Chapter 8

37 1 0
                                    

“WAAHH! Cadence, thank you dito.” bungad agad sakin ni Mika pagkabukas niya nung regalo ko sa kanya. Binilhan ko kasi siya nung isang set ng Divergent series dahil alam kong gustong gusto na niya basahin yun, meron naman ako kaso hindi ko talaga pinapahiram sa iba dahil sobrang adik ko dun sa series na yun.

“Welcome! Alam ko naman na gustong gusto mo basahin yan at para hindi na ako makulili sa pangungulit mo kakahiram nung libro ko. Nga pala, thank you din dito. Alam mo talaga kung ano gusto ko.” sabi ko sa kanya nung nakita ko yung laman ng regalo niya sa akin, alam na alam niya talaga na mahilig ako sa sapatos kaya ayan, heels ang regalo niya sa akin.

Andito kami ngayon ni Mika sa kwarto ko, napagtripan lang niya na sumama dito sa bahay after ng Christmas party at dito na din siya manggagaling para mamaya sa Christmas get together namin, ipapadala na lang daw niya yung mga gagamitin niya para mamaya.

Mamaya pang 8pm yung get together at mag 1:30 pa lang ng hapon, mahaba pa ang oras at sigurado naman akong mamaya dadating si tita Minerva para ayusan kaming dalawa ni Mika. Hay, dati rati si mommy yung nag-aayos sakin pag may special occasion na gaya nito, pero ngayon wala na, yung mommy na lang ni Mika o kaya sa salon na lang ako nagpapa-ayos. Pero anyway, maaga pa nga kaya matutulog muna ako kasi inaantok ako. Remember kung anong oras pa lang gising na ako? Kaya ayan, tinatawag na ako ng kumot at unan ko.

“Mika, jan ka lang talaga? Inaantok ako, matutulog muna ako ha.” baling ko sa kanya na nakaupo sa sofa at inuumpisahan ng basahin yung librong binigay ko.

“Oo naman Dence, sige matulog ka na. Magbabasa lang ako dito.” sagot niya sa akin ng hindi lumilingon.

Nagdiretso na ako sa kama at tska ko tinakpan ng unan yung mata ko para makamtan ang tulog na inaasam ng katawan ko.

          Hindi ko alam kung gaano na ako katagal natutulog pero nagising na lang ako sa saliw ng isang napakagandang tugtog na bumabalot sa lugar. Engrandeng pagtitipon itong nagaganap na ito at kung hindi ako nagkakamali, pagtitipon ito ng buong Inzerillo Mafia.

          Suot suot ang magarbong gown at mascara ay naglakad lakad ako sa pagdarausan ng pagtitipon para hanapin ang ilang pamilyar na mukha kabilang na ang pamilya ko, at si Mika. Pero bigo akong makita sila, marahil ay hindi pa sila nakakarating dito o baka naman may kausap lang.

          Habang naglalakad ako papunta sa lamesang nasa unahan na siya namin pwesto bilang pinuno ng mafia ay may nahagip akong isang lalaking pamilyar ang mukha pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita, hindi ko lubos makita ang buong mukha niya dahil nagkukubli ito sa loob ng isang mascara pero isa lang ang sigurado ako, minamanmanan niya ang bawat kilos ko.

          Hindi ko na lang pinansin kung ano man o sino man ang nakita ko at dumiretso na ako sa upuan ko at pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong pinakiramdaman ang bagay na nakasukbit sa binti ko para masiguro na agad ko itong makukuha kung kakailanganin man. Masama talaga ang kutob ko sa lalaking ‘yon.

Naging ayos din naman ang takbo ng pagtitipon, mayroong programa, ilang nagsalita, at kung anu-ano pa. Para itong Christmas party pero mas pormal ang mga nangyayari. Pagkatapos magsalita ni sir ay tumayo muna ako para kumuha ng maiinom, pero parang iba... nag-iba ang ihip ng hangin at dinala ako ng mga paa ko sa may gilid ng pinagdadausan ng pagtitipon namin.

At tama nga ang hinala ko, hindi pa man ako nakakalapit ng husto ay nakita ko na yung lalaki kanina na may hawak na baril at mas lalong ikinagulat ko kung kanino ito nakatutok. Nakatutok ito sa bunso kong kapatid habang ang kapatid ko ay may baril din na nakatutok sa estrangherong nasa harap niya.

“Alam kong hindi mo maipuputok yan bata.” sabi ng estranghero at pagkatapos ay tumawa pa.

“Porket bata ako, yun na a-ang iniisip mo sa a-akin?” nauutal-utal na sabi ni TJ sa estranghero. Hindi pwede ito, bata pa ang kapatid ko at alam kong kung hindi pa ako handa ay mas lalong hindi pa handa sa TJ sa ganitong estado ng buhay.

Sa pagkakataong ito, hindi ako pwede basta na lang sumugod. Hindi ko alam kung may mga kasama ba siya o wala kaya nagpasya ako na hindi muna magpakita sa kanila at tsaka ko tinawagan si Sander para papwestuhin ang mga body guard sa paligid ng lugar na iyon, sinabi ko na din kay Sander na sabihin ito kay sir. Agad naman niya akong sinunod at tinawagan ako para sabihing nakahanda na ang lahat. Doon na ako lumabas na hawak ang baril na nakatutok sa ulo ng estranghero at tsaka nagsalita.

“Masyado na ba kayong desperado na pati bata pinapatulan niyo.” mariin kong sabi sa estranghero kaya ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin at baril.

“Hindi ba’t ipinarating na namin sa inyo na hindi kami titigil hanggat hindi naming kayo napapabagsak?” sagot ng estranghero. Umiikot ang mata ko sa paligid habang nagsasalita siya para makahanap ng pagkakataon na madakip siya ng mga bodyguard.

“Kaya iniisa-isa niyo ang pamilya ng pinuno para mapabagsak ang Inzerillo!” napasigaw na ako dahil alam kong sila din ang pumatay kay mommy. Nagagalit na ako, gusto kong maghiganti para kay mommy kaya lang hindi pa ito ang tamang panahon.

Sa pagkakataong iyon, tinanggal ko na ang mascara ko para makita ng estranghero kung sino ba ang kausap niya pero isa lang iyon sa plano bilang senyales sa ibang nagtatago na lumabas na sila. At nagtagumpay nga kami sa planong iyon, at tila nabigla ang estranghero ng makita na napapaligiran siya ng miyembro ng mafia.

“Kung sa tingin mo matalino ka na, pasensya na pero mas matalino ako sayo.” sabi ko sa kanya habang mukha pa din siyang kinakabahan. Laking gulat ko na lang ng bigla siyang tumawa, tawang malakas at mala demonyong tawa.

“Yun ang inaakala niyo. BWAHAHAHAHA”

*BANG. BANG. BANG.*

Kasabay ng malakas na pagtawa ng estranghero ay tatlong malakas na putok ng baril, naalarma naman ang mga kasamahan ni Sander at pinalibutan pa lalo ang estranghero na hawak na nila ng mahigpit sa kamay habang si Sander ay pinoprotektahan ako.

Pero parang nawala na ako sa wisyo ng makita ko ang kapatid kong bumagsak at naliligo na sa sariling dugo.

“TTTTTJJJJJJJJJJJJ!!!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kapatid kong nakahandusay na sa sahig ngunit may malay pa.

“TTTTTJJJJJJJJJJ!!!”

“Cadence! Cadence! Gumising ka nananaginip ka!” sigaw ni Mika habang niyuyugyog at sinasampal sampal ako.

“Mi-mika, ang sama ng panaginip ko.” sabi ko habang umiiyak at hinihingal.

“Sssshh. Inom ka muna ng tubig, bago ka magkwento.” tsaka niya ako inabutan ng tubig, pagkatapos ko uminom ay nag-umpisa na akong magkwento.

Kinwento ko ng buo kay Mika yung panaginip ko. Grabe, sobrang panaginip naman nun. Parang hindi ko yata mapapatawad yung sarili ko pag nangyari pa ulit na mawalan kami ng isang miyembro ng pamilya.

“Wag kang mag-alala Dence, hindi mangyayari yun. Ikaw ang mas nakakakilala at nakakaalam na hindi hahayaan ng buong mafia ang may masaktan na miyembro lalo na sa pamilya ng pinuno. Inzerillo ka Dence, malabong mangyari yun, alam ko lalo na at mas mailap na ang mafia matapos nilang patayin si ninang.” pagpapatahan sa akin ni Mika.

“Pero Mika, nagawa nga nila dati, possible din na magawa nila ngayon.” hindi ko naman minamaliit ang kakayahan ng mafia na protektahan ang bawat isa sa amin, pero kasi diba, kung nagawa nga nilang patayin ang pinakamahalagang babae sa buhay ng pinuno ng mafia, possible din nilang ulitin ito.

“Oo alam kong possible, kaya nga gagawin natin ang lahat para mapigilan mangyari at magtiwala sa kayang gawin ng mafia.” sagot ni Mika, pero may point siya, kailangan naming magtiwala sa kayang gawin ng bawat isang miyembro ng mafia para maprotektahan ang isa’t isa.

Tiwala lang.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon