Chapter 16

122 3 0
                                    

Kinabukasan, ay nakita ko si Harold na nasa sala. Nakasimangot ang mukha niya habang may hawak na papel.

Bumaba ang mata ko sa hawak hawak niya. "I'm hungry," napaawang ang labi ko sa nakasulat. Pagkatapos niyang maging bastos kahapon ay maggaganiyan siya? Aba!

Ibinaba ko si Oprah at agad siyang tumakbo paikot ikot sa malaking bahay ni Mr. Shein. Speaking of, hindi ko na naman siya naabutan pagkagising.

"Maghintay ka diyan. Napuyat ako kagabi." Sabi ko sa kaniya at totoo naman dahil dinadaldal ako ng asawa ko kagabi. Late na yata kami nakatulog.

Nang balingan ko siya nang tingin ay nakita ko ang kakaibang ngiti niya.

"Anong iniisip mo?"

'I'm not thinking of anything bad.' Sulat niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungalong siya?

"Anong gusto mo?"

Binuksan ko ang ref. Wala na palang laman ito. Bumaling ako kay Harold. "Egg and fried rice lang muna. Wala na palang laman ang ref." Sabi ko.

Agad siyang nagsulat. "Okay. We're going to buy groceries after." Sabi niya. Sandali akong nahihiwagaan kay Harold.

Hindi naman sa ni ko-look down ko ang mga bodyguards but he's different. From his physique, his looks, at kung paano siya magsalita. Kung hindi niya napapansin ay panay English siya kung makikipag usap sa 'kin through sulat at minsan lang magtagalog.

I've encountered a lot of people with this kind of disability but Harold is the only strange I've amet so far.

Tatalikod na sana ako nang mapansin ang mata niya. It's gray. Napatigil ako sandali. Kung tama ang pagkakatanda ko, ang kulay ng mata niya nong una ko siyang makita ay brown.

Nag hallucinate ba 'ko?

'Are you okay?' basa ko sa sinulat niya sa papel. Napailing ako at pinag patuloy ang pagluluto.

Kumain lang kami agad at pagkatapos ay agad na pumunta ng market. Nasa tabi ko si Harold at bitbit niya ang cart.

Dumaan muna kami sa meat section. Kumuha ako ng ilang kilo ng karne ng manok at baka. Kumuha na rin ako ng dalawang kilo ng pork. Tsaka ilang essentials gaya ng asin, onions, garlic, ginger at iba pa.

Dumaan rin kami sa gulayan. Kumuha ako ng cabbage, carrots, patatas at kamatis. Kumuha na rin ako ng prutas gaya ng mangga at mansanas. Kumuha rin si Harold ng grapes and strawberries kaya pinabayaan ko na.

Kumuha rin ako ng kape at gatas na nasa cup at lata. Pati na asukal. Kumuha rin ako ng slice bread at mayo.

Nang masiguro na namin ang lahat, pupunta na sana ako sa counter para mabayaran lahat ng kinuha namin nang pigilan ako ni Harold.

Kumuha siya ng ilang junkfoods, beer in can, soda, at chocolates. "Kaya ba sa budget? Baka mamaya magalit si Mr. Shein."

Sinimangutan niya 'ko at naunang maglakad papuntang counter area. Sa daan ay nakasalubong namin ang isang lalaki na nakatingin sa 'min.

Mukhang hindi siya napansin ni Harold dahil diri-diritso lang ito sa paglakad.

"Harold!" tawag nito sa kasama ko. Tumigil si Harold at nakita kong nanlalaki ang mata niya habang nakatingin doon sa lalaki.

"Wow man! It's been a long time." Sabi pa nong mestisong lalaki. May lahi ba 'to?

Lumapit siya kay Harold at nag bro hug ito. "How are you?" nakangiting tanong niya. Hindi ba niya alam na hindi nakakapagsalita si Harold?

"Excuse me, sir. Kaibigan ka ba ni Harold?" napatingin sa 'kin iyong lalaki at tila ba ay nagtataka kung sino ako.

"Yes, I am. A-Are you his wife?"

ANO? Wife? Ako?

"No. Hindi niya ako asawa. Pero kasi, kaibigan niya ako and please be sensitive. Alam mong pipi ang tao so bakit-"

"Wait. Sinong pipi?" naguguluhang tanong niya. Hindi niya alam?

"Si Harold," sagot ko.

"What?" tila ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumingin siya sa kasama ko.

"Hey, when-"

"Let's talk some other time, Greg." Sabi ni Harold at hinila ako paalis sa kinatatayuan namin.

Matagal na nag sink in sa 'kin ang lahat. Nakakapagsalita siya?

Tama naman ang dinig ko hindi ba?

Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya. "Let's talk later. Bayaran muna natin ito saka tayo mag-usap." Sabi niya.

Tahimik ko siyang sinunod dahil maraming nakapila sa likuran. Binayaran niya lahat ng binili namin at siya na naglagay no'n sa compartment ng sasakyan.

"So nakakapagsalita ka?" tanong ko nang makapasok siya sa loob ng sasakyan.

Hindi siya sumagot. Grabe! Alam ba ni Mr. Shein 'to?

"So nagsinungaling ka sa 'kin?"

"I didn't." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Anong hindi?

"Sinungaling ka Harold." Sabi ko at 'yon naman ang totoo.

"You just assumed na pipi ako. Hindi ko sinabing pip talaga i ako." Sabi niya kaya natigilan ako. He's right. Hindi niya kinumpirma na pipi nga siya nong una.

Partly, kasalanan ko. But sinakyan niya pa rin ang ideyang 'yon. Kaya paniwalang paniwala ako na pipi nga siya.

"Alam ba ni Mr. Shein na nagsisinungaling ka?" kumunot ang noo niya.

"Alam niyang hindi ako pipi. Tanging ikaw lang ang naniwala no'n." Aniya. Minsan, naisip ko na parang hindi bodyguard ang ginagampanan niya. He's rude. Partly, boss niya 'ko kahit na hindi naman ako ang nagpapa sweldo sa kaniya at ayaw kong tinatrato bilang boss rin.

Basta, he act like I am like his friend. Nothing more, nothing less.

"So alam ni Mr. Shein ngunit hindi man lang niya ako itinama?"

Hindi siya nagsalita at piniling paandarin ang sasakyan paalis. Grabe! Wala akong masabi sa kanilang dalawa.

Pagdating namin sa bahay ni Mr. Shein ay agad kong hinanap si Oprah. Masama ang loob ko kay Harold dahil pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako.

"Saan ko ilalagay 'to?" so ngayon ay nagsasalita na siya? No'ng nakaraan ginawa niya akong katawa tawa..

"Huwag mo akong kausapin. Naiinis ako sa 'yo."

Hindi siya nagsalita at basta nalang niya inilagay ang mga binili namin sa mesa.

"Lorelay, talk to me." Hindi ko siya pinansin at nilaro si Oprah.

Bakit ko siya susundin?

"Please, talk to me." Pagmamakaawa niya. Tumingin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya nang tingin. Nangingilid na sa mga mata ko ang nagbabadyang luha. Naiinis ako.

Nakita kong nakagat niya ang pang ibabang labi niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisi at kaba.

Narinig ko siyang nagmura. "Look, I'm so sorry. It's not my intention. I was-" hindi niya tinuloy ang sasabihin nang makita na bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Galit ako. Naiinis ako.

Hindi ko alam kung bakit. Biglang bumilis ang takbo ng oras. Nalaman ko nalang na nakakulong ako sa mga braso niya. "I'm so sorry. Please forgive me," mahinang bulong nito. 

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon