Chapter 5
Kinahabahan ako habang naglalakad sa hallway papuntang office ni Ms. Dela Vega, hindi ko alam kung pakiramdam ko may mangyayaring masama ngayong araw o dahil lang sa munting laruan na nakasabit sa isang binti ko. Pero may masamang kutob talaga ako, mukhang hindi magiging maganda ‘tong araw na ‘to para sa akin.
7:00 am pa lang naman kaya medyo kaunti pa lang yung mga estudyante, mamaya pa dadagsa ang mga iyon para pumasok. Sinadya ko lang naman talagang pumasok ng maaga para mapapirmahan ko na ‘tong approval letter para sa mga plano para sa interschool competition.
Ui, nakita mo ba yung sumundo kay Cadence kahapon?
Oo, ang gwapo nga e. Boyfriend niya siguro.
May boyfriend na pala yun no, hindi halata. Well, bagay naman sila, isang maganda at isang gwapo.
Rinig ko nung dumaan ako sa isang grupo ng mga babae na maaga ring pumasok. Mga seniors ‘tong mga ‘to kasi pag Thursday may assembly ang mga 4th year para sa CAT. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinag-uusapan nila ako at sino yung tinutukoy nilang boyfriend ko daw? Si Sander?
Hindi siguro nila ako napansin na dumaan sa harapan nila dahil nagkukumpulan sila at sobrang busy sa pagcecellphone habang pinag-uusapan ako. Hindi ko na lang din sila pinansin at nagdire-diretso papunta sa office ni Ms. Dela Vega.
*TOK. TOK.*
Katok ko bago pa man ako pumasok ng principal’s office, nakita naman agad ako ni Ms. Dela Vega at sinenyasan na pumasok.
“Good morning Ms. Dela Vega! Pinapatawag niyo daw po ako.” sambit ko ng makapasok ako sa office niya.
“Good morning Cadence! I didn’t expect na ganito ka kaaga pupunta dito sa office ko. Well, take a seat and gusto ko lang naman na kamustahin ang pag-oorganize ninyo ng interschool competition.” nakangiting sabi ni Ms. Dela Vega kaya gumanti muna ako ng ngiti bago sumagot.
“Ma’am, actually sinadya ko po talagang maaga pumasok para ipakita po sa inyo ‘tong preliminary plan ng buong third year. Summary po yan ng mga preliminary plan na pinasa nila sakin per committee, andito na din po yung approval letter na pipirmahan niyo po, and yung mga excuse letter naman po si Andrei po yung gumagawa, idadaan ko na lang po ulit dito sa office niyo mamaya.” tapos inabot ko na yung envelope na puro sa interschool competition ang lamang files. Sana maapprove na din ‘to ni Ms. Dela Vega para makapagsimula na yung mga committee na magtrabaho.
Masusing tinignan ni Ms. Dela Vega yung mga proposal at tsaka ngumiti. “I’m so happy with the performance of the whole third year community Ms. Inzerillo, you’re a very good leader.” sabi niya tsaka kumuha ng ballpen para pirmahan yung mga dapat niyang pirmahan pati na rin yung approval letter ko. WOW. AS IN WOW. Ambilis, pirmado agad yung mga proposal namin.
“Here. Keep up the good work, Ms. Inzerillo.” nakangiting inabot sa akin ni Ms. Dela Vega yung mga papel.
“Thank you ma’am! Una na po ako, malapit na din po kasi magtime.”
“Alright. Thank you Ms. Inzerillo.”
Paglabas ko ng principal’s office medyo madami ng estudyante, 10 minutes na lang kasi mag-uumpisa na yung mga klase. Nagpagdesisyunan ko munang dumaan sa HL para ilapag yung mga gamit ko na mamayang hapon ko pa naman gagamitin, sigurado namang babalik ako dahil dito kami maglalunch kasama ng mga honor dahil may meeting din kami para sa interschool competition.
Saglit lang ako sa HL dahil bilang president ng 3A, kailangan kong magsulat ng reminders sa board at kailangan ko ring mapirmahan yung attendance sheet na inihahanda ng secretary naming bago pa magsimula ang klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/11799389-288-k366393.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Vows
مغامرةCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...