Chapter 1

81 1 0
                                    

“Hay nako ka Dence, kelan mo ba malilimutan yang planner mo?” tanong ng bestfriend kong si Mikaela. Matagal na kaming magkakilala niyan, since grade 5 pa lang. Business partner kasi ng daddy ko ang daddy niya.

Sa tuwing magkikita kami dati nung nasa ibang school pa siya, yung planner ko lagi ang pinagdidiskitahan niya at ngayong magkasama na kami sa iisang school, yung planner ko pa din ang pinag-iinitan niya.

“Mika, alam mo namang mahalaga sakin ang planner ko, dito ko sinusulat lahat ng kailangang gawin at mga bagay na dapat matapos ko agad. Ayoko ng cramming di ba?”

Mahalaga kasi talaga sakin ang planner, weird man pero makalimutan ko na ang ibang bagay, wag lang ang planner ko. Sa planner ko lahat nakasulat ang mga kailangang tapusing gawain, homework, schedule of exams, projects, at kung anu-ano pa. 

“Yeah right, Miss Perfect! Paano ko makakalimutan eh, ikaw ang reyna ng pagiging organized! Pero, alam mo, laging sumasagi sa isip ko na sa sobrang busy mo, wala kang lovelife!” ayan na naman siya sa pagpasok ng issue ng pagiging miss perfect at lovelife.

“Ms. Inzerillo! Ms. Alcantara! What do you think you’re doing in my class? Nagdidiscuss ako dito sa harapan, hindi man lang kayo nakikinig dalawa!” pagsaway samin ni Ms. Datu. Chemistry kasi namin ngayon at ayan, sa kakadaldal ni Mika at pakikielam niya sa planner ko, napagalitan tuloy kami.

“We’re sorry ma’am. I’m just asking Cadence if she understands the lesson, medyo naguguluhan po kasi ako kaya plano ko pong magpaturo sa kanya after class. Naintindihan naman daw po niya.” paliwanag ni Mika kay ma’am. Buti na lang at hindi malakas pagkakasabi ni Mika dun sa huli niyang sentence kung hindi patay kami parehas at kung nagkataon na narinig yun ni ma’am, patay talaga kami. Sana lumusot yung sinabi ni Mika, sana talaga!

“Oh! I see. It seems like Ms. Inzerillo really understood the lesson. Would you mind continuing the discussion, Ms. Inzerillo? Mukha namang mas naiintindihan ka ni Ms. Alcantara kaysa sa akin.” medyo naiinis si ma’am.

Hindi na lang ako sumagot. Sinara ko yung notebook ko at nilagay yung ballpen sa bulsa ng skirt ko at tsaka ako huminga ng malalim at tumayo. Mukha namang nagulat si Ms. Datu sa ginawa ko kaya medyo napako yung tingin niya sa akin. Yung mga kaklase ko naman, hindi na nabigla. Tatlong taon na kasi kami magkakasama kaya alam nila na kung surprise reporting, recitation, o quiz man ang usapan, mahirap na sinusubukan ako. Bago lang si Ms. Datu, ngayong year lang siya nagturo sa Sheldon kaya hindi pa siya ganun ka familiar sa mga estudyante. Hindi din kasi ako palakibo sa klase niya, pero nagpaparticipate ako palagi. Ang weird nga nun ni ma’am kasi tatlong section lang naman ang 3rd year, 3rd quarter na hindi pa din niya kilala mga estudyante niya.

Naglakad na ako papunta sa harapan, huminga muna ako ng malalim tsaka ako nag-umpisang magsalita.

“As what Ms. Datu said a while ago, a chemical bond is an attraction between atoms that allows the formation of chemical substances that contain two or more atoms. The bond is caused by the electrostatic force of attraction between opposite charges, either between electrons and nuclei, or as the result of a dipole attraction. The strength of chemical bonds varies considerably; there are "strong bonds" such as covalent or ionic bonds and "weak bonds" such as dipole–dipole interactions, the London dispersion force and hydrogen bonding.” nag-umpisa na akong magdiscuss, kumuha pa ako ng whiteboard marker para maiillustrate ko sa mga kaklase ko yung sinasabi ko, alam ko kasing mas naiintindihan nila kung may illustration.

“Since opposite charges attract via a simple electromagnetic force, the negatively charged electrons that are orbiting the nucleus and the positively charged protons in the nucleus attract each other. An electron positioned between two nuclei will be attracted to both of them, and the nuclei will be attracted toward electrons in this position. This attraction constitutes the chemical bond. Due to the matter wave nature of electrons and their smaller mass, they must occupy a much larger amount of volume compared with the nuclei, and this volume occupied by the electrons keeps the atomic nuclei relatively far apart, as compared with the size of the nuclei themselves. This phenomenon limits the distance between nuclei and atoms in a bond.” pagpapatuloy ko. Nagbigay pa ako ng mga example para mas maintindihan ng lahat. Napatingin naman ako kay Ms. Datu na halata kong gulat ang expression ng mukha. Hindi niya siguro inakala na maieexplain ko yung topic na dinidiscuss niya kanina.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon