Chapter 9

138 6 0
                                    

 ----Back to the present-----

Umisog ako sa pinakadulong parte ng kama. Ayaw kong lumapit kay Mr. Shein dahil nakakailang. Pakiramdam ko kasi ay kitang kita niya 'ko kahit na sobrang dilim sa kwarto niya.

"You're not asleep yet. How's your day?" rinig kong tanong niya. Humarap ako sa kisame habang hawak ang kumot. Wala naman akong ginawa buong araw kun'di ang maglinis ng bahay niya.

"Naglinis lang ako kasama si Harold. Speaking of, nawala nalang siya bigla kanina. Saan siya umuuwi?" nagtataka kong tanong sa asawa ko.

Narinig ko ang tikhim niya. "Hindi ko alam." Tipid na sagot nito. Ganoon ba? Nakalimutan ko kasing itanong kanina. Hindi nalang ako nagsalita.

Biglang tumahimik sa pagitan namin. Naging awkward ang pagitan namin dalawa. Pinapakiramdaman ko siya. Hindi talaga ako sanay matulog ng may kasama sa kama. Ayos lang sana kung si inay o si bunso o kahit man lang si Shiela pero this time, it's totally different.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Sabi ni Mr. Shein kaya napaharap ako sa kaniya. Patagilid akong humiga sa kama kung saan ay kitang kita ko ang dalawang pares ng mata niya na nasa akin nakatutok. Ngumuso ako. "Ang daya, pakiramdam ko ay kitang kita mo 'ko." Sabi ko sa kaniya at nakita ko ang parang mala-perlas sa puti ang kintab na mga ngipin niya ng ngumiti ito dahil sa sinabi ko.

Halatang may pera, naalagaan ng maayos. Nagmimistula tuloy na perlas ang ngipin. "Anong toothp*ste mo?" seryoso kong tanong ngunit narinig ko ang malutong na tawa niya. Napanguso ako sa reaction niya. Lagi nalang niya akong pinagtatawanan.

"Really wife?" tila ay hindi makapaniwala niyang tanong sa 'kin. Napakamot ako sa ulo ko at nahihiyang nagtago sa kumot. Bakit ako nahihiya?

"Oh, you don't. Bakit ka magtatago sa kumot?" nahihiya ako. Pakiramdam ko ay ang pula ko na ngayon. Naramdaman ko siyang lumapit sa 'kin at tinanggal ang kumot na pilit kong itinatakip sa mukha ko.

"Nahihiya ako." Pag-amin ko.

Mahina siyang natawa at naramdaman ko ang kamay niyang hinahaplos ang mukha ko. "Bakit ka mahihiya? I'm your husband. Hindi ka dapat mahiya sa 'kin." Tumatama ang hininga niya sa mukha ko. Sobrang bango. Hindi ko na tuloy alam kung magsasalita pa ba ako o hindi na. Na concious ako bigla.

"You're so beautiful. Are you aware of that?" agad akong napasulyap sa kaniya. Pansinin talaga ang mga mata niyang nakatitig sa 'yo lalo na't natural na kulay bughaw ito. Sa madilim na kwartong hinihigaan namin, klarong-klaro ang kulay ng mga mata niya.

"Mas maganda ang mga mata mo." Wala sa sariling nasabi ko. Mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaya hindi lang hininga niya ang tumatama sa balat ng mukha ko kun'di pati na ang tungki ng ilong niya.

"But I like your eyes more." Napapikit ako nang manayo ang balahibo ko dahil sa boses niya.

"Tell me about yourself, wife." Napamulat ako agad ng mata at napatingin sa kaniya. Kahit madilim, halatang seryoso at taimtim siyang nakatingin sa 'kin.

Bumaling ulit ako sa kisame at doon pinirmi ang paningin. Saan nga ba ako magsisimula?

"Ano, boring naman ang buhay ko." Natawa ako ng bahagya.

"I'm interested. Kahit gaano pa 'yan ka boring, gusto ko pa ring marinig." Wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ganito ba si Mr. Shein? Masiyado siyang mabait sa 'kin. Ayaw ko pa naman sa drama pero sa lalaking ito...

"A-Ano... panganay na anak ako. May nag-iisa akong kapatid na siyang dahilan kung bakit narito ako ngayon."

"Hmm..." naramdaman ko ang kamay niya na nilalaro ang buhok ko. Seryoso nga siyang makikinig siya.

"K-Kailangan niya kasing operahan kaya naghahanap ako ng kalahating milyon. Sakto namang nag offer ka nito kaya sumubok agad ako." Naramdaman kong sandali siyang natigilan.

"Wala na kasi si itay dahil namatay ito high school pa lang ako kaya ako na umako sa responsibilidad niya." Pagpapatuloy ko. Ngumiti ako ng mapait saka bumaling sa kaniya.

Isa iyon sa mga ala-ala na ayaw kong balikan. Naaksidente kasi siya nong gabing iyon habang pauwi siya galing trabaho doon sa dati naming tinitirhan.

"I'm sorry," tumingin ako sa mga mata ng asawa ko. Malungkot ang mga ito habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako at bumalik sa pwesto kung saan ay kaharap ko siya.

"Don't say sorry. It's okay. Hindi mo naman kasalanan 'yon at isa pa, matagal na 'yon. Naka move on na kami." Sabi ko. Ngumiti ako ngunit ganoon pa rin ang itsura niya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin.

"Ano- matulog na tayo." Aya ko. Bahagya siyang tumango at inayos ang kumot sa 'kin bago siya lumayo at bumaling sa kisame.

Napaka gentleman niya. Akala ko noong una maging mala impyerno ang maging buhay ko sa kaniya ngunit nagkamali ako.

Curious ako sa totoong itsura ni Mr. Shein, ng asawa ko. Sana makita ko siya. Hindi sa madilim na kwarto ito, kun'di pati na rin sa liwanang na galing sa ilaw at araw. Hindi naman siya masamang tao gaya ng inaasahan ko. Pakiramdam ko ay mabait siya.

--------

KINABUKASAN ay wala na siya sa tabi ko gaya ng inaasahan ko. But hindi gaya noong una na nawala siya ng walang paalam. Ngayon kasi ay nag iwan siya ng note na nakadikit sa gilid ng table.

"Good morning, wife. Nasa trabaho na 'ko. Ingat." Iyon lang ang sinabi niya. Tumayo ako at inayos ang kumot at unan saka tinali ang buhok saka lumabas ng bahay.

Natulog ako kagabi na walang hilamos o nagpalit man lang ng damit. Damit pa kasi ni Harold ang suot ko ngayon. Jusko!

Pagkababa ko ay nakita ko si Harold sa sofa at nanonood ng TV. Hindi ko lubos maisip kung bakit bodyguard ang pinasok niya kung pwede naman siyang maging modelo. Kamukha niya si Dino Guevarra nong medyo bata pa ito tapos hawig pa niya si Michele Morone lalo na ang katawan.

"Harold!" Agad siyang napatingin sa 'kin. Papasama sana ako sa itaas ng kwarto ko. Gusto ko munang maligo.

"Halika muna. May iuutos ako sa 'yo." Tahimik siyang sumunod sa sinabi ko. Umakyat siya sa itaas habang nakatingin sa suot kong damit niya. Marahil iniisip niya na ang dugyot ko at hindi man lang ako nagpalit ng damit.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata. So iniisip nga niya na ang dugyot ko?

"Malinis naman ako. Hindi lang ako nakapagbihis kagabi." Sabi ko na agad. Nakita kong nagulat siya at natigilan siya saka naguguluhang tumingin sa 'kin.

"Huwag mo ng sabihin. Alam kong iniisip mo na ang dugyot ko." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"Sumama ka sa 'kin sa kwarto. Mabilis lang ito." Sabi ko sa kaniya at nauna nang pumunta sa kwarto ko dito sa bahay.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at naunang pumasok sa kaniya. Tahimik siyang sumunod sa 'kin at agad na itinuro ko sa kaniya ang kama. "Umupo ka muna diyan at hinatayin mo nalang ako diyan."

Wala siyang ka ideya-ideya at alam kong may gusto siyang sabihin sa 'kin kaya naghanap ako ng ballpen at papel sa drawer at agad na ibinigay sa kaniya.

"Sulat mo dito sasabihin mo." Sabi ko. Agad naman siyang nagsulat.

"What am I doing here?" basa ko sa sulat niya. Ay hindi ko pa nga pala nasabi sa kaniya kung bakit magpapasama ako sa kaniya dito.

"Ligo muna ako. Hintayin mo 'ko dito." Sabi ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"What? I'm not your husband." Basa ko sa sinulat niya ulit. Hindi nga siya ang asawa ko. So?

"Alam ko naman. Magpapasama lang naman ako sa kwarto dahil takot ako ng mag-isa."

"Lalaki ako." Aniya sa sulat niya. Alam ko rin namang lalaki siya.

"Ang dami mong sinasabi. Sandali lang ako. Maghintay ka diyan. Huwag kang mawawala or else mamamatay ako." Sabi ko at agad na pumasok sa loob ng banyo.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon