Chapter 29

9 1 0
                                    

Dalawang buwan na simula nung naging kami ni Sander. Wala naman masyadong nagbago dahil pinag-usapan namin na kahit kami na, we will maintain the relationship we had before. Ni hindi nga uso sa amin ang magcelebrate ng monthsary, ewan ko ba kung weird couple kami o sadyang hindi lang namin trip yung mga ganon.

The day after ng birthday ni Sander, nagpunta kami sa puntod ni mommy at ng mommy niya. Pinakilala namin ang isa't isa sa kanila at nagcelebrate pa kami ng kaunti sa mall ng birthday niya dahil hindi naman daw niya ako nasolo nung party dahil madaming bisita.

"We're here!" sabi niya pagkapark namin sa parking lot ng Sheldon. Minsan ako yung pinagdadrive niya pero madalas siya pa din dahil hindi daw maganda na ako yung nasa driver's side e kasama ko naman daw siya kaya hindi na ako nakikipagtalo dahil tinatamad din ako magdrive minsan.

"I'll see you later?" tanong ko naman sa kanya. Alam ko kasi na busy siya sa school dahil mag eexam na sila at ayoko naman siya abalahin pang sunduin ako mamayang uwian.

"Of course. What made you think na hindi kita susunduin ha, Angela." Sagot naman niya in a very pacute/macho voice.

"I just thought that you're busy preparing for your exams." Simpleng sagot ko habang nagsusuklay dahil hindi pa pala ako nakakapagsuklay gawa ng late ako nagising kanina.

"I can always do that at home." Sabi niya ulit. Natawa naman ako kasi nag pacute siya, para kasing bata na hindi mo malaman kung natatae o ewan. "Sige na, I have to go. Baka matraffic ako." Sabi niya ulit habang inaabot sa akin ang isang paper bag. Nako nagluto na naman 'to kanina ng baon para sakin.

"Okay, drive safely." Simpleng sabi ko tapos ay binuksan na niya yung pinto niya para umikot at buksan yung pintuan sa side ko. As usual may mga mata na namang nakaabang sa kanya pero sorry na lang sila dahil ako ang mahal. Hahaha.

"Be safe." Sabi niya sa akin pagkababa ko ng sasakyan. Palagi niyang sinasabi sa akin yan kaya alam niya din na ngiti lang ang isasagot ko sa kanya at alam na niya na mag-iingat ako habang hindi ko siya kasama. "I love you!" pahabol niya.

"I love you too. Take care!" sabi ko at tuluyan na akong naglakad papuntang entrance ng building. Dinaanan pa niya ako at binusinahan bago siya tuluyang lumabas ng campus.

Sabi nila ang swerte daw sakin ni Sander, pero para sakin ako at ang swerte sa kanya dahil kahit super busy siya, palagi pa din siyang andyan para sa akin. In fact, nung nagenroll nga ako sa Southville talagang sinamahan niya pa ako kahit na wala siyang pasok that time.

"BESSSS!!!" Ay kabayo, may bigla na namang nagsusumigaw sa may entrance ng building at nagtutumakbo palapit sakin.

"Mikaela, pwede ba huminahon ka. Bakit ba nagmamadali ka?" hinihingal na huminto si Mika sa harapan ko at tsaka naghabol ng hininga. Hinayaan ko na muna siyang makarecover mula sa pagkakatakbo at pagkakasigaw kanina.

"Be---s. Ka-si." Ano ba meron dito sa babaeng ito at bakit hindi niya maituloy yung sasabihin niya sa akin. Medyo kinakabahan na tuloy ako sa sasabihin niya, baka kung ano na yun.

"Ano ba kasi yun bes? Spill it." Mahinahon ko pa ding sabi sa kanya dahil ayokong ipahalata na kinakabahan na ako.

"Bes kasi, nako malalagot ako kay Aaron nito e. Uhmm bes kasi---." Putol na naman niya sa sinasabi niya.

"ANO NGA!!!" napagtaasan ko na siya ng boses, bakit ba kasi hindi niya maituloy yung sinasabi niya. ANO BA YUN!!!

"Bes kasi si Sander naaksidente!" diretso niya sabi sa akin habang nakapikit pa. ANO SI SANDER NAAKSIDENTE? PAANO?

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon