Chapter 21

19 2 1
                                    

“TANGINA! ANO NANGYARI? SINO MAY GAWA NIYAN?!!” sigaw ulit ni kuya sa aming dalawa ni Sander. Hindi ko masisi si kuya kung ganyan siya magreact dahil ngayon lang nangyari sa akin ‘to.

Inalalayan naman ako ni Sander papunta sa sofa tapos iniwan na muna niya kami ni kuya para kumuha ng maiinom. Oo nga pala, ni hindi pa nagagamot yung mga sugat ni Sander mula sa insidente kanina, masyado niya akong inalala kaya hindi na siya nakapagpatingin sa medics.

“Kuya, can you please call our family doctor? Hindi pa nagagamot yung mga sugat ni Sander, masyado siyang nag-alala sa akin.” mahinahon kong sabi kay kuya habang isinasandal ko ang ulo ko sa headrest ng sofa. Agad namang kinuha ni kuya yung cellphone niya at tumawag na sa family doctor namin.

Pagbalik ni Sander, ibinigay niya sa akin yung isang basong tubig na dala niya tsaka siya umupo sa sofa na katapat ng inuupuan namin ni kuya.

“Thank you.” Mahinang sabi ko sa kanya na alam ko namang narinig niya dahil sa ngiting isinagot niya dito.

“Okay doc, see you.” Narinig kong sabi ni kuya pagkatapos ay ibinaba na niya ang cellphone at masusing tinignan ang sugat namin ni Sander.

Huminga ng malalim si kuya tsaka nag-umpisang magsalita.

“Now, tell me. What happened?” seryoso niyang sabi at parang nag-aantay na may magexplain sa aming dalawa ni Sander.

I was about to tell something pero naunahan ako ni Sander magsalita, “May bumato ng salamin na malapit sa table namin sa ice cream parlor. We didn’t expect that to happen. Sa mismong tapat ni Candence nangyari at tingin ko siya ang target.” Pagpapaliwanag ni Sander kay kuya.

“I’m sorry to disappoint you for not protecting Cadence properly.” Muli niyang sabi habang nakayuko. WHAT WAS THAT? Ano yung sinasabi niya, he had been protecting me since the day he came here. Bakit niya sinasabing hindi niya ako pinoprotektahan ng maayos?

“No Sander, in fact, me and dad are so happy that you came here. Hindi biro ang naging desisyon mo na mapunta sa parteng ito ng mafia. Alam kong aksidente o sinadya ang nangyari pero hindi mo kasalanan iyon. You have been protecting my sister properly since you came.” Sagot naman ni kuya sa pahayag ni Sander.

“Wag kayo mag-alala, kumikilos na ang mga tauhan ng mafia. Alam kong makakakuha agad tayo ng report anumang oras pag natapos ng imbestigasyon.” Muling sabi ni Sander. Nagnod naman si kuya bilang tugon.

“O siya, maiwan ko muna kayo. Aakyat muna ako at may bisita pa ako mamaya. Angela, kaya mo magbake?” tanong sa akin ni kuya. Oo nga pala may bisita nga palang dadating mamaya.

“Sige, magpapahinga lang ako konti.”  Sagot ko sa kanya tsaka ako nagpunta sa kwarto para makapag hot bath, medyo mahapdi pa yung mga sugat ko pero gusto kong maligo at makapagrelax bago ako magbake. Ayokong ayoko kasi na nagbebake ako ng stressed yung katawan ko.

Pagkatapos ko maligo, nagdecide ako na mahiga muna sandali kaya pinlay ko muna yung music sa phone ko at pumikit habang nakikinig ng music.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon