"What?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. Siya si Mr. Ho Shein? Kung siya ang asawa ko ay sino iyong nakita kong puti ang buhok sa labas kanina?
"Niloloko mo ba ako? 'Di ba si Shein ay isang matandang hukluban?" agad niya kong binitawan ngunit narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Napanganga ako.
Nababaliw na ba siya? Ang mahinang tawa niya ay mas lalong lumakas at para akong timang na nakatulala habang nakatingala sa kaniya. Ang gwapo nang pagtawa niya.
"So my wife was expecting that her husband is an old hag, huh?" madiin ang pagkagat ko sa labi ko sa sinabi niya. Kung ganoon, siya nga si Mr. Shein? Hala ka! Pero required ba na kaakit-akit ang boses niya?
"Hindi ka matandang hukluban?" paninigurado ko.
"Do I sounded old to you?" No. He's not! In fact, nakakahalina nga ang boses niya. Pero baka isang mafia boss or drug lord nga siya?
"Isa ka bang mafia boss?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Or baka drug dealer talaga.
Hindi ko alam kung bakit na naman at bigla siyang natawa ulit. Joker na pala ako ngayon.
"Really wife? So your husband is a mafia boss now and what's the other again? Oh drug dealer. I see." There's something on his voice. I can see his eyes. The color of it is in the shade of blue but it looks so sad. Kumikinang ang ganda ng mata niya sa madilim na kwartong ito. He's laughing but his eyes didn't.
At bakit parang hindi siya madman gaya ng naririnig ko?
He sounded like a well-educated man.
Napalunok ako ng ilang beses lalo nang hawakan niya ulit ako sa kamay. This time he was tracing my hand kung malambot ba ito o hindi. Nakakahiya. Nakaramdam ako ng hiya at hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib.
Hawak niya ang kamay ko at inakay palabas ng bahay. Hindi ko makita ang kabuuan ng itsura niya sa ngayon pero alam kong mamaya ay makikita ko na ang totoong itsura ng napangasawa ko na sinasabi nilang madman.
Nang makalabas kami ay agad na sumalubong sa 'min ang mga katulong kanina na nagbihis sa 'kin. Sa harapan ay nakita ko rin si Richmoon at ang lalaking naka puti ang buhok ko kanina.
Sobrang nagulat ako nang makita ang itsura ng lalaki na akala ko ay isang matanda na si Mr. Shein dahil ang nagmamay-ari sa puting buhok na iyon ay hindi pala matanda kundi isang binatang may mala koryanong mukha.
Kung ganoon ang lalaking kasama ko nga sa kwarto ay si Mr. Shein na walang iba kun'di ang asawa ko. Halos hindi ako makakilos agad nang maisip ang bagay na 'yon. Nasa likuran ko siya pero hindi pa rin ako makalingon.
Lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Gusto kong lingunin si Mr. Shein pero nahihiya ako.
"Saan mo siya nakita Ho?" tanong ni Richmoon.
"Pumasok siya sa kwarto ko," nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang magsalita siya.
"Oh. Hindi mo siya na orient brute?" natatawang tanong nong koryano kay Richmoon. Nagkibit balikat ang lalaki at tumingin sa 'kin na siyang dahilan kung bakit napaatras ako.
Bumangga ako kay Mr. Shein. Bigla niya 'kong hinawakan para hindi ako tuluyang matumba na siyang nagpakaba ng husto sa puso ko. Paano niya nagagawang pakabahin ako ng ganito?
Nang lingunin ko siya ay sandali akong napatanga. Sandali kong pinakatitigan ang itsura niya. Kumunot ang noo ko kung bakit naka sombrero siya at nakamask.
"Ikaw ba talaga si Mr. Shein?"
"Yes sweetheart. I'm Harold Olver Shein, your husband," nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang ito. Hindi ko magawang ikilos ang kamay ko para tanggapin ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romansa'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...