Nakatingin ako sa likuran ni Harold habang tinatahak namin ang daanan sa hallway paalis ng school. Napapahinto ang mga studyante na nadadaanan namin para bumati sa kaniya. May mga ilan na tumitili sa gilid.
Napakurap ako nang bigla siyang huminto dahilan kung bakit rin ako huminto. Nang lumingon siya sa akin ay nakita kong gumilid ang labi niya na tila ba ay pinipigilan na mangiti. "Faster," aniya sa walang boses.
Agad akong tumalima at naunang maglakad sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na tila ba ay tuwang-tuwa sa ginawa ko. Lumabi ako sa kaisipang pinagkakatuwaan niya 'ko.
Pagkalabas namin ng campus ay naroon si Lee. Nakita ko kung paano nila salubungin ni Harold ang isa't-isa. Nag bro hug sila habang marahang tinatapik-tapik ni Lee ang likuran ni Harold. Pinagsingkitan ko ng mata ang nasaksihan ko sa kanila ngayon.
Masiyado silang close sa isa't-isa. Iyan ang napansin ko sa kanilang dalawa. Mas lalo lang lumalim ang hinala ko na siya nga ang asawa ko.
"I'm so proud of you, brute. Ang dami mo ng trabaho. Bodyguard ni Ms. Lorelay, ngayon guro at isang magaling na VA." Nakangiting ani ni Lee na sinamaan ni Harold nang tingin. Anong VA?
"Kamusta ang school?" tanong ni Lee sa akin. Ngumiti ako bago sumagot. "Ayos lang,"
"Ayos lang? Lang?" bakit? Anong ibig niyang sabihin?
"Wala bang live action doon?" napaisip ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Harold at nakitang masama pa rin itong nakatingin kay Lee. Agad namang tumawa si Lee. Halatang peke, "Kidding. Anyway, tayo na?" aya niya sa amin at nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Huminga ako ng malalim saka sumunod sa kaniya.
"Kain muna tayo. Medyo gutom na rin kasi ako e," sabi ni Lee habang binabaybay namin ang daan patungong bayan. Nasa likuran kami ni Harold, magkatabi. Hindi ko nga pala naitanong kung bakit si Lee na naman ang sumundo sa amin ngayon.
Agad na kinuha ni Harold ang kamay ko at pinagsiklop ito. May kung ano sa damdamin ko nang mapamilyar ang kamay niya. Kung hindi ko alam na si Harold itong katabi ko, masasabi kong asawa ko ang humawak sa kamay ko ngayon.
Pinagsiklop niya ang mga palad namin. "What do you think?" bulong niya. Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at lumayo sa kaniya ng konti. "Nandito si Lee," bulong ko. Malakas ang tibok ng puso ko. Mas lumakas ang hinala ko na siya at si Mr. Shein ay iisa.
Gusto kong malaman ang lahat kaya nakapagdesisyon na ako na lalaruin ko ang laro na gusto niya. Kailangan ko lang humanap ng pruweba na iisa sila ni Mr. Shein at kapag napatunayan ko na iisa sila, mawawala ako sa buhay niya, kung hindi niya ipapaintindi sa akin kung bakit niya ito ginagawa. At kapag mali ako, kapag nagkataong magkaibang tao sila, kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko.
Ako mismo ang magpapakulong sa sarili ko sa salang Adultery. Pagbabayaran ko ang kasalanang nagawa ko. Dahil kung magbulag-bulagan ako sa nangyayari ngayon, mababaliw ako. Nakakahiya sa mga tao, kay inay, kay Dave at sa namayapa kong ama.
"Ayos lang sa akin, Lee." Sagot ko at ngumiti nang makitang sumilip si Lee sa salamin sa harapan. Alam kong inoobserbahan niya kami ni Harold kaya nakita ko kung paano siya ngumisi nang makitang lumayo ako kay Harold kanina.
Lee, Richmoon and even mayor Gacus knew about this. Ayaw kong intindihin, pero nang mapagtagni ko ang mga bagay-bagay, kinalibutan ako sa mga katagang binitawan ni Mr. Shein. Iyong sinasabi niyang, takot siyang mawala ako sa buhay niya.
Ayaw kong isipin na may mas malalim pa siyang rason kung bakit nasabi niya iyon. Na parang, matagal na niya akong kilala. Na para bang, matagal na niyang hinihintay na lumapit ako sa kaniya, na pumasok ako sa buhay niya.
Pinagsawalang bahala ko ito ngunit lahat ng damit ko sa bahay niya, nagkataon lang ba na lahat ay kasya sa 'kin? Na para bang sinadyang ipagawa para sa 'kin. Pinagsawalang bahala ko lang 'yan dati pero ngayon ay hindi ko na alam.
Pakiramdam ko ngayon, bago pa man ako tumuntong sa bahay niya ay kilala na niya ako.
Pagkababa namin sa isang Filipino resto, agad akong dumikit kay Harold. Medyo nabigla rin ako sa ginawa ko pero na co-concious akong pumasok dahil mukhang pang mayaman ang resto. Naka business suit lahat at halatang may dating ang mga taong pumapasok sa loob.
Napakapit ako sa braso niya. Agad na sumipol si Lee nang makita ang ginawa ko. Napabitaw ako bigla, "I'm sorry, nahihiya akong pumasok. Mukhang pang mayaman kasi e." Mahinang bulong ko na narinig nilang dalawa.
"Gusto mo bang ipasara natin 'yan?" agad na umangal si Lee sa sinabi ni Harold. "Hey brute. You mean, ngayong araw lang. Right?" Tila ay kinakabahang sabi ni Lee sa katabi ko. Ako naman ang napakurap-kurap sa dalawa. Ipasara?
'He's capable on doing that?' Oo. Kung siya nga si Mr. Shein, hindi malabo. Sagot ng isang bahagi ng isip ko. On the other hand, halata ang gulat sa mukha ni Lee. It seems like, sineryoso niya ang sinabi ni Harold. At hindi ko rin nakitaan na nagbibiro nga siya no'ng sinabi niya 'yon kanina. And with that, I assumed that Harold is not just a man that I think he is. He's mysterious, just like my husband.
Ngumiti ako sa dalawa. "Ayos lang and besides paano mo ipapasara 'yan Harold? Milyones ba ang kinikita mo sa school at sahod bilang bodyguard ko para kaya mong bayaran ang isang araw ng ganiyang kalaki na resto?"
Natameme silang dalawa ni Lee. Halatang nagulat sa sinabi ko. Mas lalo lang nilang inapuyan ang hinala ko sa kaniya. Sa bibig na mismo nila mangagaling ang katotohanang hinahanap ko.
"Tayo na," agad silang kumilos but this time, tahimik na si Lee habang taimtim naman akong pinagmamasdan ni Harold.
Pagpasok namin sa loob ay nagulat ako nang makasalubong namin si Veronica. Una siyang lumapit kay Lee para bumati saka siya lumapit sa amin. Wala sa sarili kong ibinalik ang kamay ko sa braso ni Harold na tila ba ay sinasabi ko kay Veronica na akin si Harold.
Sinundan ni Veronica ang kamay ko sa braso ni Harold at nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya.
"Babe, I'm glad I see you here. May sasabihin sana ako sa 'yo-" tumigil siya sandali at pinasadahan ako nang tingin. "Nang tayong dalawa lang." Pagtatapos niya. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Harold.
"I'm sorry but he's with me. Bawal mo siyang kausapin at bawal mo siyang tawaging babe." Hindi ko mapigilang hindi magtaray. Ayaw ko talaga sa kaniya. Narinig namin ang matunog na halakhak ni Lee sa unahan ngunit hindi ko na initindi pa. Hinila ko na si Harold papalayo kay Veronica na masama ang tingin sa akin.
May gana pa akong magbanta na mawawala ako sa buhay niya oras na malaman ko ang lahat kung ganitong ka selos na selos ako kapag nasa paligid si Veronica. Ang gaga ko!
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romance'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...