“Ate please, what’s my gift?” kanina pa ako kinukulit ni TJ para sabihin ko sa kanya kung ano yung regalo niya. Nakita na niya kasi na naglagay ako ng gifts sa ilalim ng Christmas tree.
It’s already December 24, noche Buena na mamaya at simula nung get together, hindi pa ako lumalabas ulit ng bahay. Nasa kwarto lang ako lagi, nagbabasa, nagsusulat, nag-aayos ng mga kailangan gamitin para sa interschool competition, natutulog. Paminsan minsan, tumutulong ako kila manang sa pag-aayos ng bahay pero tinataboy nila ako at ayaw nilang magpatulong. Kaya ayun, niyayaya ako ni Mika magmall nung isang araw pero tinatamad talaga ako lumabas ng bahay.
“TJ, gift giving na naman mamaya. Surprise na ni ate yung gift ko sa inyo okay?” paliwanag ko naman dito sa makulit kong kapatid.
“Ow-kayyy.” Cute na pagkakasabi niya sabay upo sa sofa. Ilang segundo ang lumipas, bigla namang nagliwanag ang mukha niya, halatang may binabalak ‘tong batang ‘to.
“Ate, let’s play Xbox! Tayong tatlo ni kuya Sander!” masiglang sabi ni TJ habang nagtatatalon paakyat sa kwarto niya. Nasa mall kasi si kuya ngayon kaya ako ang napagdiskitahan niya. “Ate, call kuya Sander!” sigaw pa niya bago tuluyang pumasok sa kwarto.
Nasaan kaya yun si Sander? Kahapon ko pa siya hindi nakikita ah. Kung wala naman yun dito sa bahay, sigurado akong magpapaalam yun sa’kin bago umalis. At dahil mabait akong ate, itatanong ko kila manang kung nasaan si Sander.
“Manang Linda, si Sander po?” tanong ko kay manang habang nagluluto siya ng ulam para mamaya.
“Young lady, nasa kwarto po niya.” Maikli namang sagot ni manang kaya gamit yung intercom sa kitchen ay tinawagan ko siya sa kwarto niya.
Hello?
“Sander, TJ wants to play Xbox. Wala si kuya, kaya tayo na lang daw tatlo maglaro. Okay lang ba?”
Okay lang. 5 minutes.
“Okay, thanks.” at tsaka ko na binaba yung intercom. Saka umalis ng kusina para pumunta sa kwarto ni TJ.
Pagdating ko sa kwarto ni TJ, nakaready na yung xbox at nakabukas na din yung tv. Grabe tong batang ‘to ang bilis talaga kumilos pagdating sa paglalaro. Kaya naman umupo na ako sa kama niya at hinawakan yung isang controller, medyo matagal na din kasi akong hindi nakakapaglaro nito.
“Ate, what do you want to play?” tanong sakin ni TJ habang pinapakita ang mga balang hawak niya.
Hmm. Ano nga ba ang gusto kong laruin??? Aha ayun, tekken!
“Tekken.” Maikli kong sagot sa kanya. Dati madalas kaming maglaro nito nila kuya. Kaya dahil ngayon na lang ulit ako maglalaro, yun ang gusto kong laruin.
“Ate, eh for two players lang yan e.” pagmamaktol ni TJ habang nagkakamot pa ng ulo. Hehehe ang cute talaga nitong kapatid ko.
“Ako muna, tapos pagdating ni Sander kayo na maglaro.” At nagpacute pa ako sa kapatid kong ‘to. At dahil ate ako, wala na siyang magagawa. Hahahaha.
So habang naglalaro ako, ayun si TJ nag-iisip kung anong lalaruin nila ni Sander. May sampung minuto na din akong naglalaro, bakit kaya wala pa si Sander. Siguro may tinatapos siyang report sa school nung tumawag akopero bakasyon ngayon ah, siguro ayaw lang niya ng cramming kaya ginagawa niya. Busy ako sa paglalaro ng may kumatok sa pintuan.
*tok tok tok*
Agad namang tumayo si TJ sa kanyang pagkakahiga at tumakbo para buksan ang pinto. Ako? Eto nakasalampak sa sahig at busy pa din sa paglalaro. Eto ang bagay na hindi alam ng maraming tao lalo na sa school, may pagka-isip bata ako lalo na pag ang kasama ko yung mga kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Blood Vows
ПриключенияCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...