December 31 na. Ilang oras na lang magpapalit na ng taon. Habang abala ang lahat sa paghahanda para mamayang gabi, ako naman andito sa kwarto ko at nagsusulat para sa aking secret diary. Bukod kasi sa planner ko ay mayroon pa akong secret diary kung saan nagkukwento ako palagi pag patapos na ang buwan. Pagtingin ko naman sa orasan, quarter to 2 pa lang naman, mahaba pa ang oras. Wala na rin naman ako gagawin dahil tapos na ako magbake ng cake para mamaya.
*TOK. TOK. TOK.*
“Pasok.” At narinig kong bumukas yung pintuan ko.
“Cadence…” tawag sa akin ni Sander. Kaya naman sinave ko muna yung ginagawa ko at sinara yung laptop tsaka ko siya hinarap.
“Oh bakit? Upo ka.” Tinuro ko naman sa kanya yung sofa, tapos ako umupo sa kama pero nakaharap sa kanya.
“Uhm. Ipangako mo muna sa akin na mag-iingat ka palagi at hindi mo papabayaan sarili mo.” Pasimulang sentence niya. Ano bang sinasabi niya, hindi ko siya maintindihan. Nakita ko naman na parang naiilang siya dahil hindi siya makatingin sa akin.
“Ano ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Basta ipangako mo muna. Kasi kung hindi, hindi na lang ako tutuloy.”
“Oo na pangako. Pero ano ba kasi yun?” tanong ko ulit sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin ng diretso, at bakit naman hindi siya tutuloy kung hindi ako mangangako na mag-iingat ako? ANG GULO PO!
“May pinapaasikaso si papa sa akin sa States.” diretso niyang sinabi sa akin. Natulala na lang ako sa sinabi niya pero agad din naman akong nakabawi, pero ang pinagtataka ko lang, bakit nagpapaalam siya sakin e dapat kay daddy siya nagpapaalam.
“Bakit mo sinasabi sa akin? Di ba dapat kay daddy ka nagpapaalam?” okay, naisatinig ko lang naman yung nasa isip ko. Nakita ko naman ang reaksyon niya na mukhang nagulat dun sa binitiwan kong mga salita, kahit naman ako nagulat ako sa nasabi ko.
“Unang kinausap ni papa si sir tungkol dito. Ayaw ko pumayag nung una kasi walang magbabantay sayo, alam ng kuya mo dahil andun siya nung kinausap ako ni sir, pero kailangan ko daw talaga asikasuhin yung problema ng ospital dun, sinabi ko si papa na lang pero hindi siya pwede kasi hindi maiwan yung iba dito. Napapayag na lang ako nung sinabi ng kuya mo na hindi ka papabayaan at may magbabantay sayo pag-alis ko.” Paliwanag naman niya sa akin, ganon na ba ako kaimportante sa kanya na hindi niya ako maiwan ng dahil lang sa business trip. Natutuwa ako kasi iniisip niya pa rin ako kahit kailangan niyang umalis, pero nalulungkot ako ngayon kasi syempre nasanay na ako na si Sander ang palagi kong kasama bukod kay Mika.
“Wag ka mag-alala, mag-iingat ako. Gaano ka ba katagal mawawala? Kelan alis mo?” malungkot kong tanong sa kanya. Sino ba naman kasing hindi malulungkot, buong buhay ko body guard ang lagi kong kasama, at siya lang yung naglakas ng loob para kaibiganin ako at hindi ko din maipagkakaila na mas lalo kaming nagkasundo nung ginawa siya reaper ni daddy.
“Isang dahilan kung bakit ayaw ko umalis, tignan mo yang mukha mo. Ganyang ganyan ka nung una akong dumating dito, ang lungkot lungkot mo nun, lagi ka nasa kwarto. Kaya sabi ko sa sarili ko, pinagkatiwalaan ako ni sir para protektahan ka, kaya ang gagawin ko hindi lang kita poprotektahan, susubukan ko ring ibalik yung dating ikaw. Hindi ka naman daw kasi ganon katahimik dati.” Baling niya sa akin, this time nakatingin na siya ng diretso sa akin at ako naman ang hindi makatingin sa kanya kaya yumuko na lang ako.
BINABASA MO ANG
Blood Vows
ПриключенияCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...