Chapter 41

96 3 0
                                    


Naging tahimik ang buong buhay ko sa loob ng tatlong araw. Hindi rin ako pumasok sa skwelahan dahil ayaw ko siyang makita. Kapag kami lang ni Dave sa sala ay nakikita ko siyang napapatingin sa akin at bumubuntong hininga.

Minsan naman ang inay 'pag nakatingin sa 'kin ay naroon ang pag-aalala at pagtataka. Nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Parang gusto ko nalang bumalik sa dati kong buhay.

Nong hapon, nakita ko ang inay. Nagtitimpla siya ng kape. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa upuan. Wala akong sinabi na kahit na ano. Basta nalang ako umupo at hiniga ang ulo sa mesa.

"Namiss mo ba siya?" agad akong nag-angat ng ulo nang marinig na sinabi niya 'yon. Wala akong makita na pagbibiro sa mukha ng inay. Seryoso ang pagkakasabi niya no'n na para bang alam niya ang mga nangyayari.

"May dapat ka bang aminin sa 'kin Lorelay?" tanong ng inay. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at yumuko. Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko ay may alam ang inay. Pakiramdam ko, kapag nagsinungaling ako ay magtatampo na siya.

"Nay,"

"Hmm?"

"P-Paano po kapag n-nalaman niyo na matagal ka na palang minamanmanan ng taong akala mo ay kamakailan mo lang nakilala?" napaisip ang inay sa sinabi ko. Humigop siya ng kape saka umupo sa tabi ko dala ang kapeng ginawa niya para sa 'kin.

"Natural sa akin ang magulat," aniya ngunit naroon ang ngiti sa labi niya. "Matatakot ako kung masama ang intensyon niya sa pagpapakilala sa 'kin." Sagot niya.

Bumuntong hininga ako, "dati kasi kung hindi mo naitatanong, ganiyan ang itay mo sa 'kin." Napatingin ako kay inay at nakita ang ngiti sa labi nito habang tila inaalala ang mga nangyari sa kanila ng itay dati.

"Ngunit akala niya ay hindi ko siya napapansin. Typical na teenager na magkakagusto sa teenager na babae hanggang sa tumanda kami. Naroon pa rin siya."

"Hindi po kayo natakot kay itay, 'nay?"

"Natakot no'ng una ngunit kasi masiyadong mapagmatyag ang inay mo. Nagkunwari akong walang alam ngunit minsan, ako ang sumusunod sa itay mo. Doon ko nakita kung gaano siya kabuting tao," sabi ng inay na tila ay kinikilig pa.

"Masiyadong torpe ang itay mo anak. E mabuti nga't sa akin siya nahalina na may topak din. Ako pa ang gumawa ng paraan para lang hindi siya matakot na lapitan ako." Natatawang sabi ng inay. Natawa na rin ako at nangiti.

"Sana sa 'yo ako nagmana 'nay," sabi ko. Bilib kasi ako sa lakas ng loob niya.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. "Nagmana ka naman sa 'kin. Tayo ang magkamukha ngunit hindi maikakaila anak na sa itay mo ikaw nagmana sa ugali mo. Mabait, matapang at may lakas ng loob."

Ngumuso ako kay inay, "at torpe po?" natawa siya ng sabihin ko iyon.

"Handang ipaglaban ng itay mo ang mga mahal niya sa buhay at ganoon ka. Masaya nga ako na sa kaniya ka nagmana e. Ganda lang naman ang naiambag ko sa 'yo." Hindi ko alam kung ngingiwi ba 'ko o matatawa sa huling sinabi niya.

"Ate, patawarin mo na si kuya. Wala naman siyang ginawang masama sa 'yo e." Napatingin kami kay Dave na nakasimangot habang palapit sa amin ng inay.

"At talagang mas kinakampihan mo pa siya kesa sa akin?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"E kasi naman ate panay text ni kuya sa akin. Kinakamusta ka niya. Pati sa pagtulog ko, pagbanyo o pagsipilyo. Lagi siyang may text. Para na kaming magjowa sa totoo lang." Nakasimangot na sabi ng kapatid ko.

Natawa kami ng inay sa sinabi niya. Napatingin ako kay inay. Bumuntong hininga ako at nakapagdesisyon na sasabihin ko na sa kaniya ang katotohanan.

"Nay, may ipagatatapat po sana ako sa inyo," kinakabahang sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iri-react niya pero ito na.

"Kasal na po ako 'nay," napapikit ako. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ng inay sa akin. Kung magalit man siya ay tatanggapin ko.

"Wala akong karapatan na magalit sa 'yo," agad akong nagbukas ng mata. Nang tumingin ako kay inay ay nakita ko ang kaginhawaan sa mukha niya. Naramdaman ko rin ang yakap ni Dave sa akin.

"Salamat ate," sabi nito. Nagulat ako sa reaction nila. Parang alam na nila na kasal na nga ako.

"Alam niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ate naman, parang hindi alam na maraming signal dito sa atin. Pagdating palang namin ni inay dito ay agad na kaming dinumog no'ng mga marites at sinabing nagpakasal ka raw kay Mr. Shein para sa pam-opera ko." Nasapo ko ang noo ko sa sinabi niya. Oo nga pala, sa chapter 1 palang ng buhay ko bilang asawa ni Mr. Shein ay naroon na ang mga marites.

"Kaya umuwi ka na ate. Hinihintay ka ng asawa mo." Itong si Dave gusto niya talaga akong paalisin dito sa amin.

"E nay, naguguluhan po ako e."

"Lorelay, kilala mo ang sarili mo. Alam kong alam mo na ang sagot sa katanungan mo."

"Nay-"

"Ikaw ang nahihirapan sa ginawa mo 'nak. Kung pinagdududahan mo siya, hindi mo nanaising makita o makasama siya. Ngunit 'yon ba ang nararamdaman mo ngayon?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil sakto lahat ang sinabi niya. Gusto ko siyang makita at kahit na magkaiba ang tattoo ni Mr. Shein at Harold, hindi pa rin nawala sa puso ko na iisa nga sila.

"Maayos na humarap sa 'kin ang asawa mo. Kahit alam niyang magagalit ako, hinarap niya pa rin ako at pormal na hiningi ang kamay mo kahit na kasal na kayo. Mabait siyang tao at dapat mas alam mo 'yan kumpara sa 'kin."

Nagulat ako sa sinabi ni inay.

"Humarap po sa inyo?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. Si Harold. Noong dumalaw siya dito na wala ka, kinausap niya 'ko. Ang sabi niya sa akin no'ng araw na 'yon, 'Ma'am, tatanggapin ko po ang sampal o pananakit niyo sa akin. Ako po si Harold Oliver Shein, mahal ko po ang anak ninyo. Kasal na po siya sa akin dahil ginamit ko ang kahinaan niya. Alam kong napaka immoral ng ginawa ko, pero gusto ko pong sabihin sa inyo ito at hingin ang kamay niya. Tatanggapin ko po kung ipapakulong niyo ko. Handa po akong gawin lahat para lang mapatunayan na sensiro ako sa anak ninyo at hindi ko siya pababayaan.' Mga katagang sinabi niya habang nakaluhod." Natatawang sabi ng inay.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon