na ito at kung bisita, malamang dire-diretso ‘to hanggang makarating dito. Pero nakahinto ito at mukhang may inaabangang lumabas mula sa bahay namin. Doon na ako nagsimulang kabahan na baka galing ito sa kabilang organisasyon at tinitiktikan na naman kami.

“Sander, ipalabas mo yung isang kotse yun ang gagamitin ko sa likod ako dadaan. Bilisan mo.” mahinahon kong utos sa kanya.

“Pero young lady, ang utos po ni sir ay yung kotseng nakahanda ang gagamitin ninyo.”

“Susunod ka ba o hindi na kita papaabutin ng hapunan.” mahinahon ko pa ding sabi pero sa oras na ito ay binunot ko na ang baril ko at tinutok sa kanya. Wala naman akong balak na paputukin ‘to ngayon, pero mukhang kailangan kong gamitin ito panakot dito kay Sander para sumunod.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon