Chapter 20

119 3 0
                                    

"So voice actor ka na pala ngayon?" kumunot ang noo ko nang marinig ang dalawa sa kusina. Nakaayos na ako at ready to go na. Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin kanina, napangiti ako nang makita na bumagay ang uniform sa 'kin.

Nakakapagtaka lang dahil hindi ko naman sinabi ang size ko but mukhang alam na ng asawa ko kung ano. 'E bakit naman hindi? Nakita na niya ang buong katawan mo.' Namula ako nang marinig ang sarili kong kinakausap ang repleksyon sa salamin.

Pati na rin ang mga damit ko dito ay ka size ko. Parang lahat ay customized para sa 'kin. Kahit sapatos o tsinelas. Lahat ay kasya.

Bumalik ako sa kusina at narinig ang dalawa na nag-uusap. "Shut up," angil ng kausap nito na ikinakunot ng noo ko. Boses ni Mr. Shein?! Nandito siya?

Nagmamadali ako sa pagpunta sa kanila ngunit ang nadatnan ko ay si Richmoon at si Harold na kumakain. Sabay silang lumingon sa 'kin. Parang nadismaya ako nang makita na wala si Mr. Shein kasama nila.

Akala ko ay makikita ko na ang mukha niya.

"Bakit?" tanong ni Rich. Hilaw akong ngumiti sa dalawa. Nakasalubong ko ang mga mata ni Harold. Ngumiti ako sa kaniya.

"Wala. Narinig ko kasi ang boses ni Mr. Shein so akala ko nandito siya." Ginawa ko lahat na hindi magtunog dismayado dahil sa hindi ko nakita ang asawa ko.

"I-I'm sorry," napabaling ulit ako kay Harold at nakitang parang siya ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Ngumiti ako sa kaniya. Wala naman siyang kasalanan dahil wala naman siyang kinalaman sa amin mag-asawa besides, nautusan lang siya.

Nang balingan ko si Richmoon ay nakita kong ngumiti ito. Gwapo talaga ni Richmoon. Kung paano ko siya nakikita noong una naming pagkikita ay ganoon pa rin ang epekto sa 'kin.

Matangos ang ilong niya at kapag siya ang kausap mo ay para bang hindi boring ang araw mo. Malakas ang sex appeal. Maputi at kaagaw-agaw pansin ang dimple nito sa pisngi.

"Why are you staring at him?" napabalik tingin ako kay Harold. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Lumalim din ang gatla sa noo ko dahil sa reaction niya. Grabe naman ito. Ano bang utos ni Mr. Shein sa kaniya? Na hindi ako pwedeng lapitan o hawakan ng ibang lalaki? Na bawal akong tumingin sa mga lalaki?

"Bakit na naman? Isusumbong na kita kay Mr. Shein. Ang higpit mo na Harold." Nakasimangot na sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Richmoon sa gilid. Nakita ko siya na tila ba ay naaaliw siya habang pinapanood kami.

Agad kong sinamaan nang tingin si Harold at nagtungo sa ref para kumuha ng tinapay. Magbabaon ako ng sandwich para makatipid ako.

"So Lorelay, tell me about your stay with my friend." Napatingin ako kay Richmoon nang magsalita ito. Nasa harapan ko siya at si Harold naman ay nasa tabi niya na nakatingin sa kaniya. Ano bang problema ni Harold? Sumusobra na siya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"I mean, kamusta na kayo ni Mr. Shein dito? Civil ba kayo? Hindi nagpapansinan?" tanong niya. Kinagatan ko ang isang sandwich na gawa ko. Ano nga ba kami?

Iniisip ko kung ano na ang stados namin ng asawa ko ngunit natigilan ako na ibang memorya ang pumasok sa isipan ko dahilan kung bakit nabulunan ako bigla sa tinapay na kinakain ko.

"Careful," napahinto ako sandali. Bulong iyon galing kay Harold ngunit naririnig ko ang boses ni Mr. Shein sa kaniya. Ganoon ako kausapin ng asawa ko kapag kami lang sa kwarto.

Namiss ko na ba siya? Bakit panay ko siyang naiisip sa katauhan ni Harold?

Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay lumayo ng konti. Nang mag-angat ako nang tingin ay tumambad sa 'kin ang mga nag-aalalang tingin ni Harold.

"Magdahan-dahan ka naman," ani nito. Hindi e, magka iba naman ang boses nilang dalawa. Niloloko lang ba ako ng pandinig ko?

"Salamat," tanging nasabi ko nalang. Nang nmapadako ang paningin ko kay Richmoon ay naroon na naman ang nakakaloko niyang titig at ngisi na pinupukol sa amin ni Harold.

"So ano na?"

"Ayos lang naman kami ni Mr. Shein. Nag-uusap naman kami." Iyon lang ang sinabi ko at sinilip silang dalawa. Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Harold. Nahihiwagaan na talaga ako sa kaniya.

"Iyon lang?" tila dismayado na tanong ni Richmoon. Napaka chismoso niya.

"Oo, iyon lang." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Sa tingin mo, paano si Mr. Shein bilang isang asawa? Mabait ba siya?" napahinto ako sa sinabi niya. Sa mga gabing magkasama kaming natutulog sa iisang kwarto, walang pinakitang masama sa 'kin ang asawa ko. Puro kabutihan lahat.

"Masaya siyang kausap. Kahit sa simpleng gawin o sasabihin ko ay natatawa siya. Actually, lagi niya 'kong pinagtatawanan." Humaba ang nguso ko nang maalala ang mga sandaling iyon. "Minsan nga, naiisip ko kung sa sinabi ko ba siya natatawa o sa itsura ko." Sabi ko at bahagyang natawa. Nang tignan ko si Richmoon ay nakita ko ang pag-awang ng labi nito na tila ba ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Tumatawa? Si M-Mr. Shein?" tanong nito. Tumango naman ako. Bakit? Hindi ba?

"Oo. Mabait din siya. Pinapaaral niya ko at tinatanong kung kamusta na ang araw ko. To the point na pati buong pamilya ko ay susuportahan niya." Nakangiting sabi ko kay Richmoon.

"It's not a surprise that he did that tho. Knowing him." Napa-angat ako nang tingin kay Richmoon. "Anong ibig mong sabihin?"

"I-I mean, look. Dapat naman talaga na maging mabait siya sa 'yo 'di ba? Kasi asawa ka niya?" ganoon ba 'yon? Hindi ko rin alam e.

"So gusto mo na si Mr. Shein?" napatigil ako sa paglalagay ng sandwich sa isang plastik na baunan at inintindi ang tanong ni Richmoon sa 'kin. Gusto ko ba si Mr. Shein?

"He saved my life. Ilang beses na." Humarap ako kay Richmoon at nakita ang seryoso nitong mga titig sa 'kin. "Binayaran niya ang hospital bills ng kapatid ko. Pinag-aral niya 'ko ulit. Susuportahan niya ang pamilya ko. Walang rason para hindi siya magustuhan."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Richmoon. "So nagustuhan mo siya dahil may naibibigay siya sa 'yo?"

Natigilan ako sandali. Naiintindihan ko ang point niya pero

"May autophobia ako. Nagsimula ito, 10 years ago. Ayaw kong mag-isa ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Si Mr. Shein, kahit na lantaran kong ipinapakita ang kahinaan ko sa kaniya, hindi niya pa rin ako ginawan ng masama noong unang tongtong ko sa bahay niya. Pinatuloy niya ako sa kwarto niya at binantayan. He assured me na nandiyan lang siya para sa 'kin. Kung pu-pwede ay babayaran ko lahat ng gastos niya sa amin, pero ang katotohanang naging mabait siya sa 'kin noong una ay hindi maikakaila. Rason kung bakit nagsutuhan ko siya."

Natahimik si Richmoon. Nang tignan ko siya ulit ay nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ang haba naman ng sinabi mo. Tinatanong ko lang naman kung gusto mo siya."

"Sinagot ko naman ah. Gusto ko siya kasi mabait siya." Napailing lang ito sa 'kin. Nang balingan namin si Harold, ay nakayuko na ito ngunit kitang-kita ang pamumula ng leeg at tenga niya. May sakit ba siya?

"Ayos ka lang Harold? Namumula ka. May lagnat ka ba?" hindi pa man siya nakakasagot ay bigla nang humaglpak ng tawa si Richmoon sa tabi ko.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon