“OMG Cadence! Kinakabahan na ako.” bungad sa akin ni Mika pagkapasok ko ng classroom. Last day na kasi ng 3rd quarterly exam at simula nung 1st quarter laging last day ang exam sa Chemistry.
“Ano ka ba? Kaya mo yan, para saan pang nagconduct ako ng class review kahapon.” baling ko sa kanya habang kumakain ng hello panda.
“Eh kasi naman! Alam mo namang olats ako pagdating sa Chem, buti nga nakakapasa pa e.”
“WOW! Big word, Mika! Olats talaga? E tignan mo nga yung grade mo nung 1st and 2nd quarter sa Chem. Ang taas kaya.” totoo naman kasi, kahit hirap siya sa Chem pag discussion and seatworks, ang taas pa din naman ng grade niya. Kaya nga maintain pa din niya yung rank niya hanggang ngayon e.
Nakakapanibago dito sa classroom ngayon, kadalasan kasi ang ingay dito pagkapasok mo pero ngayon, parang may nagmimisa sa loob. Sobrang masinsinang pagtitig sa notebook at Chem book nila. Nakapagclass review kami kahapon dahil request nila na reviewhin ko sila, alam ko naman na gets na nila yung mga lessons kasi nakakasabay naman sila sa review namin kahapon pero siguro natatakot sila na bumagsak.
8:50 am na nung napatingin ako sa relo ko. 10 minutes na lang dadating na si Ms. Datu na dala-dala ang judgment paper namin para sa subject niya.
“Ms. Perfect! Wala ka bang advice sa amin?” pagsigaw ni Aaron, isa sa mga lokong barkada ni Steve. Ang pagsigaw niyang yun ang naging mitsa ng pagbaling ng tingin sa akin ng buong klase.
“Ano ba Aaron! Trip mo na naman ako ah! Uhm ano guys, basta alalahanin niyo lang yung mga inaral natin kahapon tsaka tiwala. Yun lang! Good Luck!” tapos nagsmile ako at nagpeace sign. Gumanti din sila ng ngiti sa akin at nagpasalamat dahil kung hindi daw nila ako kaklase malamang e bumagsak na silang lahat sa Chem.
Pagkatapos nun, bumalik na din sila sa pag-aaral at parang nakaranas ng lindol at bagyo ang mga mukha nung dumating si Ms. Datu, as usual naka poker face at nakakatakot ang mukha na kala mo nakakamatay yung exam niya.
Nung nakaayos na kami sa mga upuan naming dinistribute na yung exam papers, grabe lang ano ‘to? Parang kalahati na ata ‘to ng national achievement test sa kapal. 8 pages tapos yung first 4 pages lang yung may sulat, yung iba blanko, doon isusulat lahat ng solution at sagot sa lahat ng problem solving ni ma’am. Halos maiyak yung mga kaklase ko nung nahawakan nila yung papel. Parang anytime soon mukhang pwede silang magcollapse at isugod sa ospital.
Tahimik lang yung buong classroom namin habang nageexam na aakalain mong walang tao pag nasa labas. Ang tanging maririnig mo lang ay tunog ng nilalarong ballpen pag hindi na alam ang isasagot, pagbagsak ng mga lapis at pambura, at ang pagbuntong-hininga ng lahat. Kahit ako napapabuntong-hininga na, ang haba kasi masyado ng exam at ang sakit na ng batok ko sa pagsagot. Over 115 naman kasi yung exam, akala mo final exam na naming yung binigay niya.
*TIK. TOK. TIK. TOK. TIK. TOK.*
After 2 and a half hours…
“1 minute to finalize your answers.” biglang pagbasag ni ma’am sa katahimikan.
“MAAAA’AAAAAMMMM!!!” sabay sabay na apela ng mga kaklase ko. Siguro sila yung mga hindi pa tapos or nahihirapan.
Napatingin ako kay Mika na nakatingin din sakin at nag-approve sign, mukhang nadalian ang loka.
“1 and a half hour lang dapat ang exam niyo. Inabot na kayo ng 2 and a half hours. That’s enough, pass all your papers. Late papers will not be accepted.” at agad na namin ipinasa yung mga papel namin. Wala na din naman kami magagawa kasi pinapapasa na.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
AdventureCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...