Chapter 22

18 1 0
                                    

It’s the monthly meeting of the organization. Apparently ngayon na lang ulit ako nakaattend dahil naging busy ako sa school after ng Christmas get together. Dahil sa nangyari kanina, I decided to wear a pull over para hindi makita ang mga galos ko. Same with Sander, he’s in his white longsleeves and a coat.

“Transaction Report.” Tawag ng secretary ni daddy dun sa magrereport about the organizations transaction for the month. Agad namang tumayo ang isang lalaki na nasa mid 30s tsaka niya pinroject yung report niya.

Eto na ang huling report na kailangan ipresent para sa meeting na ‘to.

“Successful transaction happened last night with the manufacturer and the new arms are now ready for distribution.” Huling sabi nung nagreport. Nagaantay na lang siya ngayon ng sasabihin either ni dad or ni kuya.

“Make sure everything is delivered tomorrow night. Nakapagbayad na ang mga may kailangan ng mga iyon.” Kuya said. Nagnod naman yung tsaka siya bumalik sa upuan niya.

Yun din ang oras na tumayo si dad at pumunta sa kabisera, may sasabihing importante si dad pag ganyan.

“I know you all heard the news about what happened to Cadence and Sander a while ago?” pag-uumpisa ni daddy.

“I want everybody to be careful, hindi na natin alam kung sino ang totoong kalaban.” Dagdag pa ni daddy. Bigla naman pumasok at parang nagmamadali yung secretary niya.

“Sir! I received a call from the investigators, may resulta na daw sila.” Hinihingal na sabi nito. Nakita ko naman na parang naalarma si Sander sa kanyang pagkaka-upo pati na rin si kuya.

“Can I talk to them sir?” malumanay na tanong ni Sander. Nagnod naman si daddy kaya tumayo si Sander para lumabas para matawagan niya yung mga investigators.

Doon na din natapos ang meeting, kay kuya na ako sumabay dahil hindi daw ako masasabayan ni Sander pauwi dahil may pupuntahan pa siya.

Dumiretso na ako ng kwarto pagdating namin sa bahay para makapagpahinga. Andami na rin kasing nangyari sa araw na ito at gusto ko na lang muna matulog. Kahit na madami akong iniisip na medyo hindi tugma sa edad ko, mas nananatili pa rin sa isip ko na kahit ganito ang nakagisnan kong mundo, alam kong may dahilan. May dahilan ang lahat.

**********************************

8:30 am na ako nagising dahil sa sobrang sarap ng tulog ko. Gutom na ako! Yan ang unang pumasok sa isip ko pagmulat ng mata ko kaya agad na akong bumangon at nag-ayos ng sarili para makababa na. Panigurado namang nakaready na yung breakfast.

“Good morning!” masayang bati ko pag baba kahit na wala naman akong nakikitang tao sa loob ng bahay. Panigurado sila kuya nasa kwarto pa at busy naman ang mga maid na magready ng almusal.

Pagdating ko sa dining room namin, WAAAAAHHHH! TTEOKBOKKI!!! ANTAGAL KO HINDI NAKAKAIN NITO!!

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon