"Kuya, anong ginagawa natin dito?" nilagay ko ang daliri ko sa gitnang bahagi ng labi ko. Nasa isang public food court kami kung saan nagtitipok ang mga streetfoods.
"Huwag kang maingay," sabi ko.
"Kuya, para kang stalker ni ate. Kung hindi kita pinigilan kanina, feeling ko ay nabogbog na na 'yang kasama niya." Nakasimangot na aniya na para bang pinapagalitan ako. Kung ako lang talaga ang tatanungin kanina ay hindi lang bogbog ang aabutin niya sa 'kin.
"Kuya, ganito kasi 'to. Magka ano-ano kayo ni ate? 'Di ba walang kayo?" Anong wala? Asawa ko ang ate mo.
"Dahil wala namang kayo, so wala kang karapatan na magselos." Pinagkrus ko ang kamay ko sa harapan at sumandal sa inuupuan namin ngayon. Ilang taon na 'to at kung makapagsalita ay mukhang marami ng alam?
"Makapagsalita ka ah parang ano ah?"
"Wait lang kuya. Diyan ka lang. Order muna ako." Aniya at lumapit sa nagluluto saka nagpaluto ng sandamakmak na pagkain. Tumingin ako sa gawi ng asawa ko. Kinakausap siya no'ng kasama niya. Wala naman silang maling ginagawa but nagseselos ako.
I should learn to control my jealousy or else, mawawala ang asawa ko sa 'kin.
"Kuya, 300 plus lahat ng pinaluto ko. Bayaran mo ah." Napanganga ako sa sinabi ni Dave. Tumingin ako sa ale na kasalukuyang nagluluto habang nakangiting nakatingin sa amin.
"S-So, ako magbabayad?"
"A-hah!" tumango-tango pang aniya. I don't know what to say to this brother-in-law of mine.
"So going back, gusto mo ang ate ko, right?" tumango ako. No need to deny that. Mapagkakatiwalaan naman siguro ito.
"Alam mo kuya, gusto ka ni nanay kaya boto kami sa 'yo pero oras na malaman ni nanay na hindi ka pipi, tiyak na hindi ka na makakalapit pa kay ate ko." Napalunok ako sa sinabi niya. Naalala ko si tita.
Ang bait at init ng tanggap niya sa 'kin kahit pa na ginisa niya 'ko ng tanong.
"Tignan mo si ate," lumingon ulit kami sa gawi ng asawa ko. "She's not smiling. Meaning niyan, nakikisama lang siya sa tao." Nakagat ko ang labi ko. My wife smiling at me as Harold but I never saw her na ngumiti sa 'kin bilang ako.
Pinakisasamahan niya lang ba ako dahil asawa niya 'ko?
"Iyan ang pattern kuya. Masiyado siyang touchy at palangiti sa mga taong komportable siya."
Every night na magkasama kaming dalawa, nasa kaniya lang lagi ang tingin ko. Kaya alam kong hindi pa siya ngumiti ni minsan sa 'kin.
"Sa tingin ko nga ay may crush si ate sa 'yo e," napabaling ako agad kay Dave dahil sa sinabi niya. I doubt. Hindi nga niya ako pinapansin kanina.
"Talaga?" wait- bakit mukhang tunog excited ang boses ko? Am I that happy to know that my wife has a crush on me?
"Yep kaya ayusin mo mga desisyon mo sa buhay kuya. Madali lang naman pasayahin si ate e." Aniya. At agad na tumayo nang tawagin siya ng ale na nagluluto ng kwek-kwek.
When my wife and her pet went back to their school, hinatid ko na si Dave sa kanila. Nakita ko ang ina nila na papasok pa lang sa loob ng bahay nila.
"Nay!" Umalingawngaw ang boses ni Dave sa sala.
"Aalis na 'ko," mahinang bulong ko.
"Inay, andito si kuya Harold. Aalis na raw siya. Natatakot sa 'yo!"
'Hsfueifueteiotu' gusto kong magmura ngunit pinipigilan ko. Gusto ko siyang batukan ngunit-
"Kuya!!" tumawa siya at umupo sa upuan. Sinamaan ko siya nang tingin. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi siya mapagkakatiwalaan.
"Oh Harold, nandito ka pala." Ngumiti ako kay tita nang makita niya 'ko. I wish that someday, pwede ko na siyang tawaging inay gaya ng pagtawag ni Lorelay sa kaniya. But as of now, nararamdaman ko na ang pawis ko sa noo ko.
"Nay, nakakapagsalita po si kuya Harold!" Nanlalaki ang mga mata ko no'ng banggitin ni Dave 'yon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nang tignan ko si tita, nakita ko ang dahan-dahang pagkawala ng ngiti sa labi niya. Patay!
Si Dave, siya talaga ang papatay sa 'kin.
-------------------------
"Thank you for this day Lorelay," hilaw akong ngumiti kay Ed. Agad akong nagpaalam sa kaniya dahil baka naghihintay na si Harold sa 'kin sa labas.
Paglabas ko ng campus ay hindi si Harold ang sumalubong sa 'kin kung hindi ay si Dave. Kumunot ang noo ko nang makita na para na siyang maiihi sa salawal niya habang nakatayo at naghihintay sa 'kin.
"Ate, bilisan mo!"
"Bakit? Ano bang nangyari?" taranta kong tanong. At bakit nandito 'to? Ayos na ba ang opera niya?
"Si kuya Harold kasi nasa bahay. Ngayon, galit si nanay sa kaniya."
"Ano?" gulat at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Paanong napunta si Harold sa bahay?
"Basta ate, halika na. Sa daanan ko na ipapaliwanag lahat."
Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Agad kaming nagpara ng padyak pauwi ng bahay. Kinakabahan na 'ko. "Ano ba kasing nangyari Dave?"
"E kasi ate, kasalanan ko."
"Ano ba kasing ginawa mo?"
"E ate, sinabi ko lang naman kay inay na hindi siya pipi." Napalingon ako kaagad kay Dave. Anong sinabi niya?
"Alam mo?" nagulat siya at agad na tumingin sa 'kin. Kumunot ang noo niya. "Alam mo rin ate?"
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Hindi. Bakit mo alam ate?"
Huh?
"Huwag mo nga akong tanungin ng patanong rin Dave. Bakit mo alam?"
"E sinabi sa akin ni kuya, ate. E bakit ikaw? Paano mo nalaman?"
Sinabi ni Harold sa kaniya?
"Lagot ka ate. Ikaw nagsabi kay inay na pipi siya."
Nakagat ko ang pangibabang labi ko sa sinabi ng kapatid ko.
Halos hindi ko na alam ang gagawin. Paano kung napalo na 'yon ni inay? Wala naman siyang masiyadong kasalanan kasi ako naman nagsabi kay inay na hindi nga nakakapagsalita si Harold e.
Halos maihi na 'ko sa kinauupuan ko kakaisip sa possibleng mangyari sa bahay. Buti nalang din at nakarating kami agad. Nagkatinginan kami ni Dave nang wala kaming marinig na kahit anong ingay mula sa loob.
"Hala ate! Baka napatay na siya ni inay." Nagmamadali kaming pumasok sa loob at natigilan ako at awang ang labi nang makita ko si Harold. Narinig ko rin ang pagsinghap ni Dave sa tabi ko.
"Inay!!"
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romance'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...