Chapter 23

17 1 0
                                    

Last week na ng February at busy na halos ang lahat lalo na ang mga honors dahil sa clearance completion, una kasing nag-eexam ang honors kaya kailangan matapos na namin ang clearance within this week. Kaya naman puspusan na kaming walo dito sa HL sa pagcompile ng lahat ng quizzes, exams, seatworks at kung anu-ano pang pwedeng hanapin sa amin ng mga teachers namin.

“Guys, labas tayo after exams?” suggest ni Rica sa amin. Halos lahat kasi kami tapos na sa clearance, yung mga boys na lang ang hindi at nagkukumahog sa pagpapapirma.

“G ako diyan! Ikaw bes?” pag sang-ayon naman ni Mika. Sa tatlong taon na nakasama ko sila, lagi kaming lumalabas tuwing pagkatapos ng finals exam para magbonding tsaka makapag-relax kaya nung lumipat si Mika dito sa school last year nagulat siya na ganun ko din kaclose yung mga honors.

“Swimming na lang tayo sa bahay tapos movie marathon.” Suggest ko naman sa kanila. Simula kasi nung aksidenteng nangyari sa mall nung nakaraan, mas lalong hindi ako pwedeng umalis ng bahay ng hindi ko kasama si Sander.

“Yay! Gusto ko yan!!! Tapos pagbake mo kami bes!!” sigaw naman ni Mika na excited na. Ngayon lang din kasi ako nag-aya sa bahay, usually kasi hindi ako nagpapapunta sa bahay, sinabi lang ni daddy na sa bahay na lang dahil alam niya yung routine naming honors after exam.

“Oh ano? Kila Cadence na lang!! Minsan lang mag-aya si Cadence oh?” sigaw naman ni RJ.

Agad naman silang nag-agree dahil nga minsan lang ako mag-aya sa bahay. After lunch pinag-usapan na namin kung kelan sila pupunta sa bahay. Napagdesisyunan naming lahat na mag-overnight sila sa bahay para todong bonding tapos pupunta na agad sila sa bahay after ng exam.

“Oh final na yan ah!! Walang KJ!” sabi ni Mika.

Pagkatapos namin mag-usap, nagligpit na kami ng mga kalat naming papel at mga libro sa HL dahil malapit na rin mag-uwian. Next week na ang exam naming mga honors kaya kailangan pagka-uwi ay maayos ko na yung reviewers ko para makapagreview na.

**************************

“Manang Linda, pwede po ba pakihanda yung guest room para sa next Friday, mag overnight po kasi dito yung ibang honors.” Pakisuyo ko kay Manang Linda, gusto ko sana ako ang mag-aayos kaso exam week ko nga, paniguradong magkukulong lang ako sa kwarto ko para mag-aral.

“Sige po young lady, wala pong problema.” Sagot naman ni Manang Linda sa akin. Tatalikod na sana ako pero naalala kong itatanong ko pala kay Manang kung bakit hindi si Sander ang sumundo sa akin ngayon.

“Ay Manang, umalis po ba si Sander? Hindi kasi siya yung sumundo sa akin e.” tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na parang nag-aalangan sabihin sakin ni Manang kung nasaan si Sander.

“Young lady hindi po umalis si Sander, ni hindi nga po siya lumalabas ng kwarto maghapon.” Sagot naman niya.

“Manang, matagal ka na po dito sa amin, alam ko na po pag may nililihim ka sa akin.” Sabi ko naman kay Manang. Sa tinagal tagal kasi na dito sa amin nagtrabaho si Manang, alam ko na kung meron siyang hindi sinasabi sa akin.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon