Chapter 9

64 1 0
                                    

Everything is going according to the plan of the organizers. Nangangalahati na ang program at mukhang wala namang problema at lahat ay nasisiyahan sa tradisyunal na Christmas Get Together na ito.

Pinaumpisahan ito ni mommy ilang taon na ang nakaraan para naman daw mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng mafia na makapagsama-sama kahit isang beses lang sa isang taon. Ito ang araw kung saan lahat ng miyembro mula sa iba’t ibang parte ng bansa ay nagkikita kita at nagsasaya. Normal na Christmas party lang din ito, yun nga lang mas ginawang bongga at pormal. Taon taon ay may ibang tema at ngayong taon nga ay masquerade ang theme namin.

Lahat ay nagkukubli sa naggagandahang mascara kaya hindi mo alam kung sino ang nakakasalamuha mo unless kilala mo ang boses. Wala ding nakakaalam kung saan nakapwesto ang pamilya ng pinuno para na din sa seguridad namin pero mukha namang matatapos ang gabi ng maayos dahil guwardiyado ang buong lugar.

“Angela, nakita mo na ba si Sander?” baling sa akin ni kuya na katabi ko habang kumakain.

“Hindi pa kuya, bakit?” dahil may pagka-curious akong babae e tinanong ko kung bakit niya hinahanap si Sander. Oo nga, bakit hindi ko pa nakikita yun e ang alam ko dapat kasama siya dito sa table namin kasi tinuturing na rin siyang anak ni daddy.

“Ah ganon ba? Wala kala ko kasabay mo siya kanina nung dumating ka.” sagot naman ni kuya na hindi ko alam kasi ang random random nung sinabi niya.

Hindi na ako sumagot ulit at pinagpatuloy ko na lang pagkain ko. Infairness ah ang sarap ng pagkain. Nagpalit kasi ng caterer kaya hindi ko ineexpect na ganito kasarap yung mga iseserve na food.

After ng dinner, bumalik na yung emcee sa stage at nagstart na ulit yung program at exchange gift na. Ang aga ngayon ng exchange gift, usually kasi bago matapos yung program ginagawa ang exchange gift. Baka may pinabago si daddy. So ayun, exchange gift na nga at nasorpresa ako sa nakabunot sakin, walang iba kundi si Mikaela, hahaha hampaslupang babae yun iniwan na daw niya sa bahay yung regalo ko habang yung nabunot ko naman ay si Veronica na isang assassin ng mafia from the south. Wala akong idea tungkol kay Veronica dahil hindi naman lahat ng nasa mafia nakakasalamuha ko kaya necklace na lang ang binili ko para sa kanya.

After ng masayang exchange gift ay nagsalita na ulit yung emcee. “I think you are all wondering why we had the exchange gift already. Well, for me not to prolong the agony, may I call on Mr. Romualdez Inzerillo for an important announcement. Let’s give him a warm round of applause.” Nagpalakpakan na ang mga tao at tumayo na si daddy mula sa upuan niya para pumunta sa stage. Ano kayang sasabihin ni daddy. Hmmm.

“Good evening. Sana nageenjoy kayo sa pagdiriwang na ito. Natutuwa ako kasi nakapunta ang lahat at sabi nga ng host natin ngayong gabi, marahil ay nagtataka kayo kung bakit isinagawa na natin ang exchange gift at hindi sa huling parte ng programa.” Diretsong sabi ni daddy na mukhang excited. Nahihiwagaan na talaga ako. Ito siguro yung pinag-usapan nung may sakit ako. Sa sobrang curious ko kinalabit ko si kuya pero ang loko kong kapatid nginitian lang ako. What was that? Wala talaga ako makukuhang sagot? Grrr.

“Bilang napagkasunduan sa natapos na pulong noong isang araw, gusto kong ipakilala sa inyo ang mga bagong talang miyembro na kasama ng mamahala ng organisasyong ito. Ang mga taong ito ay pinili ng lupon hindi dahil sa kamag-anak o malapit na kaibigan, pinili sila dahil sa kanilang angking tapang at lakas ng loob na pinapamalamas sa kabila ng kumplikadong buhay ng pagiging isang parte Inzerillo Mafia.” Nakarinig ako ng ilang bulungan mula sa likod na bahagi noong natapos ni daddy ang sentence na yun. Grabe, tagalog na tagalog talaga magsalita si daddy.

So ayun, may mga bagong pinuno na pala. Pero ang alam ko hindi magpapalit ng pinuno hanggat hindi nawawala ang nakaupong pinuno ah? Ang gulo naman, maintindihan ko siguro ‘to pag inexplain sakin ng maayos. Papaexplain ko na nga lang kay Sander mamaya, baka sakaling may alam siya tungkol dito.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon