Chapter 24

113 5 0
                                    

"Ano bang kailangan mo at kanina ka pa nakasunod?" nakasimangot na tanong ko. Napaliguan ko na rin si Oprah at plano ko na rin sanang maligo ngunit nakukulitan na 'ko kay Harold na kanina pa nagpapapansin sa 'kin.

"What? I just want to drink water." Aniya ngunit nasa tabi ko siya dito sa CR.

"So anong iinumin mo? Tub water?" agad siyang sumimangot ulit.

"Ano ba kasing kailngan mo?" malapit ng maubos ang pasensya ko sa kaniya.

"Date. I want us to date." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ayos ka lang? No. Ayaw ko!"

"Bakit ayaw mo?" nakasimangot na aniya. Napanganga ako sa tanong niya. Bakit ayaw ko? Hindi ba obvious?

"Dahil kasal ako!"

"We won't tell your husband that we date." Bakit niya nasasabi 'to? Is this his way para guluhin ako? Ang lakas ng loob niya.

"Ikaw ba si Mr. Shein?" I expect na magugulat siya ngunit hindi. Bigla niya 'kong nginisihan dahilan kung bakit napaatras ako.

"What makes you think na ako siya?"

Sinamaan ko siya nang tingin. "Bakit? Hindi nga ba?"

"Hindi. Cause I'm better than him." Seryosong sagot niya. Nababaliw na siya.

"Nahihibang ka na Harold," sabi ko at tinalikuran siya.

"Of course not. Cause I can make you mine." Sabi nito na ikinatigil ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. A-Ano bang p-pinagsasabi niya?

Nilagpasan niya 'ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Umakyat ako sa itaas nang kumalma na 'ko. Nakita ko siya sa sofa, nakatingin sa 'kin kaya agad akong nag-iwas nang tingin.

Nababaliw na talaga siya. Hindi ba siya natatakot sa pinaggagawa niya? Paano kapag malaman ni Mr. Shein? Maliban nalang kung siya nga Mr. Shein.

Napasabunot ako sa buhok ko saka pumasok ng banyo dito sa kwarto ko para maligo. Pagkababa ko ay nagulat ako nang makita na may isang babae na kasama ni Harold sa sala. Kausap niya ito at mukhang close sila lalo na't nakangiti ang babae dito.

Dali-dali akong bumaba kaya napatingin si Harold sa 'kin. "She's here," rinig kong sabi niya.

Bumaling sa 'kin ang babae. Nakita kong ngumiti siya. Sa tingin ko ay matanda siya sa 'kin ng ilang taon. Ka edad siya ni Harold. Sobrang sopistikada ng kaniyang dating at sobrang ganda pa niya.

"Babe," agad kong sinamaan nang tingin si Harold. Anong babe pinagsasabi niya diyan? "I mean, lady Lay, this is Veronica, childhood friend ni Mr. Shein." Aniya at nagpipigil ng ngiti. Ngumiti naman si Veronica sa 'kin at nag-abot ng kamay.

"Hi, I'm Veronica. It's nice to meet you."

Ngumiti naman ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Hi, Ako nga pala si Lorelay Sug-"

"Shein. Your last name is Shein." Nabigla ako sa biglang pagsingit ni Harold sa tabi. Kunot ang noo nito at tila ay galit habang nakatingin sa 'kin.

Problema niya?

"Bakit galit ka?"

"Cause you forgot what your name is."

"Ano? Hindi naman ah! Stop overreacting." Medyo naiinis na talaga ako sa kaniya. Kanina pa siya.

"Anong hindi? You were about to say Sugala and not Shein. Ganiyan ka ba magpakilala sa school?" namumula na rin siya sa galit. Ni hindi ko na ma point out ang pinupunto niya.

"Bakit galit ka?" tanong ko ulit sa kaniya. Natahimik siya bigla.

"Kung maka react ka ay parang ikaw ang asawa ko." Agad siyang napatuwid ng tayo. Nabigla rin sa sinabi ko.

"Ikaw ba siya? Mr. Shein?" nanghahamon na sabi ko. Ikaw ba siya Harold? Kung ikaw siya, bakit kailangan mong magkunwari sa harapan ko? Anong dahilan?

"Silly! Of course not." Natatawang sabi no'ng Veronica kaya bumaling ako sa kaniya.

"Mr. Shein is very loyal to his wife. Hindi niya magagawang magtaksil sa 'yo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong point?

"And Harold is my boyfriend. So paanong maging siya si Mr. Shein?"

Boyfriend?

A-Ano? B-Boyfriend?

Nakita ko rin ang bahagyang paglingon ni Harold sa kaniya. Hinihintay kong e deny niya ang sinasabi no'ng Veronica ngunit nagulat ako ng ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ni Veronica. So it's true?

"So chill Mrs. Shein, your husband is very loyal to you so malabong siya si Harold. Besides, kilala ko si Mr. Shein. Alam ko kung paano mag-isip 'yon. Right Harold?"

"Y-Yeah," sagot ni Harold. Sinamaan ko siya nang tingin at hindi niya masalubong ang mga mata ko. Napakamanloloko niya. Inaya niya 'ko na makidate sa kaniya kanina samantalang may girlfriend naman pala siya? How dare him?!

"Oh? Nobyo mo siya?" hindi ko mapigilan ang tabang sa boses ko. Naiinis na ako- No! Galit na ako. Ayaw ko pa naman sa hindi marunong makuntento.

"Yes, sweetie." Nakangiting sagot ni Veronica.

Humalukipkip ako sa harapan nilang dalawa. Tumingin ako kay Veronica. "Sasabihin ko ito hindi para siraan siya sa 'yo but I think you should know this. Harold invited me to date him. He even called me babe at narinig mo 'yon. I think, dapat mo siyang pagsabihan." Inexpect ko na magugulat o magagalit siya but-

Natawa siya na ikinagulat ko. Bakit siya natatawa? May nakakatawa ba?

"Oh honey. It's his thing. It's not a big deal. He's just friendly." Napanganga ako sa sinabi niya... Natural? Seryoso? S-She tolerate that? Grabe! Ang tanga naman niya.

"Oh, talaga ba? S-Sige, maiwan ko na kayong dalawa dito." Magsama kayo dito. Sobrang out of place ang prinisipyo niyo sa buhay. Better na hindi siya si Mr. Shein kasi ayaw ko sa sinungaling, mapagpanggap at manloloko.

Ayaw kong maging kabit.

Sa kusina lang ako tumambay. Nagluto lang ako ng pananghalian at naunang kumain sa dalawa. Nang maihanda ko na sa mesa ang niluto ko ay tinawag ko na sila.

"Kumain na kayo," nang makita na papasok na sila sa kusina ay saka ko kinuha si Oprah.

"Saan ka pupunta?" hinawakan niya 'ko sa kamay kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Sa kwarto,"

"Kakain na," aniya kaya humarap ako sa kaniya at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Bitaw!" Nang mabitawan niya ang braso ko ay inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng kwarto ko.

Agad kong inihiga si Oprah sa kama at saka ako humilata sa tabi. Nasa baba naman sila at alam ni Harold na may autophobia ako kaya hindi siya aalis para iwan ako. Bahala sila diyan sa ibaba. Ayaw kong makita ang landian nila. Naaalibadbaran ako lalo na sa mukha ni Harold.

Wala pang sampung minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok si Harold dahilan kung bakit ako napaupo agad.

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko.

Hindi siya sumagot. Isinara niya ang pintuan saka lumapit sa 'kin. Puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata kong nakasunod sa kaniya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kanina.

Ngunit natigilan ako nang maramdaman ang dalawang kamay niya sa pisngi ko at ang mahinang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Don't look at me like that, baby."

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon