Chapter 43

125 5 0
                                    


Tahimik ang tatlo habang binabaybay na nila ngayon ang daan papunta sa mansion ng Shein. Isa't kalahating oras ang byahe para makarating doon.

Agad na sinama na nila si Lorelay kahit na iyon lang ang suot. Hindi rin alintana ni Lorelay ang lamig sa labas kanina at sa sasakyan dahil naka sentro ang isipan niya sa asawa niya.

Hindi alam ng tatlo kung ibibigay ba nila ang jacket na suot nila kay Lorelay o hindi. But in the end, TG take off his jacket at nilagay sa balikat ni Lorelay. Ni nakalimutan na nga nito magsuot ng tsinelas.

Tahimik lang ang apat. Hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila kay Lorelay. Si Lee na nakatingin sa salamin habang nagmamaneho ay nakaramdam ng awa para dito. 'Matagal na hinintay ni Shein 'to Ms. Lorelay. I'm happy that you're now reciprocating his feelings for you.' Ani Lee sa kaniyang isipan.

Pagkadating nila sa village ng Shein, agad na pinapasok ng guard ang tatlo dahil kilala sila ng mga ito. Ngunit, malayo palang ay kita na nagkakagulo sa loob. Agad na hininto ni Lee ang sasakyan at dali-dali silang lumabas sa sasakyan.

Sa daan, nakita nila si Mr. Shein/Harold na pinipigilan ng mga guwardiya. Ngunit hindi nakalagpas sa mga mata ni Lorelay ang pagtama ng kamao ni Jayden sa nakababata nitong kapatid.

Kahit walang sapin sa paa ay tinakbo ni Lorelay ang pagitan nila ng asawa niya at agad na sinampal si Jayden ng pagkalakas-lakas na kahit siya ay nakaramdam ng hapdi sa palad na hindi niya ininda. "Wala kang karapatan na saktan ang asawa ko!!" Sigaw nito na nagpalaki sa mata ng mga naroon at nakarinig.

"Shit!" Agad na mura ni Lee nang makita na naroon na si Lorelay sa gitna at nasampal na nito si Jayden.

-------------------

"What are you talking about Dad?" galit na tanong ni Mr. Shein sa ama niya na tinignan lang siya na walang emotion.

"Hindi mo narinig? Ang sabi ko, let's discuss your engagement with Veronica!"

Galit na ibinalibag ni Mr. Shein ang inuupuan niya dahilan kung bakit nag panic ang mga tao sa loob.

"Don't b*llshit me!" Galit na sigaw niya.

"You careful with your words, Oliver!"

"You shut up with your b*llshits, dad!" Namumula na si Mr. Shein sa inis habang nagulat ang lahat sa reaction niya. Umiiyak na si Veronica sa ina nang makita kung gaano ka digusto ni Oliver ang ideya na ikasal sa kaniya.

"Wala kang modo!" Galit na sinuntok ni Francisco Shein ang anak. Nang balingan siya ni Mr. Shein ay nasalubong nito ang mata ng anak na nababalutan ng pagkamuhi at galit habang nakatingin sa kaniya. It's full of hatred and anger that made the great Francisco flinch.

"I don't belong to this family! Tinalikuran ko na ang pamilyang ito. Itinakwil ko na kayo!"

"Oliver!" tawag ni Genevieve Shein, ang ina ni Mr. Shein at Jayden. Galit siyang binalingan ng anak. "I hate you mom!" Dahan-dahan ngunit sinugurado niyang maiintindihan ng ina niya ang gusto niyang sabihin.

"You raised a monster!" Agad na tumulo ang luha ni Genevieve nang sabihin iyon ng bunso niyang anak. She's trying to reach her son na dahan-dahan namang umatras papalayo sa kaniya.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Oliver! Anak ka lang!" Sigaw ni Francisco na dinuduro-duro pa ito.

Puno ng sarkasmo na tumawa si Mr. Shein sa ginawa at sinabi ng ama. "Bakit? Mali ba 'ko? Tama ako 'di ba? That criminal...." Tinuro niya si Jayden na walang imik na nakatingin sa kapatid na nagwawala.

"Should put in jail.." Dagdag ni Mr. Shein. "But what did you do? Pinaalis mo! Binayaran mo ang pulisya. Pinalabas mo na aksidente lang ang nangyari where in fact, iyang paborito mong anak... Iyang p*tanginang anak mo na 'yan ay nakapatay ng tao!"

"Shein!" Angal ni Jayden nang si Francisco na ang tumahimik sa sinabi nito. Kita nila kung paano lumihis ang luha sa mata ni Mr. Shein. He thought na nakalimutan na nito ang nangyari ngunit nang makita niya ngayon ang reaction ng bunso niyang anak, bigla siyang natahimik.

"Bakit kuya?" idiniin ni Mr. Shein ang pagbigkas ng kuya kay Jayden.

"Tama ako 'di ba?" this night, unti-unting nilabas ni Mr. Shein ang hinanakit niya sa pamilya niya.

"You killed a person ngunit hindi ka man lang na konsensya. You enjoyed your life abroad habang ako ang nagbabayad ng kasalanan mo dito." Puno ng pait na sigaw nito sa harapan ng mga tao sa loob.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Jayden. Mapaklang ngumiti si Mr. Shein sa kaniya and that's the time na lumakas ang iyak ni Veronica.

"As compensation to what you did, I helped the family of the deceased. I gave them my allowance para may magamit sila dahil pinatay mo lang naman ang taong naghahanap buhay sa kanila. Lagi akong binabangungot ng gabing 'yon. I can stand as witness but hindi ko ginawa dahil utos ni Dad sa 'kin at dahil kapatid kitang gago ka!"

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Mr. Shein. Kahit ang mga magulang niya ay hindi alam na tumulong siya sa pamilya no'ng namatay.

"And now, you have the guts to decide my life? Fvck you all!" Huling sinabi ni Mr. Shein at lumabas ng mansion nila.

Hinarangan siya ng mga guard sa labas kaya nagwala na naman siya. Jayden felt remorse to what he did to his brother but he's in debt. He needs the inheritance from his parents but his brother- Oliver is in the way. So he needs to get rid of him.

He suggested the wedding to his father para mas lalong itakwil ni Oliver ang mga magulang nila. And he succeeded.

"Sorry for your pain brother but surprise..." Ngisi ni Jayden dahilan kung bakit siya dinakma ni Mr. Sheinat at agad na sinuntok. Napuno siya ng bogbog sa kapatid mabuti nalang na agad na inawat ng mga gwardiya.

Sa gigil at galit ni Jayden ay agad niyang sinuntok si Mr. Shein ngunit may isang malakas na sampal ang bumawi sa suntok na ibinigay niya.

"Wala kang karapatan sa saktan ang asawa ko!!" Sigaw ng isang babae na ngayon ay nakaharang sa nakababata niyang kapatid at galit na nakatingin sa kaniya.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon